KABANATA 14

63 33 1
                                    

Selos part 2

"Masama pakiramdam ko sa ngiti mo Ash" nanginginig nitong sambit.

Hinarap ko ang dalawang mag jowa sa harapan namin. Inakbayan ko si Angelo at malawak na nginitian sila. Napansin ko ang pagtingin ni Kashiro sa kamay kong naka akbay kay kapre.

Tumingkayad pa ako para maabot si Angelo.

"Ayy Oo mareng Hazel jowa ko tong lalaking toh" turo ko kay Angelo.

Ang higad naman ay panay ang tili, kinikilig daw sa'min. Naniwala naman ang loko. Napangisi ako ng lingunin ko si Kashiro. Kita sa expression nito ang pagkagulat.

Matalim ang tingin nito sa'kin na ikinabigla ko.

Nakauwi na ako, kanina pa uwi ay tinadtad ako nito ng sermon kong bakit ko daw iyon sinabi.

"Gusto mo naman" singhal ko. Kainis mga sermon niya.

Umiwas lang ito ng tingin at hinatid na ako pauwi.

Napangiti ako ng maalala ang reaksyon kanina ni Kashiro.

Ngayong araw ang balik namin sa school. Nag-ayos lang ako at umalis na papuntang school bale hindi ko kasabay ngayon si Angelo dahil nasa ibang school na ito kasama ang ate ko dahil Grade 11 na sila.

Mag-isa akong naglalakad sa kalsada habang kumakain ng chocolate na bigay ng boyfriend ng ate ko. Dahil first quarter pa namin ngayong buwan ay isang notebook at ballpen lang ang dala ko. Manghihingi nalang ako ng papel sa kaklase ko.

Pagdating sa room. Magiliw akong binati nina Monica. Wala naman kaming masyadong ginawa ngayong araw kundi introduce your self nanaman. Pabalik-balik nalang. Kaso naka chamba kami ngayon grade 9 dahil may gwapong transfere.

Gwapo ito. Maputi atsaka mahinhin kong magsalita hindi tulad ng ibang lalaki na maangas, malinis din itong tignan. Kahit na gwapong-gwapo kami magkakaibigan sa kanya ay nanaig ang pagiging dedululu ni Monica alam ko naman na tipo nito ang lalaki.

"Ah!!! Ang gwapo niya beshy mygosh. Ang puti niya, matangkad atsaka 'yung brown eyes n'ya nakakalaglag panti"

Sinapak namin siya dahil sa mga pinagsasabi nito, buti nalang nasa science garden kami kaya walang nakakarinig sa mga delulu niya.

Buong araw atang hindi matigil si Shiena kakaputak sa lalaking 'yun.
Nakakabanas na.

One week simula ng mag-umpisa ang klase pero hindi ko pa rin nakikita si Kashiro. Buwisit, tuwing flag ay diko din s'ya nakikita, balita ko parati raw yung late.

Tapos tuwing break naman ay hindi ko parin siya nakikita dahil ayun sa nasagap kong chismis ay natutulog lang raw ito. Potik!

Sabado ngayon kaya napag-isip- isip kong mamasyal muna ngayong gabi, wala kasi sina mommy dahil nag camp daw ang mga student niya atsiya ang inatasan mag bantay.


Hindi kona inaya sina Zion dahil baka malas lang ang dala nila sakin. Atsaka wala yung mga pera ako pa ang antasan nitong manglibre noh!.


Mag-isa akong naglalakad sa bayan, dahil maghahating gabi na ay wala ng masyadong taong nagdadaan sa kalsada, tahimik ang paligid at tanging mga motor lang na dumadaan ang ingay.

Pumunta ako ng 7/11, bumili lang ako ng shopaw na minit upang maibsan ang lamig ng katawan ko.

Naglakad lang ako muli habang kumakain ng mapadaan ako sa may madilim na sulok. Hindi naman ako takot sa dilim, nagtataka ako dahil maynaririnig akong kalabog sa bandang iyon.

Inubos ko ang kinakain ko, habangpapalapit ako sa banda ng ingay ay may naririnig akong maynag- uusap.

