KABANATA 5

90 46 8
                                    

Kiss again

"Ang sasama ng budhi n'yo."

Nakasimangot ako habang hinarap ang mga traydor kong kaibigan. Hindi naman talaga ako galit sa kanila dahil iniwan nila ako sadyang madrama lang ako.

Na'rito kami ngayon sa canteen kumakain nang agahan, nakasanayan na namin na minsan hindi kumakain ng agahan sa bahay at dito nalang sa canteen kakain. Minsan kasi na le-late kami kahit na ang lapit-lapit lang ng bahay namin sa school.

"Well, sino bang tanga natulog kahit na alam niyang malapit na ang time." Sarkastong sambit ni Zion. Inirapan ko lang ito.

"Pasalamat kayo may gwapong gumising sakin." Wala sa sariling nasambit ko 'yun.

Biglang na buhayan ang mga tamlay na mukha ng mga kaibigan ko ng makarinig ng gwapo.

"Aber, aber sino yan? Kwento ka dali"

"Sure kang gwapo yan?"

Tumanga-tango ako at hindi nalang nagsalita muli, ayaw kong pag-usapan ang lalaking 'yun.

Wala kaming boyfriend mag kakaibigan since birth, hindi naman sa walang pumapatol sa'min pero kasi highstandard kami, ang gusto namin sa mga lalaki, 'yung matalino. Atsaka aral muna ang inaatupag namin sa ngayon.

"Ilang araw kang nawala, Zion. Mukha ka paring hagard, nagbeauty rest kaba talaga o nagbabad lang sa putik?" Ani ko.

"Aba't nag hahamon ka talaga Ash, ah." Maangas nitong sambit mukhang ng hahamon talaga, ang sleeve nito ay pinapataas niya hangang siko niya. Nag mumukha nanaman itong ulol.

Nginitian ko ito ng plastic "Joke lang hindi ka naman ma biro".

Nag kwentuhan lang kami sa canteen hangang sa nag bell na.

Dahil sa na iihi pa ako ay pinauna ko muna sila, bakit ba naman kasi napadami ang inom ko ng tubig. Nagmamadali akong makapunta sa cr. Naiinis pa ako dahil ang layo-layo ng cr.

Sa wakas naka paglabas na ako. Naglalakad lang ako kahit na alam kong late na ako para sa first period ng may na rinig akong munting ungol sa likod ng cr na nilabasan ko.

Dahil dakilang chismosa ako ay pumunta ako kung saan may narinig akong umuongol. Nagtago ako sa may malaking bato.

Napasinghap ako. Muntikan na akong makasigaw sa naikita ko. OMJ! Kung may dala lang akong cellphone pinicturan ko na sila. Tapos ipagkalat ko talaga ang ginagawa nila. New viral kamo. Pero naisip ko na 'wag nalang, may hiya pa naman ako. Baka maging famous sila. May video na nga, may picture pa.

Si Rex Kashiro may babaeng kahalikan, may kalaplapan. Grabe naman. Wala silang hiya sa campus pa talaga nakikipag chukchakan. Pangalawa na n'ya itong ginawa, kailan ba matutubuan nang hiya ang lalaking ito?

Nabitin ako sa panonood ng kissing nila ng may dumating na isang lalaki. Tropa nina Kashiro.

"Pre may klase pa tayo, maya n'yo nayan tapusin."

Napagalitan ako ng teacher dahil late raw ako. Wala naman akong pake run. Buong klase ay nakatulala lang ako. Hindi pa'rin ma alis sa utak ko ang nasaksihan ko kanina.

May sabi-sabing girlfriend daw ni Kashiro si Alexa sa grade 10 star section pero bakit parang grade 7 ata ang kahalikan nito kanina.

Natapos ang klase na nakatulala parin ako. "Hoy! Tulala nanaman si mareng, Ashley." Wika ni Zion.

"Earth to sun, bigyan n'yo na ng boyfriend si Ashley para bumuhay naman ang love life nito." Sunod na salita ni Monica. Humalakhak ang dalawa animo'y tuwang-tuwa sa pangtri-trip sa'kin.

