Chapter 20

13 1 0
                                    


"Yohooo!"

Lumagapak sa tubig si Lyeone pagkatapos nitong tumalon. Natawa ako nang sumunod si Brent at natamaan ng kaniyang paa si Lye. Agad na hinila ni Lye ang buhok ng isa at doon na nagsimula ang kulitan ng dalawa na sinalihan ni Etric at Zael.

"This scene reminds me of something," sabi ni Chesa na nakatingin rin sa apat na nagkakagulo sa tubig.

We are currently at the Kawasan Falls. If you're wondering kung bakit kasama namin ang lima ay dahil nag insist silang sumama sa amin after marinig ang plano namin ni Chesa. Hindi na kami naka hindi sa kanila dahil libre kami ng lima. Sinundo pa kami kanina sa bahay na ikinagulat ko. Feeling close ang mga ito. As in. Nakalimutan ko pang kapit bahay ko pala si Arden. Nyawa!

"What is it?"

"Sila ni Julian at Dem. Ganito rin kakulit ang dalawang iyon," sabi niya na ikinatigil ko.

After I left, I never heard their names anymore. Tanging si Chesa lang ang nakakausap ko sa nagdaang taon at hindi naman namin napag uusapan ang dating kaklase na naging malapit na rin sa amin.

"How are... They?"

"They're good. Hindi natuloy ang pag Cebu ni Julian dahil sa Luzon siya dinala ng parents niya. Some of our classmates naman hindi natuloy sa college because of... You know, financial?"

Napatango ako. "I feel bad for them. Masakit 'yon. Iyong feeling na gusto mong makapag tapos ng kolehiyo to reach your dreams tapos hindi matutuloy because you're financially unstable."

"Yeah. Wala naman tayong magagawa. All we could do is to support them and be happy to the life they chose basta nasa mabuti lang. I can't support bad businesses."

"Jeez."

We talked about some serious things bago kami nagdesisyon na maligo na rin. The boys are friendly around Chesa and they even make sure that she won't feel uncomfortable. That made me smile tho. I'm sure these boys will set your standard high once they turn into a real man. When I say 'real man', what I mean is when cupid hit their heart and found their own woman. Laro laro palang kasi ang ginagawa ng mga ito but they actually treat girls better. In their own ways, of course, and I don't want to talk about it.

"Here, you can borrow my towel. Don't worry, hindi ko pa 'yan nagagamit," abot ni Brent kay Chesa. Nakalimutan pala kasi ng gaga ang tuwalya niya. Kita mo lang.

"Uh, thanks but I can share with Reia. I'm good."

"You'll get cold," si Zael na ang kumuha noon at pinatong sa balikat ng babae. Nagulat si Chesa doon pero hindi na nagsalita pa at tipid nalang na ngumiti bilang pasalamat.

Napangiti rin ako doon. Nang magtama ang mata namin ni Zael ay ngumisi ako sa kaniya. Kumunot ang kaniyang noo at agad na umiling, binato ako ng plastic cup.

"Shut it, Reia."

"What?" Natatawang tanong ko.

Kasalukuyan kaming nagpapahinga. Nakabihis na rin ako at si Chesa na ang sumunod. Dahil nasa ulo ko ang towel ko ay ang kay Brent nalang ang ginamit niya. Nang ibalik nito kay Brent ang towel para magamit ng isa ay nakahiram na pala ito kay Arden at tapos nang magbihis.

"Ano pala ang course mo, Chesa?" Tanong ng feeling close na si Lye, as usual. First name basis pa. Wews.

"Business Ad. Major in marketing. Benta benta lang, ganun," sagot nito.

"Oh? Akala ko tourism ka rin. Bagay rin sayo ah?"

Ngumisi ang isa. "Nah. Si Reia na diyan. Hindi kami pwede sa iisang field."

"Seriously?"

"ABM ang strand niyo noon, di ba?" Tanong ni Arden sa akin na tinanguan ko. "Same here."

As Time Goes By (Series Of Scenery #1)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang