KABANTA 18

65 29 2
                                    

HAPPY BIRTHDAY!

Nakaraos ako sa birthday ko. Mahigit dalawang araw na simula ng birthday ko. Narito ako ngayon sa bahay nina Monica, Nagkwentuhan lang kami tatlo magkakaibigan at kumakain ng chips.

Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako sa sahig, nagising lang ako ng maymahinang tumapik sa aking pisngi.

Iminulat ko ang aking mga mata, bumungad sa akin ang mature na pagmumukha ng isang lalaking mahigit dalawang taon kong hindi na kita.

Ngumiti ako rito, tinitigan ko ang mapupulang mga labi niya, walang pa sabing hinalikan ko ito.

Naramdaman kong natigilan ito.

"I miss you" sambit ko nang makawala sa halik. Hinalikan ko muli ito.

Akmang magsasalita pa ito pero muli akong pumikit saka niyakap ito at natulog ulit.

Bumukas ang pinto, bumugad sa'kin ang lalaking pinaka gusto ko simula junior high school ako. Ang baby sugar bunny ko.

Wala itong suot ng pangitaas saka pawisan ito. Nakatulalang pinagmasdan ang katawan nito. Nagiging bastos ata ako ngayon! Ang ganda ng porma ng kanyang katawan.

Walang nagbago rito tanging mas tumangkad ito at nadagdagan ang abs. Kung dati rati 4 pack lang ito, ngayon ay 6 na. Siguro pagmastumanda ito, magiging 8 na.

Napahikhik ako dahil sa naisip.

Napaatras ako kaunti nang lumapit ito sa'king saka umopo sa kama. Napatitig ako sa gwapong mukha nito. Kahit kailan ay napakagwapo parin nito. Pumuti siya ng kunti. Ang kanyang mukha ay unting-unti lumapit sa'kin. Umatras ako ng umatras hangang sa wala na akong ma astrasan.

Napabaling ang tingin ko sa kaliwa nitong tenga, I feel relieved nang makita ang cross nitong hikaw. Sinabihan ko ito na huwag tangalin ang hikaw sa tenga nito. Then he obey...

Kita ang nakakaakit nitong lunal sa may pisngi at ibabang labi. Meron din sa kilay na maslalong nagpapagwapo rito.

Inipit nito ang buhok ko sa tengi. Ang bilis ng tibok ng puso ko naparang nakikipag karera. Potik! Napahawak ako rito, kanina pa ako hindi humihinga.

Ngumisi ito namas lalong nagpapabilis ng aking puso. 911 bilis mamatay na ako. Teka!! 911 bayung sa ospital? Ay bahala na basta kailangan ko ng checkup. Rapido!!

"I miss you too, Mahal! " hinawakan nito ang aking baba. Nanlaki ang aking mga mata ng maslumapit pa ang mukha niya sa'kin. Ilang dangkal nalang ang pagitang ng aming mga labi. Nararamdaman ko ang mainit nitong hininga na tumatama sa aking ilong. Amoy sigarilyo.

Napapikit ako ng akmang idadampi nito ang labi sa aking labi.

No!!! Wag dapat akong mag assume pero grhhhh firstkiss kona ito mga mars!!

Tsk nagiging si Mama Pearl na ako ngayon. Nakakabakla kasi manalita si mama pearl nahahawa na ata ako sa future manugang ko.

Ngapala speaking of mama Pearl. Narinig ko ang pabagsak na tinig galing sa pinto. Iminulat ko ang aking mga mata. Nakatayo run si Mama pearl. Hindi naman ito mukhang galit.

Wala narin sa aking mukha si Kashiro. Nakaginhawa naman ako, may kaunting dismaya dahil hindi natuloy ang kiss namin. Napanguso akong pinagdilatan si Mama Pearl. Eh!! Yun na yun eh, chance ko nayun.

Miss na miss ko na ang labi nito, hindi ako nakakatikim sa labi nito mahigit dalawang taon.

"Hala siya ikaw na bata ka koloheyo kapa kaya wagka munang makikipag molmolan sa babae pati sa lalaki," binato nito si Kashiro ng unan. Bumaling ang tingin nito sa akin. "Baka mabuntis mo tong anak ko iha, baka wala kang mapakain sa kanya kawawa anak ko"

Parang baliktad atah?

