Chapter 26

12 1 0
                                    


Pagkaalis ko sa bahay ay dumaan muna ako sa isang coffee shop. Hindi pa ako nakakapasok ay tumigil ulit ako sa labas at kunot noong tiningnan ang pangalan ng shop.

"Azalea's Cup?"

At first, naguguluhan ako kung bakit pamilyar sa akin pero unti unting namuo ang memorya sa isip ko at doon ko naalala ang shop na ito. Hindi makapaniwalang tumingin ako sa loob.

"The f? Seryoso ba 'to?"

Dahil nasa harapan na ako ng mismong shop ay pumasok nalang ako. Mukhang wala naman akong choice kundi ang pumasok. Doon ko lang rin naalala na sikat na pala ang coffee shop na ito sa buong bansa.

"Hello, Ma'am! Welcome to Azalea's Cup," magiliw na bati ng babae nang pumasok ako. Hindi ko tuloy maiwasang ngumiti.

"Hi. I would like to have your mocha frappe."

"Okay, Ma'am. Noted. Your order will arrive after five minutes, Ma'am."

Tumango ako saka naghanap ng mauupuan. While waiting, may bigla nalang umupo sa harapan ko. Nagulat ako sa taong iyon dahil hindi ko naman siya kilala pero bigla nalang umupo sa upuang nasa tapat ko.

He smiled. "Hi, Reia!"

Nagulat ako nang banggitin niya ang pangalan ko. He looks familiar but I don't know kung saan ko siya nakilala.

"Hi?" Hindi pa ako sure kung babatiin ko ba siya or what.

Napaayos ito ng upo at mukhang may na realize.

"Oh, right! Hindi mo ako naalala 'no?"

Pilit na ngiti ang iginawad ko sa kaniya saka dahan dahang umiling. Sorry, p're, ha? Hindi kasi kita kilala. Bigla bigla ba naman umupo sa harapan ko e hindi ko naman 'to ka ano ano.

"I'm Trev. Trevian. You know, kaibigan ni Zandriel?" Pagpapakilala niya.

Napatitig naman ako sa mukha niya. Trying to remember the name he just mentioned. Friend ni Zandriel? When realization hit me, my lips formed an 'o'.

Napaturo ako sa kaniya nang wala sa oras.

"Friend ni Zandriel? Trev? Yung palaging nang aasar kay Chesa? I mean, hindi naman pala palagi," sabi ko.

"Exactly! Kumusta ka na? Nagkita tayo noong nakaraan sa grocery store pero hindi mo naman ako nakilala," now we're talking.

"Yeah, I remember," sabi ko at inalala ang araw na nang grocery ako. Yun yung araw na umuwi si Chesa sa kanila.

"Flight attendant ka na. Congrats."

"Thank you. Ikaw? Kumusta ka na? Engineer?" Actually, hindi ako sure kung engineer ba ang course niya noon. Wala naman kasi akong paki sa kaniya.

Tumawa siya. "Si Zandriel lang yung engineer, Reia. Business ang kinuha ko noon."

Napa 'oh' ako dahil hindi ko inisip iyon. Dumating na yung in-order ko, ganun rin ang sa kaniya. We talked about some things. Mga nangyari kay Zandriel.

"Nag iinuman kami noon sa bahay nina Jim nang dumating si Shin dala ang isang sobre. She told him that it was from you," sabi niya at hindi ko naman maiwasang alalahanin ang araw na nakiusap ako kay Shin about sa bagay na iyon.

"Yeah," mahinang sabi ko at binaba ang tingin sa lamesa.

"Days after niyang mabasa ang letter na galing sayo, he asked me if I can go with him. Akala ko kung saan siya pupunta, iyon pala ay kay Prof Santos siya pupunta. Nagulat ako, Rei, kasi sabi niya hindi niya tatanggapin ang offer pero bigla nalang siyang pumunta doon at binawi ang sinabi niya," mahabang lintaya niya, ako naman ay tahimik lang na nakikinig. "He accepted the offer because of you. He almost give up everything for you but you are also the reason why he became successful."

As Time Goes By (Series Of Scenery #1)Where stories live. Discover now