KABANATA 3

96 46 10
                                    


Birthday


Umuwi muna ako ng bahay at nagbihis. May sariling motor si Monica kaya sinundo ako nito sa bahay. Around 5:30 pm when we arrived, marami-rami na ang tao sa loob. Nag-iinuman ang mga kalalakihan while the other girls are eating.


"Hi Ashley!" A boy voice shout. It was Renz, my classmate. Nag-hello lang ako rito at umalis na sa harapan nito.


Hindi ako mapakali, narito si Renz which means narito rin ang kuya nito sa paligid. Ayaw kong makita ang pagmumukha ng lalaking iyon.


"Have a seat Ashley, kumuha kalang ng pagkain sa hapag and if you want to drink, lumapit kalang sa mga kalalakihan doon at manhingi." Wika ni tita Molena, ina ni Monica.


Tumango ako kay tita, hinanap ko ang anak nitong si Monica. Kanina pagpasok ko sa bahay nila, bigla itong nawala. I search everywhere but I couldn't find her, hindi gaanong kalakihan ang bahay nina Monica, 'yung tamang-tama lang para sa isang pamilya.


Nakaramdam ako ng naiihi kaya pumunta muna ako ng cr. Hinugasan ko ang aking kamay nang matapos, akmang lalabas na ako ng cr, nang may biglang pumasok.


"Don't you know how to knock!" Singhal ko rito ngunit agad tumikom ang bibig ng mapagtanto kung sino ang lalaking nasa harap ko.


"B*wisit! 'Wag mo akong ma English-English, dudugo patotoy ko! Tumabi ka nga! Naiihi na'ko." Sigaw nito.


Kusa namang sumunod ang mga paa ko sa sinabi nito, naglakad ako paalis dito. Malakas akong napabuntong-hininga ng makabalik na sa'king upuan. Kinapa ko ang aking puso na kanina pa tumatambol. Putanginang puso tumigal ka nga! Pere keng tenge!


"Alis na po ako, tita." Paalam ko kay tita, hindi ko talaga mahanap si Monica kaya siguro uuwi nalang ako.


"Oh? Tapos kanabang kumain?" Tanong nito habang abala sa pag-aasikaso ng mga bisita.


Tumango ako. "Yes po, tita."


"Oh, siya balik ka sa susunod ah? Sa birthday na naman ni Monica." Wika nito.


Tumango lang ako at niyakap si tita bago umalis, kaso naalala ko bigla na wala pala akong masasakyan. Kainis! Buwisit! Na'san naman kasi 'yun si Monica! Paano ako uuwi ngayon? Maglalakad? Ang layo-layo kaya! Tapos ang dilim na nang kalangitan.


Alas siete na ng gabi kaya walang mga tricycle na dumadaan sa kalsada.


"Bakit ka na rito sa labas miss? Hinihintay mo'ko?"


Biglang lumitaw sa harapan ko ang naka-pamulsang Kashiro. Irap ang sinagot ko rito, ang hangin nito. Kung hindi ko lang alam ang ugali nito siguro crush ko na ito ngayon dahil sa kapogiang taglay nito, kaso mukhang malas ata ako dahil nalaman ko ang ugali nito, na mas masahol pa sa ugali ng pokpok.


Kati sa babae! Dapat talaga rito turuan magbasa ng bible nang malalam nito kung ano ang tama at hindi dapat gawin sa babae at katawan.


"Tulog na si Monica, at ang sabi nito ihatid kita pauwi." Ani nito at pinakita sa'kin ang susi sa kamay nito.


Sasabay ako rito? Kahit na ayaw kong sumakay rito ay wala na akong nagawa, sayka naman magmukmuk ako rito sa labas kakaisip kung paano ba makauwi.


Sumunod ako rito ng maglakad ito papunta kung saan naka-park ang motor ni Monica, pinaandar niya ito. Bumugtong-hininga ako bago lumapit dito at umangkas sa motor.


"Dahan-dahanin mo sa pagmamaneho kung ayaw mong ako mismo ang papatay sayu." Pagbabanta ko rito.


Humalakhak Ito na s'yang nagpatigil sa'kin. Hindi ko alam kung bakit ang ganda sa pandinig ko ang tawa nito. Imbis na ma buwisit ulit rito ay nagandahan ako sa tawa nito.


Tulad ng sabi ko rito, dahan-dahan lang ang pagmaneho nito. Nakarating kami sa bahay nang walang imikan. Akmang magpapasalamat ako rito nang umalis na ito.


"Pts. Sino 'yun?"


Nabigla ako ng biglang lumitaw sa harapan ko si Angelo. My bestfriend, in-short kababata ko. Moreno ito at matangkad, maskulado ang pangangatawan at maamo ang mukha. Crush ko ito, pogi at sporty kaya nagustuhan ko.


Umiling ako. "Wala! 'Diko kilala sino 'yun."


Kumunot ang noo ko nang mapagtantong nakatambay ito sa harap ng aming bahay. Para s'yang aso na nakatambay sa pintuan.


"Bakit ka narito?" I ask.


"Hinihintay ka. Sabi kasi ni tita na abangan ka sa labas dahil nag lakwatsya ka raw." Wika nito.


"Nasaan ba sina mommy?"


"Nasa loob, tulog na."


Inalok ko itong pumasok ng bahay pero tumangi ito dahil gabi na raw at baka hinahanap na ito ni Aling Bebeta, lola nito.


"Sige sa susunod nalang! Uwi muna ako." Wika nito. He waved before leaving.


Tumango ako rito.


Nang makaalis ito ay pumasok na ako ng bahay at naglinis ng katawan. Naligo at kumain ulit dahil hindi ako nabusog sa kinain ko sa bahay 'nila Monica.


JANIJESTORIES

Secret On You (Under Edit)Where stories live. Discover now