KABANATA 22

59 26 2
                                    

WAG MONG IPAALAM HA!

Hindi ako nag tagal sa bahay nila dahil baka dumating si Mama Pearl at magsasalo nanaman ng tagay. Knowing mama Pearl baka hindi nanaman ako makauwi. Baka magapang nanaman ako at ma molmol.

Dahil mag isa lang ako sa bahay ay nakatulala nanaman ako, apaka boring. Kahit na matagal na akong mag isa dito sa bahay ay hindi parin ako nasasanay sa tahimik na paligid.

Nagcellphone lang ako, dahil wala akong magawa ay stinalk ko ang account sa Facebook ni Kashiro. Puro mga sharepost ang nakikita kong post nito, may iba na naka tag siya na mukhang napag tripan ng barkada.

Kumunot ang noo ko ng maynapansin sa mga tags nito, may isang picture na nasa kalenderya si kashiro may kasamang babae, naka ngiti sila sa picture.

Potik! Akala ko ba trabaho. Post iyon mahigit isang oras na, pinindot ko ang profile ng babae. Unice Madeth Xalial

Maslalong kumulo ang aking dugo dahil sa myday niyang kasama si kashiro, basi sa backround nito ay nasa bahay na sila ni kashiro.

Lahat atah ng dugo ko ay napunta sa mukha sa subrang galit, potik na trabaho daw!. Eh ng babae lang pala, hanap chix bakamo ang trabaho nito buwisit.

Halos mabasag na ang hawak kong cellphone sa subrang pangigigil. Puti nalang mahal ko cellphone ko. Hinalik halikan ko ito. Sorry Cp nagalit lang si owner dahil may kabit si papi mo.

Ilang araw na akong hindi lumalabas ng bahay, ayaw kong makita ang pagmumukha ng lalaking yun sa lugar natoh. Dahil alam kong sa oras na lumabas ako ay makikita ko siya, iisang purok lang kami eh. Purok Gumamela.

Nakakatangap ako dito ng text at chat ngunit lahat ng yun ay hindi ko ni replayan. Tunatawag na din ito kaso ini off ko ang Cp.

Pucha tawag tawag siya sakin, dun nalang siya sa Babaeng yun.

Kahit na nonood ako ng tv ay wala duon ay aking atensyon. Nasa moon kasi utak ko tangina.

Inaalala ko pa ang collage ko, sa susunod ng dalawang linggo ay babalik na ako kina mommy para sa collage ko. Maayos na yun lahat, naka pasa ako sa university na pinasukan ko.

Napabuga ako ng hangin.

Nakabalik lang ako sa huwisto ng may kumakatok. Tinext ko si Zion na puntahan ak dito, malamang siya na iyon.

"Zi-" natigilan ako ng hindi si zion ang bumugad saakin. Ang madilim na awra ni Rex Kashiro.

Akmang sasarahan ko ito ng malakas niyang hinampas ang pinto. Napa igik ako. Napasinghap ako ng naamoy ko ang alak sa kanyang katawan at bibig. Unti-unti itong humahakbang papalapit, umaatras ako, natatakot ako sa madilim nitong awra na pinulukol saakin.

Nanlaki ang mga mata ko ng wala na akong ma atrasan, naka sandal ako sa pader.

"Bakit hindi mo sinasagot mga tawag ko?" Malamig na sambit nito. Hindi ko siya matignan sa mata dahil baka matunaw ako sa mga maiinit nitong titig.

Marahan nitong hinuli ang aking baba at pinaharap sa kanya. "Look at me Ashley" mariin nitong sambit, umiigti ang panga.

Ewan ko ba imbis na matakos ay natutuwa ako sa panga nito, dati rati'y nag bibiruan kami mag kakaibigan na gusto namin sa lalaki ay gwapong umiigti ang panga. Mukhang na tupad ang pangarap namin.

Kumunot ang noo nito na mas lalong nag papagwapo sa kanya. "Ano'ng nakakatawa?" Naiinis na ito.

"W-wala" napahikhik ako, kung kanina ay galit ako dahil sa picture nila ng babaeng yun ay bigla nalang naglaho na parang bula. "Ang gwapo mo kasi pag umiigti ang panga... .honey" nginisihan ko ito.

"Tsk. Galit ako sayo pero...... arghh" napahilamos ito ng mukha. Kumonot ang aking noo. At siya pa talaga tung galit!!.

"Hoy lalaki fyi buwisit ka dapat ako yung galit dito sa ating dalawa" singhal ko dito. Kumunot ang noo nito lalo. Nagtatakang tinignan ako.

"May trabaho-trabaho kapang nalalaman eh chix lang pala ang hanap mo" kinurot ko ito sa tagiliran. Napangiwi ito. Pilit na inaalis ang kamay ko sa kanyang bewang.

"A-aray ko ash!!"

"Masakit?" Sarkastiko kong sambit, mas idiniin ko pa ang pag kurot. "Yan napapala mo kakababae hayop ka" binitawan ko na ito dahil medyo naawa na ako sa pagmumukha nito. Mapula na ang kanyang mukha hangang leeg.

"Ano ba kasing pinagsasabi mo?" May kaunting pag iingat sa kanyang mga salita animoy takot na mapagalitan ulit.
Buwisit ang cute niya!!!.

Napameywang ko siyang hinarap. Namimilipit padin ito sa sakit ng kurot ko. Pinakita ko sa kanyang ang mga picture na kasama sila ng babae. Nanlaki ang mga mata nito.

"Potik hindi ako yan promise" pailing-iling pa nitong sambit. Para itong bata na nagpapalusot. Hindi ko alam bakit paiba iba ang mood ko ngayon, baka sa dalaw ko ngayon. Masakit din puson ko kaya maslalo akong nagagalit sa mokong natoh.

"Abat nagpapalusot kopa hayop ka, klarong klaro na ikaw yan oh" pinigutan ko ito ng tinga. Napaka sinungaling nito. Sumbong ko siya kay mama pearl.

"A-aray ko, hindi nga kasi ako yun!! Si Renz yan tignan mo maigi ash"

Natigilan ako sa sinabi nito, binitiwan ko ang tinga nito, ibinalik ko ang paningin sa litrato at maiiging tinitigan. Pucha si Renz nga, papikit pikit pa ako, izinom ko ang picture. Nakumperma ko na hindi talaga ito ang bebelabs ko.

"Oh naniwala kana?" Maybahid na inis sa kanyang tono.

Malawak ko itong nginitian. "Ikaw kasi bakit hindi mo agad sinabi ayan tuloy nasaktan ko ang wabwab ko"

Nilapitan ko ito. Niyakap ko ito ng mahigpit. Nag puppy eyes akong tiningala ito. "Sorry kash" mangiyak-iyak kong sambit. Isinasayaw na ako nito ng magabal habang yakap ko siya. Mashinig pitan nito ang yakap na animoy hindi na ako makahinga.

"Buti nalang Lablab kita kaya papatawarin kita" hinalik-halikan nito ang aking noo. Magaan na sinusuklay ang aking buhok.

Napapikit ako, isinandal ang aking mukha sa kanyang dibdib. I feel comfortable around him. I dont want to leave him. Gusto ko muna siyang makasama kahit sa hangang umalis ako.

"I love you kash" mahinang bulong ko na mukhang hindi nito narinig.




J.J ♡

Secret On You (Under Edit)Where stories live. Discover now