Bago paman sumabog ang galit ko sa kanila ay iniwan ko nalang sila. Naririnig ko pa ang pagtawag nila sakin, hindi ko sila pinansin at patuloy lang ang paglakad hangang sa dinala ako ng mga paa ko kung saan nasaksihan ko ang pag hahalikan nila kash at nung bababe.

Bakit ba ako nandito? Inis na napasabunot nalang ako sa sariling buhok. Kainis! Aalis na sana ako ng may nag salita.

"Nagmumukha kang baliw" Napatingin ako sa nag salita, naka sandal si Kashiro sa may dingding at may hawak na sigarilyo.

"H-hoy bakit ka naninigarilyo? Bawal yan ah." kahit kinakabahan ay nagawa ko pa 'yung sabihin. Bakit ba ako na titimang sa lalaking toh?

Dahil isa ako sa SSG ay hindi talaga puwedeng palampasin ang ginagawa nitong paninigarilyo sa loob ng campus.

Binaliwa wala lang nito ang sinabi ko, patuloy lang ito sa pag langhap ng sigarilyo, dahil sa inis ay lumapit ako sa kanya at walang sabi-sabing kinuha ang stick sa bibig nito at tinapon.

"Sinabi ng bawal eh, gusto mo bang isumbong pa kita at madala sa guidance office?" Inis kong sambit, pero ang gung-gung ay inirapan lang ako.

Abat-aba suplado talaga nito. Aalis na sana ito ng hawakan ko ang palapulsuhan nito at iniharap sakin.

"Wag na wag mo akong iirapan hayop ka! Pag sa oras na ma kita, kita uli na ninigarilyo at nakikipag halikan isusumbong na talaga kita." sambit ko.

Nagsalubong ang makapal nitong kilay. Nanlaki ang mga mata ko ng mapagtanto ang sinabi ko. Napatakip ako ng bibig.

Bobo mo naman Ashley!. Napapikit ako dahil sa kahihiyan na sinambit ko. Sana lamunin na ako ng lupa, jusko!.

"Tapos ka ng mag salita?" Iminulat ko ang mga mata ko. Malamig ang titig nito sakin kaya tumango nalang ako.

"Good" napatili ako ng hinila ako nito at pabagsak na itinulak sa pader.

Ang sakit! Napangiwi ako dahil sa sakit ng likod ko. Sa semento panaman tumama ang likod ko. Nang dumilat ako muli ay kaunti nalang ang dangkal ng mukha namin. Napatitig ako magagandang mata nito.

Ang mga mata ko ay nagawi sa mapupulang mga labi niya.

"Ang daldal mo Miss."

Ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko na parang nakikipag-karera. Ang mga labi nito na ilang dangkal nalang sa mga labi ko.

Hawak nito ang mag kabila kong kamay, kung tutuusin kaya ko namang makawala sa kanya ang kaso ang utak at katawan ko ay ayaw makisama, nanghihina ang buong katawan ko dahil sa kanya.

"I susumbong mo ba ako kapag ikaw ang hahalikan ko?" Ang hininga nito ay tumatama sa labi ko. Mas inilapit pa nito ang mukha niya sakin, mas lumaki ang mga mata ko at pilit na umatras kahit na wala ng maatrasan. Ang mga mata nito ay nakatitig sa labi ko.

"H-huh?"

Matapag naman ako ah, bakit ako na uutal ngayon? Buwisit naman Ash kumilos ka, 'wag kang magpapahalik sa lalaking toh. Kahit na gwapo bawal paren. Gusto ko na ang magiging asawa ko ang magiging unang halik ko.

Mas lamapit pa ito, napapikit nalang ako, handa ng tangapin ang kapalaran ko ng marinig ko ang halakhak nito.

"Sa tingin mo talaga hahalikan kita?"

JANIJESTORIES

Secret On You (Under Edit)Where stories live. Discover now