KABANATA 2

104 48 13
                                    

Kiss


Umalis na ako sa harapan nito at nagtungo na sa room para sa next subject. Buti nalang mabait ngayon at mukhang good mood si Sir John kaya pinapasok ako nito sa period n'ya kahit na late. Pinagpala ka nawa.


Umupo ako sa likuran, katabi ni Monica. Bagot akong umupo at pinilit ang sariling makinig sa discussion ni Sir John. Kahit na nasa kabilang mundo ang utak ko.


"Bakit ngayon ka'lang?" Bulong na ni Monica sa'kin tabi.


"Madaling araw na akong nakatulog kagabi kaya na late ako."


Tumango-tango ito at muling itinuon ang atensyon sa harapan. Natapos ang isang subject na wala akong naintindihan. Naiinis ako dahil sa tuwing mag-iisip ako, pumapasok sa utak ko ang imahe ni Kashiro. Pilit kong iwinasik sa'king isipan ang imahe nito.


"Pinapatawag daw lahat ng SSG officer." Imporma sa'kin ni Monica nang mag lunch break na.


Tumango ako rito, pumunta na kung saan gaganapin ang meeting. We discuss about rules and regulation. Naatasan ako ngayon kasama si Liza na mag-ikot sa paligid ng campus ngayong lunch break.


Nang matapos akong kumain ay nagsimula na kaming mag-ikot sa paligid at bawat sulok ni Liza.


Naghiwalay kami nang landas, siya sa likod ng grade 8 at 7 habang ako naman ay sa likod ng 9 at 10 kasali na'rin sa likod ng mga cr.


Kumunot ang noo ko ng may kakaiba akong naririnig habang palapit na ako sa likod ng cr. Mga halakhak at tunog ng baso ang naririnig ko. Dahan-dahan ang ginawa kong hakbang at nagtago sa pader. Sumilip ako kung ano ang ginagawa nito.


Agad kong kinuha ang cellphone sa bulsa at ini-on ang video nito. Nag-iinuman at nagtatawanan si'na Kashiro at ang mga kaibigan nito.


"Laplap na'yan!" Hiyaw ni Cyrus isa sa mga kaibigan ni Kashiro.


Napasinghap at bahagyang nanlaki ang mga mata dahil sa nasaksihan. Nanginginig ang kamay ko na hawak ang cellphone, pinikit ko ang mga mata ng lumapit si Kashiro sa isang babae at hinalikan nito ng marahas ang labi ng babae.


Naghiyawan ang mga kaibigan nito. Ang sarap nilang murahin! Ang kapal naman ng mga mukha nila para dito talaga mag-inuman at maglaplapan! Hindi ba nila naisip na skwelahan ito at bawal ang ginawa nila?!


Isusumbong ko kayo!


Iminulat ko ang mga mata pero mukhang wrong move 'yun dahil pagmulat nang mata ko, nakatingin na sa'kin ang abong mata ni Kashiro habang hinahalikan pa'rin ang babae.


Ramdam ko ang pangangatong at paghihina nang aking mga binti. Humawak ako sa pader upang hindi tuluyang mawalan ng balanse dahil sa kakaibang tingin ng lalaki.


Tumigil ito sa paghalik sa babae, he lick his wet lips and smirk while still looking at me. Hindi ko'na kinaya! Kumaripas ako ng takbo paalis sa lugar na'yun.


Nakabalik na ako sa room, hawak ang cellphone at nag-iisip kong isusumbong ko ba ang mag-barkadang iyon o hindi. Kung isusumbong ko sila may posibilidad na ma-expell ang mga ito, hindi naman kasi kaaya-aya ang ginawa nila. Nasa school tapos mag-iinuman at halikan?!


Dahil sa malalim napag-iisip hindi ko namalayan na lumapit sa'kin si Monica.


"Kanina kapa tulala ah? May problema ba?" Bakas sa boses nito ang pag-aalala. Umupo ito sa harapan ko, sinakop ng maliit nitong kamay ang aking mukha. Sinuri nito ang bawat sulok ng mukha ko animo'y may kung anong hinahanap.


"Mukha ka talagang problemado Ash." Komperma nito at binitiwan na ang mukha ko.


Umiling ako. "Wala naman. Nag-iniisip lang ako kung ano ang gagawin namin sa nalalapit na Valentine."


Her heart shape mouth form into "O" "Malapit na nga pala ang araw ng mga puso. Ano ang plano niyo ssg?"


Nagkibit-balikat ako. "Hindi ko pa alam kung ano ang plano ng president namin."


She nodded. "Birthday ng ate ko sa bahay. Wanna come?"


"I don't know Nica, alam mo naman na hindi ako basta-bastang pinapayagan ni mommy gumala o makikain manlang sa ibang bahay." I said.



Half lie and half truth. Ang alam ko kasi pinsan nito si Kashiro at iisa lamang ang area ng tinitirhan nito, possibleng makita ko ito. I don't want to see him! The memory of him, kissing and leaping a girl flash into my mind. Kadiri! His annoying smirk and brown seducing eyes, annoys me so much. Potek na labi 'yun, dina tuloy virgin ang, mga pretty eyes ko.


How old is he? 16? Way to young to kiss and drink some beers. Dapat sa edad nito nagbabasa pa ng bible at verse.


"Please? Ako na ang magpapaalam kay tita na payagan ka." Pagmamakaawa nito.


Napabuntong-hininga na lamang ako at tumango, siguro kung sakali man makita ko ang lalaking iyon ay iiwas nalang ako. Iiwas sa nakakalason nitong mga mata. Baka makapatay pa ako ng gago paghindi ko ito iiwasan.



JANIJESTORIES







Secret On You (Under Edit)Where stories live. Discover now