KABANATA 11

66 32 3
                                    

Date


 Sabado nang hapon ang naging schedule ko kay Shark, ang usapan namin ay alas tres ng hapon ngunit na late ako ng 30 minutes. Nakatulog kasi ako kaninang tanghali at hindi ko namalayan ang oras, napahaba ang tulog ko. 


 Ang akala ko ay wala na Ito sa plaza, kung saan kami magkikita. Laking gulat ko ng naroon parin ito. Nilapitan ko ito, parente nalamang itong nakaupo sa bench at nanonood ng mga naglalaro ng basketball. 


 "Sorry...... nakatulog kasi ako." Nahihiyang wika ko. Nakakahiya talaga! Pinaghintay ko ang tao ng 30 minutes! Kung ako ang nasa puwesto nito ngayon, siguro umuwi na ako at iiwan nalang ang kikitain. He look at me. I thought he would be anger but to my surprise, he smile. 


 "It's ok, ang mabuti nakarating ka." Wika nito. Napabuntong-hininga ako. Nakokonsensya dahil sa ginawa. 


 "Im really.... really sorry Shark." Bakas sa boses ko ang naghihingi ng tawad. 


"I'll treat you, nalang? Makabawi manlang sa ilang oras ng paghintay mo sa'kin." Tumango ito. Humalakhak sa naging alok ko.


 "Ok...ok....just treat me, Ashley." Naging masaya ang gala namin sa plaza, hindi nga namin namalayan ang oras, gabi na ng lumabas kami ng Novo mall. Natatawa nalamang kami dahil wala kaming binili sa loob, pumasok lang kami upang maglibot.


 "I have so much fun, Ashley." Natatawa nitong wika.


 Tumango-tango ako, sang-ayon sa sinabi nito, masaya itong kasama. Nakakatawa itong kasama at medyo madaldal. We say our goodbye, umuwi na ako, mag-aalas deyes na ng makarating ako sa bahay, agad akong naligo at nag-ayos bago matulog.


 Nahiga ako sa kama, akmang pipikit na ang mga mata ng biglang bumukas ang bintana ng aking kwarto. Sisigaw na sana ako ngunit naaninag ko ang gwapong mukha ng lalaking ayaw ko sanang makita.


 "Anong ginagawa mo rito?! Kashiro!" Singhal ko rito, muntikan ng mapasigaw ng bigla itong humiga sa'king kama, katabi ko. 


 Nakapambahay ito na damit, nakajersey short at naka-white t shirt pang-itaas at magulo ang buhok. Naalala kong wala pala akong bra. Agad kong kinuha ang unan sa'king tabi at itinakip ito sa'kin dibdib. Napaatras ako ng gumapang ito papalapit sa'kin, naramdaman ko sa'king likod ang pader ng dulo nang aking higaan. 


 "Sino mas gwapo saami?" Tanong nito. Kumunot ang noo ko, hindi maunawaan ang tanong nito, mas gwapo? Kanino? Nakadrugs ata ang lalaking ito, mukhang nakainom ito dahil sa amoy ng kanyang bibig na ilang dangkal lang sa'king mukha. 


 Malakas itong napabuntong-hininga, animo'y may malaking problema sa buhay.  Tumingin ito sa'king abong mga mata, tinitigan ko naman ang magandang mukha nito, I can't look directly at him, sa labi na lamang ako nito naka tingin. 


 "Bahala ka nga sa buhay mo!" Sigaw nito. Lumayo ito sa'kin, napakamot sa kanyang ulo, animo'y problemadong- problemado. Ano bang nangyayari sa lalaking ito? Bigla-bigla nalang susulpot sa bintana ng kwarto ko, at biglang mag-aaktong ganito?! Mukha s'yang ewan. 


 "Kashiro, lasing kalang. Umuwi kana sa inyo, atsaka bakit kabanarito?" Medyo humunahon na ang aking boses. Hindi ko kayang palakasin ang aking boses dahil baka marinig ako ni ate sa kabilang kwarto. Ramdam ko rin ang lakas ng tibok ng puso ko, nakakabingi itong pakingan. Namumungay ang mga matang tingin ako nito muli. 


 "Ayaw mo ba sa'kin, Ash?" Naiiyak nitong turan. Nalukot ang aking mukha nang makita ang namumula nitong mga mata animo'y paiyak na talaga. Nanlaki ang mga mata ko ng tumalon ito at yumakap sa'kin. Buti nalang may harang na unan sa'king dibdib kaya hindi ito masyadong nakayakap sa'kin. 


 "A..ayaw mo sa bobong katulad ko, Ash?" Hikbi nito. Sumiksik ito sa'king leeg. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maaawa dahil sa inaakto nito. Siguro dahil sa kalasingan kaya nagkakaganito ito. Bakit naman kasi uminom ito.


 "Magtigil ka nga! Kung ano-ano ang pinagsasabi mo." Sita ko rito. Ngnunit maslalo itong umiyak, humagogol na sa'king leeg, basang-basa na ang leeg ko dahil sa luha nito. Para itong bata, humigpit lalo ang yakap nito sa'kin. Nangtignan ko ang pagitan namin, doon ko lang napansin na wala na pala ang unan sa'king dibdib. Hindi ko nalamang ito pinansin, mukhang hindi naman nito nadama ang tutuk ng dibdib ko dahil busy ito sa pag-iyak.


 "Shh..na.. wag kanang umiyak." Pag-aalo ko rito. Ilang minuto ang itinagal namin sa pagkayakapan ng maramdaman ko ang kamay nito sa'king dibdib na pumipisil doon. Hindi ko manlang napansin ang kamay nito na pumasok sa loob ng aking damit.


 Itinulak ko ito kaagad. Nanlalaki ang mga mata dahil sa ginawa nito. Akmang si-singhalan ko ito, ng makita ko ang mukha nito, namumula ang mga mata, basa ang magkabilang pisngi at sumisinghot-singhot.


 "A....ayaw mo talaga kay poging, Kashiro. Baby?" Naiiyak nitong wika. Ngumuso ito na parang pato. 


 Mabigat akong napabuntong-hininga, namo-moblema sa lalaking nasa harapan ko ngayon. Sinapo ko ang namamasang pisngi nito. Para akong umaamo nang isang sangol. Jusme! 


 "S-sempre gusto ko si poging, Kashiro." Wika ko. Lasing naman ito, baka bukas hindi na nito maalala ang mga sinasabi ko ngayon sa'kanya.....sana nga. Bahagyang kuminang ang mga mata nito dahil sa sinabi ko, " T-tagala?" 


 Tumango-tango ako rito. Ilang minuto lang ay napaalis ko na agad ito sa kwarto ko, dumaan ito sa bintana kung saan dumaan ito kanina papasok. 


Pinauwi ko na ito dahil baka pumasok ng kwarto si mommy at makita pa si Kashiro sa kwarto ko. Magkaka-world war 3 pagnangyari iyon, puputok lahat ng bulkan sa Philippines pagnagkataon.  


JANIJESTORIES

Secret On You (Under Edit)Where stories live. Discover now