Chapter 32

8 2 0
                                    

Chapter 32

It's my birthday. Plano ko noong nakaraan na sa Bantayan mag birthday pero tinatamad ako ngayon. I just want to lay down here in my bed and do nothing. I suddenly remembered my birthdays for the past years. Ganito rin. Wala akong ginagawa. Nagkakaroon lang ng celebration dahil sa plano ng pamilya ko. They will celebrate it without any notice. Magugulat nalang ako na pagkababa ko sa kwarto ay nakahanda na lahat.

Sign of aging na ba ito? Nakakaloka naman.

“Today I don't feel like doing anything~” pagkanta ko habang nakahilata.

Minutes passed by when my phone beeped and then someone called. Nang tingnan ko ay si Chesa iyon. Naalala pa pala ako ng babaitang to? Akala ko nakalimutan niya na ako dahil si Devin na ang palaging nasa tabi niya. Lalaking yon! Inagaw ba naman sakin ang best friend ko.

“Yes? Reia Felomino, speaking. How may I help you?” tamad na bungad ko sa tawag niya.

“Yah. Mwo hago isseo?” What are you doing?

Napangiwi ako. Nasobrahan ata sa korean drama ang isang to at nag korean pa. Buti nalang I can speak korean. Wews!

“Nothing. Just, laying down, ganun. Why naman nag korean ka, ateng?”

“Psh! Hayys,” kumunot ang noo ko. “Saeng-il chukhae, uri chingu. Saranghanda.” Happy birthday, my friend. I love you.

Natawa ako. “Ne, kamsahamnida. Nado saranghae.” Yes, thank you. I love you too.

“Aish, jinjja. ‘Wag na nga magkorean. Naloloka ako e.”

“Sino ba nagsimula?”

“Sabi ko nga ako. Anyway, nasa Cebu ako, girl. Papunta ako ngayon sa favorite mong coffee shop. Take note, hindi starbucks. Punta ka here, bilis!”

“Tinatamad ako, Che.”

“Tama ba yan? Bawal yan haaa. Punta ka na. Najunge boja!” See you later!

At binabaan na ako ng tawag. Tinatamad man ay bumangon ako at nag ayos. Gora nalang tutal birthday ko naman. Isang light blue dress ang suot ko. I used the car kasi nga tinatamad akong maghintay ng taxi.

Pagkarating ko sa coffee shop ay kunti lang ang tao. Kumunot lang yung noo ko nang mapansin na wala pa si Chesa. Prank ba to? Nasan na ang babaeng yun?

Uupo na sana ako nang biglang...

“Happy birthday to you~~”

Nanlalaki ang mata akong lumingon sa kanila. Napatakip nalang ako sa aking bibig nang isa isa silang lumabas.

“Happy birthday to you. Happy birthday, happy birthday. Happy birthday, Reia.”

Napasinghap ako nang magtama ang mata namin ni Zandriel. Siya ang may hawak ng cake at matamis itong nakangiti sa akin.

“Happy birthday, baby,” he mouthed.

“Blow the candle na. What are you waiting for?” atat na sabi ni Chesa na agad kong sinamaan ng tingin.

Hindi ko alam kung kaninong pakana ‘to pero sure akong kasabwat si Chesa sa pagplano nito. They are all here. The band Blaze together with Khanlysse and also, my whole family. Si Papa at ate na kasama si kuya, Tita Gia’s family, and Devin’s family. Pasalamat nalang at medyo malaki ang coffee shop at hindi kami mukhang sardinas dito.

I closed my eyes and made a wish.

“I wish my loved ones to be happy and safe, always.”

They all clapped their hands right after I blew the candle. Inilapag ni Zan ang cake sa table and hugged me. I felt him caress my hair and kissed my forehead.

As Time Goes By (Series Of Scenery #1)Where stories live. Discover now