Nagtago ako sa may basurahan, naaninag ko ang mga ito dahil sa ilaw ng poste. May mga kalalakihan na pinapalibutan ang isang lalaki, hindi ko masyadong makita ang mukha nito dahil naka harang ang mga kalalakihan sakanya.

Lumapit sa kanya ang isang lalaking pangit! Oo pangit! Kalbo ito at may hikaw sa tinga ang mas ikinapangit pa nito ay ang mala gold nitong ngipin na ngumingiti. Yuck!! Kung ako ang nasa posisyon ng lalaking yun mangdidiri ako sa ngiti nito.

"Usapan ay usapan Rex. Hangat hindi mo nababayaran ang utang mo sakin ay kailangan mong sundin ang utos ko"

Rex?? Familiar ata pangalan nito.

"Bukas na bukas ay makakabayad na ako kaya wag mona akong pagbantaan, aalis na ako may pasok pa ako bukas."
Pati boses nito ay parang kilala ko ata.

Akmang aalis ang lalaki ng hinarangan siya ng malalaking kalalakihan na mukhang alagad nung gold teeth na lalaki.

"Dika makakaalis ngayon Rex Kashiro, dahil uuwi kang balat buto" nagtawanan ang mga kasamahan nito.

Kahit malayo ako ay amoy na amoy ko ang mabaho nilang mga hininga potik!

Nanlaki ang aking mga mata sa pangalang binangit nito, umusog kaunti ang lalaking nakaharang kaya malinaw kong nakikita kong sino ang lalaking pinapalibutan nila.

Si Rex Kashiro nga!!!!

Nanlaki muli ang mga mata ko ng akmang hahampasin s'ya ng matambok na lalaki ng kahoy, natamaan si Kashiro at namamalipit na ito at nakahiga na sa sahig.

Akma nanamang hahampasin s'ya muli ng lumabas ako sa'king pinagtataguan.

"Ahhh!!! Isang hampas pajan baboy ramo ka! Makakatikim ka talaga sakin"

Iwan ko ba kung saan ko kinuha ang lakas ng loob ko para lumabas sa pinagtataguan ko. Potik mukhang madadamay ako sa gulo ngayon.

Malagkit na tumingin sakin ang baboy ramo, kasama na rito ang boss nitong si gold teeth. Napangiwi ako ng ngumiti ito sakin.

Nilingon ko si Kashiro na nanlaki ang mga matang nakatingin sakin. Inirapan ko lamang ito.

Unti-unting lumapit sa'kin si gold teeth, ng makalapit ito ay napatakip ako ng ilong dahil sa mabaho niyang hininga, hindi lang pala hininga ang ma baho rito kundi pati buong katawan.

Potik sa amoy n'ya palang mukhang mapapaaga ang pagsalubong ko kay San pendro.

Akmang hahawakan n'ya ako ng tapigin ko ang kamay n'ya.

"Abat matapang kang babaeta ka."

Potik! Nahihilo ako sa baho niya.

"Wagkang mag salita! Nakakamatay. Baho ng hininga mo ulol ka!" Sita ko dito.

Kumunot ang noo nito sa sinabi ko. Huminga ito sa kanyang palad, inamoy niya ang kanyang palad, napangiwi ito.

"Oo nga mabaho na," sambit nito "Buti pinaalala mo miss" lumingon ito sakin at ngumiti. Umiwas lang ako ng tingin dahil nakakadiri talaga tignan ang gold teeth nito.

Natauhan ata ito dahil sa ka bobo.

"Pinagloloko mo akong babae ka, hala s'ya mga alagad kunin niyo tung higad na ito"

Nanlaki ang mga mata ko ng humahakbang sila papalapit sakin. Napatingin ako kay Kashiro nakahiga parin, kahit nasa ganun siyang  posisyon ay nakaya niya pa akong irapan. Buwisit

Akmang susuntukin ako ng isang lalaki ng inunahan ko ito. Napangiwi ako dahil sa sakit ng kamao ko.

Nang dahil doon ay nagulat ang mga kasamahan nito. Dahil sa reaksyon nila ay oportonidad ko 'yong kunin si Kashiro.

Akmang hahampasin ako ng baboy ramo ng bigla s'yang suntukin ni Kashiro. Mabilis kaming tumakbo papaalis.





JANIJESTORIES

Secret On You (Under Edit)Where stories live. Discover now