KABANATA 6

88 43 9
                                    

Help

"Sa tingin mo talaga hahalikan kita?"

Unti-unting pumasok sa isipan ko ang sinabi nito. Kahit gwapo ito habang tumatawa ay naiinis pa rin ako. Pinagloloko ako ng lalaking ito!

Hiranap ko ito kahit na nilalamon na ako ng hiya.

" Ulol. Hindi ako nag assume nahahalikan mo ko ano! Baho kaya ng hininga mo." Pagkasabi ko n'un ay kumaripas na ako ng takbo paalis. Kainis!

Sa totoo lang medyo nag-assume ako nang kunti na hahalikan ako nito. Amoy toothpaste na pinaghalong bubble gum ang amoy nito. Nakakaakit!

Nagstudy ako pagka-uwi dahil hindi ako pinahiram ni mama ng cellphone. Mabuti rin iyon paramaka pagfucos ako sa pag- aaral. Sa makalawa na ang final exam namin bago magbakasyon.

Kahit anong fucos ko sa pag-aaral ay bumabalik pa rin sa imahe ko ang gwapong mukha ni Kashiro. Nang ilang minuto ay hindi parin siya maalis sa isipan ko ay napag-disesyonan ko munang mag lakad-lakad sa labas para maibsan ang utak ko kakaisip sa kanya.

I decided na puntahan si Angelo sa tambayan ng vendo para ayain mag lakad-lakad. Nakakabagot din mag lakad mag isa.

Nag-suot lang ako ng jacket at lumabas na. Nadatnan ko si Angelo nakiki-ml sa mga bata.

"Oi, hoy back up-back up, puta ang hihina nyo!!" Kung ano-anong mura ang lumalabas sa bibig nito. Napatakip ako ng tenga sa ingay nito.

Lumapit ako rito at walang sabing pinukpok ang ulo nito. Natahimik naman ito.

"Aray ko puta!" Hinihimas- himas nito ang ulo. Mukhang napa sobra ata ang batok ko. Hindi pa ako na kuntento sinapak kopa ang bunganga nito. Ayaw na ayaw ko sa lahat ay yung lalaking nag mumura.

Napakadumi talaga ng bunganga ng lalaking toh.

"Wag mo akong murahin ulol ka!!" Sinapak ko ulit ang bunganga nito.

"Aray ko tama na, namamaga na labi ko kakasapak mo aba." Angal nito, ibinigay niya sa ibang bata ang cellphone nito para ipagpatuloy ang laro. Apaka adik talaga.

"Kiss mo nga para mawala yung pamamaga, Ash." Ngumuso-nguso pa ito, sasapakin ko pa sana ito ulit kaso na huli nito ang kamay ko.

"Joke lang." Ngumiti lang ito. Irap lang ang tinugon ko.

"Samahan mo'ko, bili tayo ice cream" Malapit lang ang bilihan ng ice cream, lalagpas kalang sa school.

"Aba! Ang layo-layo run, nahihilo pa ako sa batok mo."

"Aangal ka?"

"Eto na po tatayo na, sasamahan na si prinsesa, Ashley." sarkastiko nitong tugon. Napangiti nalang ako sa inasata nito na parang batang nagmamaktol na takot mapagalitan. Umuwi muna ito para kunin ang motor. Ang sabi ko sa kanya ay mag lalakad lang ang kaso pupunta nalang din daw siya sa bayan dahil may bibilhin, sasama nalang ako sa kanya.

Umangkas na ako sa motor nito. Nang makarating sa bilihan ng ice cream ay nilibre nalang niya ako kasi nakalimutan ko palang magdala ng pera.

"Ikaw tung nag aya-ayang kumain tapos ikaw lang pala itong walang pera." Pagmamaktol nito. Hindi nalang ako nag salita kasi totoo naman na ako itong nag-ayang kumain, e wala naman pala akong dalang pera.

Nagkwentuhan lang kami tungkol sa mga ex nito at mga babae, sanay na ako sa ugali nitong papalit-palit ng babae. Parang nagpapalit lang ng damit.

Pinagsasalamat ko lang na nirespeto nito ang pagkakaroon ko ng crush sa kanya. I told him that, I like him. To my surprise wala itong naging reaksyon, he just smile at me and said.

"Nagwa-gwapuhan kalang sa'kin, Ash. Hindi mo talaga ako gusto, kaibigan lang ang turing mo sa'kin gayun din ako."
True to what he said. Talagang kaibigan lang ang turing ko rito. Maybe I just find him attractive, that's why I like him.

