Chapter 6

12 2 2
                                    

Mag-isa akong naglalakad sa gilid ng kalsada. May ibang pinuntahan si Chesa kaya hindi kami magkasama. Pupunta ako sa malapit na department store, actually hindi siya malapit pero hindi rin malayo pero syempre nakakapagod pa rin maglakad. Bibili akong illustration board para sa performance task, manila paper at marker para sa group report.

Nainis pa ako kasi 'yong mga member ko sa akin na lang iniasa lahat. Hulaan ko, ako pa magsusulat at mag-r-report nito sa harap pero syempre hindi ako papayag. Kung ganito lang din naman ang mangyayari, mas mabuti pang mag individual na lang kaysa groupings. Wala namang ambag ang members maliban sa pera para ipambili ng materials.

Nakabusangot ako nang makalabas sa department store, napatigil lang ako nang may tumawag sa akin.

"Reia!"

Malaki ang ngiti at kumakaway si Trev sa akin, napapailing naman si Jerel at binatukan ang kaibigan samantalang si Zandriel ay kunot ang noo na nakatingin sa akin, maya maya pa ay naglalakad na ito papunta sa pwesto ko.

"Wala kang kasama?" Tanong nito, nakadungaw sa akin.

Nakatingala naman ako sa kaniya at umatras ng bahagya dahil sobrang lapit niya!

"Mm," nakanguso akong tumango. Sinilip ko ang dalawa niyang kaibigan na kumakain ng fish ball, kumaway ulit si Trev.

Should I call them 'kuya'? I mean, malaki ang agwat ng edad nila sa akin. Almost five years din pero itong lalaking nasa harap ko, five years din ang tanda sa akin e.

"Hey," nagulat ako nang pitikin nito ang noo ko. Tinapunan ko naman siya ng masamang tingin.

"Masakit!" Reklamo ko.

"Stop staring at them."

Umirap ako. "Seloso," bulong lang iyon at biro lang din pero nagulat ako nang magsalita siya.

"Yeah? And now what?"

Nagpeke ako nang tawa at lumapit sa nagtitinda ng fish ball, tumabi naman ang dalawang lalaki nang makita ako. Nakanguso akong tumingin sa kanila saka bumaling kay kuya.

"Twenty pesos ho para sa kaniya," hindi pa ako nakakapagsalita nang maunahan ako ng lalaki, nilingon ko ito para samaan ng tingin, tinaasan lang naman niya ako ng kilay.

"Maanghang o hindi?" Tanong ni Kuyang nagbebenta ng fish ball.

"Spicy lang po," magalang na sabi ko.

"Maanghang nga," bulong ni Trev na ikinatawa ko na lang.

"Kaya nga," sabi ko rin.

Pagkatapos kong bumili - I mean si Zandriel pala tutal siya naman ang nagbayad, bale libre niya lang sa akin 'yon. Ang swerte ko 'no? Pero alam ko naman na hindi dapat ako umasa sa kaniya nang gano'n. Sa totoo lang ayaw ko sa pang lilibre na ginagawa niya pero dahil siya mismo ang mapilit ay wala na akong magagawa, mas makulit pa sa akin e.

Bumalik na ako sa school, kasabay ko pa ang tatlo. Sasakay daw kami ng tricycle kaso sabi ko ang lapit na ng school tapos sasakay pa? Wala naman akong pake sa init, gusto kong maglakad e, bakit ba?

"Study well, I'll call you after class," sabi niya. Tumango na lang ako, ang dalawa sa gilid niya ay nag-iiwas ng tingin at nagpipigil ng ngiti. Mga siraulo.

"Bye," kumaway ako bago naglakad papasok ng gate.

Mula sa gate ay natanaw ko ang mga kaklase ko na nakatingin pabalik-balik sa akin at sa tatlong lalaki na ngayon ay naglalakad papunta sa eskwelahan nila.

"Ano mo 'yon?" tanong ng isa.

"Kuya mo?" nagulat ako sa tanong ng kaibigan niya, ipinagkibit balikat ko lang naman iyon.

As Time Goes By (Series Of Scenery #1)Where stories live. Discover now