KABANATA 8

73 38 2
                                    

Racing 


 "Oi Puta! Post mo 'yan ma'am, v-viral kagwapuha ko n'yan." Wika nito na s'yang nagpalaglag nang aking panga.

 Akmang kukuhanin nito ang cellphone nang agara ko itong itinago sa'king bulsa. I look at him, the look that says "What the f*ck." I cannot believe him! I thought he will kneel and beg to delete this video, but it's a total opposite! 

He wanted to post the video so that he will be famous! Is he out of his mind? Hindi ako makapaniwala sa lalaking 'to. Wala itong hiya! Mas makapal pa ata sa dictionary ang pagmumukha nito. 

 "Proud ka pa talaga sa ginawa mo!" Singhal ko rito. Matalim s'yang tinignan, para naman itong tuta na biglang umamo.

 "Gusto mo bang ipakita ko ito sa guidance? So you could be suspended or worst expelled!" Sigaw ko. 

 Agad namang nag-iba ang timpla ng mukha nito, kung kanina'y tuwang-tuwa ito, ngayon nalagyan na nang kaba ang pagmumukha ng lalaki. 

 "Huwang namang ganyan! Hindi ko naman pinilit 'yung babae na makipag-chukchukan sa'kin. Kusa itong nabighani sa kagwapuhan ko." Sabi nito, nakanguso na parang pato.

 "Aba't nagda-dahilan ka pa! Ang sabihin mo, makati 'yang labi mo kaya kung sino-sino nalang babae ang hinahalikan mo." I cannot contain my anger, I really can't believe this man! Bigla nalang nito pinabago ang mood ko. Babaero talaga! Ang sarap hampasin at inudnud ang labi nitong marumi sa putik. 

 "Ano ang gusto mo, ikaw nalang ang halikan ko?" Singhal nito na s'yang nagpatigil sa'kin. 

"Siguro pag-natikman ko ang labi mo, hindi na ako titikim sa iba." Pomorma ang labi nito ng ngiti. 

 Natigilan ako sa sinabi nito. Bahagyang nabara ang lalamunan ko at hindi makaimik. I open my mouth to speak, pero walang salitang lumabas sa'king bibig. I can feel my whole face, burning and I look like a tomato.

 "Oi, bakit ang pula-pula mo? May sakit kaba?" Wika nito. Bakas sa boses nito ang pag-aalala. Bahagya akong napaatras ng bigla nitong hawakan ang aking leeg. Parang may kuryenteng bumalot sa'king sistema nang ahawakan ako nito. Kumunot ang makakapal nitong kilay. 

Umiwas ako ng tingin dito, I cant look into his eyes. Lumilikot ang aking mata, hindi makatingin kay Kashiro.

 "Wala! Don't mind me." Agaran kong wika rito.

 Him kissing me? Hindi ko ma-imagine na si Kashiro, hahalilakan ako ng mapusok. I don't know how to kiss, I have no kissing experience. 

 Akmang magsasalita pa ito ng talikuran ko ito, I can feel my whole face and neck burning like fire. Kung hindi pa ako aalis sa harapan nito, baka kung ano-ano na ang maisip ko. Nakarating ako sa room ng humihingal dahil sa bilis ng lakad ko para lang maka alis sa presensya ni Kashiro. Itinapon ko ang aking bag sa upuan ko at pabagsak na umupo, isinubsob ko ang mukha sa aking desk.

 "Ok kalang, Ash?" Tanong sa'kin ni Monica. Tumango ako pero ang ulo ay nakasobsob parin sa mesa. Hindi mawala sa isipan ko ang gwapong mukha ni Kashiro, sa tuwing na iisip ko s'ya. Pumapasok sa utak ko ang imahe na hinahalikan ako nito. Napasabunot ako sa sariling buhok dahil sa naiisip.

 "Ok ka talaga sa lagay na 'yan?" Sarkastikong wika ni Monica. Umupo ito sa tabi ko habang may hawak na chichirya at kumakain. Matalim ko s'yang tinignan ngunit nauwi lang sa bugton-hininga.

 "Sama ka, mamayang gabi? May racing na magaganap sa bayan, nood tayo?." Masayang wika ni Monica. Mukhang masaya rin naman kung sasama ako rito mamaya. Para narin mawala sa isipan ko ang lalaking 'yun. I need a distraction, maybe dahil napapadalas na ang pagsasama namin kaya parati kong naiisip ang mukha nito. Maybe...

 Kinagabihan nag-ayos ako sa'king sarili. Malaking t-shirt at maikling short na hangang tuhod ang suot ko. And I also, isinuot ko ang white Nike kong sapatos.

 Nagpaalam ako kay mommy, pinayagan naman ako nito kaso dapat maaga akong makauwi, before 10 PM dapat nakauwi na ako. 

 Sinundo ako rito ni Monica, angkas na nito sa likod si Zion na mukhang napilitan lang na sumama. Hindi ko alam kung bakit ayaw na ayaw nitong sumama sa racing, sa pagkakaalala ko ay mahilig itong manood ng racing at mga sports game. Himala at ayaw nitong sumama ngayon. 

 "Buwisit kayo! Sabing ayaw kong sumama! Pilit kayo ng pilit!" Singhal nito saamin ng makalapit ako rito. 

 Gusto kong matawa dahil sa itsura nito ngayon. Nakayakap ito sa bewang ni Monica, nakagapos ang kamay nito sa bewang ng kaibigan lukot na lukot ang mukha, halatang sasabog na sa galit. I wonder kung papaano ginapos ni Monica si Zion. I would die laughing while watching the two pulling each other.

 "Sumakay kana bago paman makawala ang paniki sa likuran ko." Sigaw ni Monica. Natatawang umangkas ako sa likuran ng motor nito. Agad naman nitong pinaharurut ang motor. Isinuot ko ang jacket ng makaramdam ng lamig.


Janijestories


Secret On You (Under Edit)Where stories live. Discover now