Chapter 4

24 4 9
                                    

Hindi makapaniwalang tumingin ako sa kaniya. Naguguluhan kung bakit niya gagawin 'yon? Hindi naman kami close para ilibre niya ako, hindi kami friend at minsan lang kami mag-usap.

"What?" Tanong nito nang mapansin ang tingin ko. Umiling ako bago bumaling sa mga pagkain na nasa harap. Sa sobrang dami at halos lahat ay gusto ko, nahirapan akong mamili kung ano ba talaga ang bibilhin ko.

"Okay na ako, wala akong gusto," mahinang sabi ko at binalingan ang kaibigan. "Chesa, anong sayo?"

Lumapit ako sa kaniya at umangkla sa braso ng kaibigan.

"Ito," pinakita nito sa akin ang choco mucho at ang quake overload. Napanguso na lang ako dahil favorite ko ang dalawang iyon pero ayaw ko namang bumili, nagtitipid ako e.

"Okay," sabi ko.

Hinintay ko s'yang makabayad. Nakatingin lang ako sa elementary na katabi lang ng school namin nang may biglang naglahad sa akin ng dalawang choco mucho, piattos, at sprite. Sinundan ko ng tingin ang kamay ng nagbigay at nahuli kong nakatingin sa akin si Zandriel at nakataas pa ang kilay.

"Sayo yan," nakatingin lang ako sa kaniya kaya napabuntong hininga ito at kinuha ang kamay ko para ilagay ang mga pagkaing binili niya.

Ngumuso ako. "Bakit pa?"

"Basta! Sayo na 'yan. Una na ako, aral kayong mabuti," sabi niya at bahagyang ginulo ang buhok ko.

Napakurap ako at napahawak sa ulo. Sinundan namin ng tingin ang lalaking naglalakad palayo, lumingon ito at kumaway sa akin kaya wala sa sariling kumaway rin ako.

Natauhan lang ako nang mahinang tumili ang kaibigan ko.

"Kyah! Ang cute niyo, putik," kinikilig na sabi nito sa tabi ko.

Napasimangot ako bago naglakad pabalik sa school.

Kailangan niya ba talaga akong bilhan? Di naman kami magkaano ano ah? Hindi naman sa ayaw ko pero nagtataka lang ako kung bakit ganoon ang asta niya. May gusto ba siya sakin?

Napangiwi ako sa sariling naisip. Ew lang ha, ikaw? Gusto niya? Lakas naman ng amats mo, Reia. Baka nga kapatid lang ang turing sayo ng isang 'yon e. Sakit, shems!

"Sana lahat 'di ba, may college," sinamaan ko ng tingin ang kaibigan sa sinabi nito.

Hindi na ako umimik dahil baka mapikon lang ako. Naguguluhan pa rin ako sa ginawa ni Zandriel pero binaliwala ko na lang iyon kasi baka mabait lang talaga siya kaya niya ako binigyan.

Araw ng myerkules nang maaga kaming pinauwi kaya lito tuloy ako kung saan ako pupunta. Kapag umuwi ako ay ako lang naman mag-isa doon kasi may trabaho si Ate tapos pumunta si Lola kina Tita Pebba.

"RS tayo mga mahal," malakas na sabi ni Kaye kaya nag-agree agad ang lahat sa kaniya. Napatingin naman sila sa amin ni Chesa nang tahimik lang kaming nag-aayos.

"Sama kayo? Tara na!"

"Sige na. Libre daw ni Dem," sabi pa ni Pres, napamura naman ang kaibigan.

"Mukha mo!"

Natawa na langg kami bago um-oo. Naghiyawan naman sila dahil complete daw kami, e may absent naman.

"Lakad lang tayo?"

Sa sinabi ni Kevin na agad nilang minura, nagreklamo rin ang iba. Sino ba naman ang hindi mapapamura e ang init init tapos maglalakad lang? Saka, nasa kabilang barangay pa ang RS. Dati hindi ko pa alam kung ano ang RS, riverside lang pala.

Para kasing kainan iyon sa tabi ng ilog pero safe naman saka maganda ang view doon saka ang mga pagkain.

Dalawang tricycle ang nasakyan namin papunta doon, sa dami ba naman namin 'di ba?

As Time Goes By (Series Of Scenery #1)Where stories live. Discover now