"Mama naman eh!!" Para itong batang nagmamaktol. Padabog itong nilapitan ang ginang, pinagtulakan papaalis.

Binalinga ako nito.

"Maligo ka muna, may damit ako jan sa drawer, labas ka agad kakain tayo," bilin nito bago umalis kasama ang ina.

Ngayon ay mas napapansin ko na ang buong kwarto. Malaki na ito kumpara nung dating tulog ko rito. Kung dati ay gawa sa kahoy ang kwarto, ngayon ay semento na, pinaghalong blue at puti ang pintura. Mukhang nakaahon ngayon ang pamilya nila. Nabalitaan kong nag-abroad ang papa at tita nila.

Maysariling banyo narin ang baby ko sa kwarto, doon na ako naligo at nagbihis, katulad ng sabi nito ay kanyang damit ang ginamit ko.

Lumabas na ako. Nadatnan ko si Mama Pearl, nakahiga sa sofa habang na nunuod ng drama. Ika limang utos ang pinapanood nito.

Nagbago narin ang sala pati ang kusina. Malawak na ang paligid at puti na ang pintura ng dingding. Dati rati ay gawa lang sa kahoy ang mga kagamitan, ngayon ay magaganda na ang mga gamit sa loob, mga mukhang bago.

Hinanap ng mata ko si Kashiro. Napansin ata ng ginang na may hinahanap ako.

"Nasa kusina yung anak kong gwapo iha" Wika nito pero ang atensyon ay nasa tv.

Tumango-tango ako. Tumabi ako rito sa sofa. Kahit wala ng masyadong puwesto dahil nakahiga ito. Sakop nito lahat ng espasyo ng sofa.

Nag-usap kami tungkol sa buhay ko nang umalis ako. Ilang minuto kaming ng usap hangang sa ang pag-uusap namin ay naging pabiro na.

Madaling pakisamahan si Mama Pearl, mukhang itong tropa mo lang kung nakikipag-usap.

Patago kaming bumili ng tatlong red horse. Nagtagay kami sa sala, inutusan din niya akong tawagan ang mama ko na papuntahin dito. Dati naraw sila magkikakilala ni mommy dahil naging teacher daw nila Kashiro at Renz ang mommy ko.

"Mama Pearl!! Kainis ka kanina alam mo yun?!!! Malapit na kami mag kiss ng panganay mo eh." Sita ko dito, medyo nahihilo narin ako dahil sa tama ng alak.

"Abat pano nalang kong hindi lang kiss ang nagawa niyo ng anak ko? Pananagutan mo ba siya? Kawawa naman baby ko dahil nabuntis ng chanak" ani ni Mama Pearl, tawang tawa pa ito na medyong na iiyak, natamaan na rin ito ng alak.

"Mama Pearl!!! Ako yung babae rito, ako yung mabubuntis eh! Atsaka mag pasalamat ka dahil sakaling magkaapo ka sakin ay magagandang lahi ang mga apo mo." Dinuro ko ang aking sarili. Tumatawa lang ang sagot sa akin ng ginang.

"Manahimik kang bata ka" nagshot lang kami ng shot hangang sa may galit kaming boses na narinig.

"Mama!!! Bakit mo pinainom shota ko?" Nakakunot ang noo nito habang nakakamot ng ulo.

Nagpaalam ito sa'min kanina na mamalengke lang daw saglit. Isasama sana niya ako dahil wala raw siyang tiwala sa ina na hindi gagawa ng kalokohan saakin.

"Sinisigawan moba ako? Hindi mona ba lablab ang mama mo" mangiyak-iyak na ang ginang, napapadyak naman si Kashiro dahil sa inasta ng ina.

Bumaling ang tingin nito sa akin. "Bakit kaba uminom Ash?!! Tignan mo napagalitan ako!!" Sita nito sa akin.

Ako naman ngayon ang mangiyak-iyak "Sinisigawan moba ako? Hindi mona din ba ako lablab?" Iyak ko.

Nagyakapan kami ni Mama Pearl. Humagolgol kami pareho.

"Hindi na talaga ako lablab ni Baby"

"Hindi na din ako Wabwab ni Kash"

Narinig ko ang mabigat na buntong hininga ni Vince sa'king likuran.

J.J



Ps. Please leave a comment ang vote for more update, thank you ^_^


Secret On You (Under Edit)Where stories live. Discover now