KABANATA 15

64 30 2
                                    

Boyfriend

"Aray ko!"

"Dahan-dahan ka naman!"


Angal nito habang ginagamot ko ang sugat nito.


Nandito ako ngayon sa bahay nito, matapos kaming nagrambolan kanina ay dadalhin ko sana ito sa bahay para gamutin ang kaso naalala ko pala na nandun si ate.


Kabilin-bilinan din ni mommy na wala dapat lalaki ang papasok sa bahay namin.


Hating-gabi na, nang tignan ko ang relo nito sa bisig ay mag aalas tres na pala. Nang hiram ako ng cellphone rito at nag log-in sa fb para machat si ate.


Buti nalang wala ngayon si mommy kundi nakutusan na ako 'nun dahil hating gabi na wala pa rin ako sa bahay.


Mas-idiniin ko ang coton na may alchohol sa kanyang sugat sa balikat, kung saan s'ya na hampas, may sugat din ito sa mukha, hindi ko naman ito nakita na nasapak kanina? Saan n'ya ito na kuha?


Napangiwi ito at mahinang tinampal ang kamay ko.


"Bakit kaba kasi napaaway? Gabing-gabi tapos nakikipag basag ulo ka" sambit ko habang abala sa paggamot sa sugat nito.

Kahit hindi ako nakatingin sa kanya ay ramdam ko ang matalim nitong tingin sa'kin.


"Wag kang magsalita na parang nanay ko" mariin nitong sambit. Kita ko ang pag-irap nito sa aking kabaling tingin.


Magdiniin kopa ang coton sa balikat nito. "Buwisit ka! Maypa irap-irap kapang nalalaman, wag na wag mo ako mairap-irap REX KASHIRO!!"

Matalim ang tingin ko rito. Bumuntong-hininga lang ito at hindi na muling nagsalita.


Mabuti.


Maykung ano itong kinuha sa bulsa nito. Kumonot ang aking noo dahil sa hawak nitong stick ng sigarilyo. Hindi papala ito tumitigil?


Akmang ilalagay n'ya ito sa kanyang bibig ng kunin ko ito. Walang sabing itinapon ko ito kung saan. Matalim n'ya akong tinignan. Hindi naman ako nagpatalo at mas matalim s'yang tinignan.


"Alam mobang nakakasama ang sigarilyo sa katawan ng tao? Itigil mo na ang paninigarilyo. "


"Wag mo akong pagbawalan na para bang girlfriend kita, kasi hindi."


Hindi ko alam pero maybiglang tumusok sa aking dibdib sa sinabi nito. Potik!


Naiinis ako rito dahil sa ginawa nito sa'king katawan. Parang pinaglaruan lang ako nito. Pero mas naiinis ako sa sarili ko dahil balik-baliktarin man ang mundo, ginusto ko namang magpagalaw rito.

Pinilit kong wag dumaloy ang tubig sa aking mata. "D-di wow" inirapan ko ito. Tinalikuran ko ito. Inayos ko ang mga gamit na ginamit sa paggamot sa kanya.


"M-maayos ka naman kaya uuwi na ako, baka hinahanap na rin ako sa'min" pilit kong hindi tumingin dito, ayaw kong ipakita ang nanunubig kong mga mata. Buwisit! Bakit ba ako naiiyak?


Akmang  lalampasan ko na ito ng hawakan nito ang aking kamay. Hinila nito ang aking kamay dahilan upang matumba ako at mapabagsak sa kanyang bisig.


Nanlaki ang mga mata ko. Nakayakap ako sa kanyang buhad barong katawan. Kanina habang ginagamot ko mga sugat nito ay pigil hininga ako dahil nakatopless ito. Pilit ko itong hindi tignan dahil natutukso ako sa abs nito. Potik! Ang pokpok ko sa words nayun!

Ramdam ko ang mainit nitong kamay na nakayapos sa aking likuran. Niyakap niya ako. Bigla nalang bumaliktad ang aking mga luha. Ang kaninay nanunubig na aking mga mata ay napalitan ng kilig.

Secret On You (Under Edit)Where stories live. Discover now