"Bakit ba bigla-bigla kang nag aaya ng kain Ash?" Tanong nito.

"Kilala mo ba yung si Rex Kashiro Matias?" Tanong ko. Nagtaka naman ito pero tumango.

"Yung grade 9? Tropa 'yun ng mga basag ulo kong mga klasemate. Bakit?"

Dinilaan ko muna ang icecream bago nagsalita. "Wala lang naman."

May dinaanan lang kami sa bayan at umiwi na, buti nalang hindi ako pinagalitan ni mommy nang gabi ng nakauwi.

Kinabukasan, binalita samin ng head na kailangan mataas ang markang makukuha namin this final exam para mabuhayan ang grado ng iba na subrang baba.

Kung sakali kasing may bagsak ka ay magsusummer class ka sa ibang skwelahan, mahal ng babayarin mo ruon. Mahigit 20 thousand.

Confident naman ako na hindi ako makakapag summer class dahil ni' isa wala akong bagsak, matataas din ang nakukuha kong marka.

Papunta ako ngayon mag-isa sa science garden dahil absent ang dalawang ungoy ngayon, ewan ko nga kung bakit.

Pagdating ko run, kita ko ang isang lalaki na mukhang nahihirapan habang nagbabasa ng libro. Mas lumapit pa ako. Si Rex Kashiro nag babasa ng libro.

Nilapitan ko ito para maalam ang ginagawa nito.

"Hindi ko pala alam na ang isang Rex Kashiro nag aaral pala." Pilyo kung sambit. Napansin ko na Mathematics ang librong hawak nito at katabi niyang libro ay english. May kung ano itong sino-solve sa papel.

Nang makita ako nito ay biglang nanlaki ang mga mata nito atsaka dali-daling nag-ayos. Bakas sa mukha nito ang kinakabahan. Bakit naman ito kinakabahan? Bago paman ito makatayo ay marahan kong hinawakan ang kamay nito nang akmang isasara niya ang libro.

"Ano bayang ginagawa mo?" Kinuha ko ang papel na kaninay sulat-sulat nito. May kung ano itong sinosolve na fomula. Sapag-kakatanda ko ay mukhang maling formula ang ginamit nito. Kahit na grade 8 palang ako ay alam ko ang mga lesson ng grade 9 minsan kasi kapag wala akong magawa ay nag babasa ako ng libro ng grade 9 at 10.

Tinitigan ko ang lalaki pero bigla itong nag-iwas ng tingin. Mukhang alam ko na kung bakit nandito ang kumag.

"Mali tong formula na ginamit mo para sa simpleng triangle lang." Sambit ko rito at walang hiyang tumabi ako rito. Tinuruan ko siya kong ano ang tamang formula ang gagamitin, nakikinig naman ito ng maigi sa'kin.

May maliit na mesa at upoan dito sa science garden. Nagsulat ako sa papel na sasagutan niya at ibinigay ito sa kanya.

"Oh! Try mong sagutan, madali lang yan."

Nagsimula na itong mag solve ng solution na ibinigay ko. Habang nagsasagot ito ay hindi ko mapigilan na hindi ito pagmasdan. Kung ikinagwapo n'ya man ang pagiging basag-ulo ay mas gwapo itong tignan pag nagseryoso sa pag-aaral.

Tumikhim ako.

"Nga pala Kashiro, bakit ka pala narito? Nag-iisang nagbabasa ng libro?" Kanina kopa iyon gustong itanong kaso naghahanap lang ako ng tyempo.

"Narito ako para sana mag-aral ang kaso hindi ko naman maintindihan ang mga nakasulat sa libro." Pagsasaad nito. Patuloy lang ito sa pagsagot, na akala mo'y good student tignan.

"Mababa ang nakukuha kong marka kaya kailangan kong makakuha ng mataas ngayong final exam, kung mag susummer ako ay wala akong pera pangbayad."

Napatango-tango ako. Sa pagkakaalam ko  wala masyadong hanap buhay ang pamilya nila. Ayun sa nakalap kong chismis. Minsan nga raw umaabsent siya para magtrabaho.

Nakalap ko lang 'yun lahat sa magaling niyang pinsan.

Ilang minuto lang ay natapos na ito. Hindi naman mahirap turuan si Kashiro, madaling makaintindi.

Nagbell na kaya tumigil na ako sapagtuturo sa kanya.

"Alis nako nagbell na, baka malate pa ako sa first subject" Akmang aalis na ako ng hawakan nito ang pulso ko.





JANIJESTORIES



Secret On You (Under Edit)Where stories live. Discover now