Chapter 12

9 2 1
                                    

Ms. A: I'm sorry for the very long update. Nagka writer's block kasi ako at matagal bago naka recover. And anyway, I did a minor changes doon sa isang chapter pero kunti lang naman, no need to re-read.

This chapter is dedicated to kwenziexx . Happy birthday to you, my love. Thank you for always reminding me that I am not just a student, I am also a writer. Thank you sa kakulitan mo dahil hindi ka nagsawa na sabihing 'Bhe, update ka na.' Hahahahah. So yeah, happiest birthday to you. Enjoy your special day. We always love you.

Ps. Ang tanda mo na. Bleh



_____

After ng gala namin ni Zan na iginiit niyang 'date' ay umuwi na rin ako, hinatid niya pala tutal Hindi naman siya papayag na umuwi akong mag isa lalo na kung siya ang kumuha sa akin sa bahay.

"Apo, magbihis ka nga muna ng pang alis na damit," sabi bigla ni Lola na ipinagtaka ko, nanonood ako ng movie dito tapos biglang ganun? Ang ganda pa naman ng palabas.

"Bakit, 'la? Sa'n tayo?"

May dala siyang paper bag na hindi ko alam kung ano ang laman. Kanina ko pa yan nakita noong umuwi ako, titingnan ko sana kaya lang ayaw ni Lola. Ano kaya laman no'n? What if bomba? Charot lang, walang gano'n!

"Basta! Tara na, samahan mo na ako. Tumayo ka na diyan at magbihis na," hinila pa nga niya ako patayo at bahagyang tinulak papunta sa hagdan.

Wala naman akong nagawa, nakakamot sa ulo akong umakyat at pumunta sa kwarto para magbihis na naman. Simpleng pants at shirt lang ang sinuot ko kasi nakakatamad na! Dadami na naman ang labahan ko nito.

Pagkababa ay agad kaming umalis. Wala akong dalang kahit ano maliban sa cellphone ko at sa dalawang daan na nasa case pa nito. Transparent pa ang case kaya kitang kita ang green na two hundred pesos, hanep! Allowance ko yan kaya bawal gastusin.

"Saan ba tayo, 'la?" Tanong ko nang makasakay kami at patungo sa nowhere kasi hindi ko alam ang pupuntahan. Ewan ko ba rito sa lola ko.

"Basta," sabi lang niya at ngumiti. Kinutuban naman ako ng kung ano dahil sa ngiti niyang iyon.

"Naku, lola, ha? Kinakabahan ako diyan sa ngiti mong 'yan. Ayaw ko ng ganyan, lola," sabi ko pa pero hinampas lang ako ni lola dahil kung ano ano na naman daw ang naiisip ko. Aba, malay ko bang saan ang punta namin at ano ang pupuntahan? Mamaya mga ano pala 'yon. Aish, basta!

Sumakay na kami at sinabi sa driver ang lugar na aming pupuntahan, hindi ko naman masyadong narinig dahil sa hangin kaya bahala na, kung saan man kami patungo, naway gabayan ako ni San Julio. May San Julio ba? 'Di ba wala? Kaya walang gagabay sa akin!

Hindi na pamilyar sa akin ang dinadaanan namin. Nang tumigil ang tricycle at bumaba na kami ni Lola ay bumungad sa akin ang isang malaking bahay. Amazed and at the same time curious. 'Yong totoo, nasan na kami?

"Saan na tayo, 'La?" Tanong ko kay Lola pero hindi niya ako pinansin! Naglakad lang si Lola na parang walang narinig. Napakamot tuloy ako sa ulo ko.

Nag door bell si Lola sa malaking bahay. While me ay tahimik lang na naghihintay sa tabi niya. Bumukas ang gate at ang unang sumalubong sa akin ay ang nakangiting mukha ng kasambahay. Paano ko nalaman? Kasi naka uniform siya.

"Lola Emilia, narito na po kayo. Pasok po," nilakihan niya ang bukas ng gate. "Kanina pa po kayo hinihintay ni Madam."

"Salamat, Alyse. Halika na, Riri," sabi ni Lola. So ayun nga, balik tayo sa 'Riri'. Seriously? Parang nasanay naman na si Lola na tawagin akong 'Reia' kaya bakit bumalik sa 'Riri'?

As Time Goes By (Series Of Scenery #1)Where stories live. Discover now