KABANATA 17

58 28 2
                                    

HYTSSS KAPAGOD!!

Grade 12 na ako ngayon. Nang mag grade 11 ako ay lumipat kami ng tirahan malapit sa University na pinag-aaralan ni ate ng medtic.

Panay ang iyak nina Zion at Monica ng mabalitaan na aalis kami. Nung gabi na aalis ako ay naglakwatsa muna kami magkakaibigan sa bayan.

Pero ang mas umiyak saka nanlambing ay si Kashiro grabe ang iyak nito. Isang lingo kaming naglambingan at nagkasama bago ako umalis.

Kahit na malayo ako ay nag-uupdate naman ako sa kanya, with photos and vm. Kaya kahit mahigit dalawang taon kami nagkahiwalay at nag ldr ay stay strong parin ang relasyon namin.

Meron din kung minsan inaakusahan ko itong nambabae saka nag-aaway kami sa mga bagay-bagay pero napapag-usapan din namin saka nagkakabati kami.

Second year college na ito habang ako ay senior high pa.

Napag disesyon ni mommy na uuwi kami sa bakasyon sa Kiwanan kung saan kami rati naninirahan. Dun daw kasi ako mag de-debut. Kahit anong pilit ko sa kaniya na hindi nalang ako mag debut ay gusto niya raw talaga. Wala na akong nagawa at hinayaan na ito.

Sa makalawa ang alis namin. Inasikaso ko lang ang enrolment ko sa koleheyo. Abogado ang kinuha ko. Simula pagkabata ay pangarap ko ng ang trabahong ito.

Umaga ay dumayo na kami papuntang kiwanan. Excited akong makita ulit sina Monica at Zion. Nag-chat naman ako sa gc na babalik na ako.


Nakatulog ako sa bus. Pag-gising ko ay tanghali na. Tinulungan ko si mommy magayos ng gamit at naglinis ng bahay pagdating namin. Maalikabok dahil mahigit 2 years din kaming hindi nakakauwi rito.

Natulog muna ako dahil sa pagod sa beyahe. Pinatulog ko na rin si mommy dahil alam kong pagod din ito.

Nang magising ako ay gabi na. Pumunta ako sa kwarto kung saan si mommy at na datnan itong naghihilik habang mahimbing ang tulog.

Pinagpatuloy ko ang na udlot naming paglilinis ng bahay. Natapos ako bandang mga alas 10 na. Kumalam ang sikmura ko. Kaninang umaga pa ako walang kain.

Kumuha ako ng pera sa wallet ko at nagsuot ng jacket. Dahil hindi pa gising si mommy ay bibili nalang ako ng fastfood sa bayan.

Naglalakad lang ako pauwi na. Naghahanap lang ako ng masasakyan, 11 pm na at wala ng masyadong nagdadaan na mga motor.

Napatingin ako sa may madilim na parte ng kabahayan. Maynaririnig akong ungol doon.

"Ugrhh.....ah"

Tumaas lahat ng balhibo ko sa narinig. Potik ano yun?

Dahil chismosa ako ay nagtago ako sa may basurahan. Nangunot ang noo ko dahil parang pamilyar ang pangyayaring ito.

Dejavu.

Naririnig kopa ang mga ungol, imbit itong napatili mukhang nasasarapan. Pucha!!!

Sumilip ako, hindi ko maaninag ang mga mukha nito pero klarong-klaro ng dalawa kong mata ang ginagawa nila.

Nagmolmol sila!!

Hindi ko nasadyang mabanga ang basurahan. Sanhi ito upang na udlot ang kababalaghan nila. Napasinghap ako dahil ramdam ko na naka tingin sila sa akin. Nakapikit ako dahil ayaw kong makita sila.


"Sorry po" mabilis pa sa alas kwatro na umalis ako.





KINABUKASAN inutusan ako ni mother dear na mamalengke. Wala naraw akong ambag sa pagkain, puro lamon lang daw alam ko kaya mamalengke nalang ako para may silbi ako sa pagkain.

Hindi naman kasi ako mailap magluto, kung palulutuin mo ako ay walang lasa saka minsan naman ay sumumbra sa lasa. Ewan diko ata ma perfect.

Pinagmasdan ko ang sarili. Dahil tanghali pa at mainit ang araw ay nagsando lang ako at nagcargo pants, hindi na ako nagabalang magsapatos dahil palengke lang naman yun.

Nagchat ako sa gc na pagkatapos kong mamalengke ay magkikita kami nina Monica. Naisipan ko sanang pasamahin sila sa pamamalengke ang kaso baka mapaaway sila rito, ako pa ang madadamay. Wala akong tiwala sa mga yun.

Naglibot-libot lang ako, nabili ko na lahat ng kailangan kong bilhin. Dahil maynaiwan pang pera ay bibili na lang ako na pusit. Paborito ko kasi yun saka madalang nalang magluto si ate nun.

Naglilibot lang ako ng may masiktakbuhan ang mga tao. Liningon ko kung saan sila nanakbo, napansin kong nagkukumpulan ang mga tao dun, nagsisigawan.

Mayrambol ata, lumapit ako sa mga nagrarambulan. Nakisiksik pa ako para lang makapasok.

Kahit mga amoy putok at pawis ay nakikisiksik parin ako. Pucha tiis chismis ako nito.

Nang makapasok ako sa mga nagkukumpulang tao. May isang ginang na sumisigaw at isa pang ginang na nag sisigaw din. Nagsisigawan sila kamo.

Eto pala pinag chismisan nila.

"Hoy Preal yung utang mo bayaran muna puta mahigit isang taon naiyon" sigaw ng isang ginang.

"Buwisit ka, Barbara 50 peso lang yun tas kong makapaningil ka akala mo isang milyon inutang ko sayo aba"

Nabulunan ako ng sariling laway. Potik 50 pesos lang naman pala tapos kung makasigaw kala mo'y malaki ang nautang.

"Aba-aba pakyu ka Preal utang is utang kamo" itinaas nito ang gitnang kamay. Palihim akong napangiti. Grabe.

Napalingon ako sa isang babae. Nanlaki ang mga mata ko dahil ngayon ko lang napansin na mama pala ito ni Kashiro na tinatawag niyang Pearl.

Nakakunot ang noo nito habang nakapameywang.

"Aba! Barbara bago ka maningil sa'kin bili ka muna run ng reksona, amoy putok ka!!" Sita si Mama Preal. Choas makikimama ako ngayon.


"Go Maam Pearl" pagche-cheer ko rito. Napalingon naman saakin ang mga tao lalong lalo na si Mama Pearl. Kumunot ang noo nito saka pinagmasdan ako. Ilang sigundo nitong pamasid ay nginitian ako nito. Mukhang nakikilala pa ako ni mama pearl.

Future Asawa ng panganay.

May mga tao na pumigil sa kanila kaya na udlot ang away. Lumapit ako kay mama Pearl, may puwesto pala ito rito sa palengke, tamang-tama at pusit ang ibinibinta nito kaya bumili na ako ng isang kilo.


Malawak ko itong nginitian. "Ang galing mo dun Mama Pearl real talk talaga putok niya"

Nagtawanan lang kami. Kung titignan ay mukhang masungit ang awra ng ginang pero pagmakikilala mo ito ng mabuti ay mabait naman ito.

"Sya nga pala kailan kapa umuwi eneng? Nabalitaan ko kina Monica na umalis ka raw, sayang unang kita ko palang sayo ay bet na bet na kita para sa panganay ko" malungkot nitong sambit.

Ngiti lang ang tinugon ko dito. Sa loob-loob ay nasisiyahan ako dahil boto sa'min si Mama Preal!

Mukhang hindi pa nito alam na jowa ko na ang panganay nito.

Nagpaalam na ako sa ginang, bibisitahin ko lang daw siya paminsan- minsan. Nanghingi pa ito ng number ko. Ewan kong para saan.


JANIJESTORIES

Hi! May kuwento po si Renz Vince, Title, Age is fuck. If you want to read his story.



Secret On You (Under Edit)Where stories live. Discover now