KABANATA 12

64 34 1
                                    

Dream

Itinulak ko ito kaagad. Nanlalaki ang mga mata dahil sa ginawa nito.

Akmang si-singhalan ko ito, ng makita ko ang mukha nito, namumula ang mga mata, basa ang magkabilang pisngi at sumisinghot-singhot.

"A....ayaw mo talaga kay poging, Kashiro. Baby?" Naiiyak nitong wika. Ngumuso ito na parang pato.

Mabigat akong napabuntong-hininga, namo-moblema sa lalaking nasa harapan ko ngayon. Sinapo ko ang namamasang pisngi nito. Para akong umaamo nang isang sangol. Jusme!

"S-sempre gusto ko si poging, Kashiro." Wika ko. Lasing naman ito, baka bukas hindi na nito maalala ang mga sinasabi ko ngayon sa'kanya.....sana nga.

Bahagyang kuminang ang mga mata nito dahil sa sinabi ko, " T-tagala?"

Tumango-tango ako rito. Ilang minuto lang ay napaalis ko na agad ito sa kwarto ko, dumaan ito sa bintana kung saan dumaan ito kanina papasok. Pinauwi ko na ito dahil baka pumasok ng kwarto si mommy at makita pa si Kashiro sa kwarto ko.

Magkaka-world war 3 pagnangyari iyon, puputok lahat ng bulkan sa Philippines pagnagkataon.

Akmang matutulog na ako ng biglang tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko ito at nakitang may massage si Kashiro.

@kashmokulangsamhuwmhuw

💋Kiss mhuw2 poging kash mo, baby.

Napailing nalamang ako dahil sa nabasa, talagang malaki ang tama ngayon ng amats ni Kashiro, nakainom ata ng isang case ng beer.

Hindi ko na ito ni-replayan, ini-off ko ang cellphone ko at tumihaya na sa paghiga. Hangang ngayon damang-dama ko parin ang init ng kamay nito sa'king dibdib.

Isinubsob ko ang mukha sa unan at mahinang nagsisigaw dahil sa nararamdaman.

Kinabukasan, naging busy ako sa school dahil may event na gagawin ang mga ssg ma s'yang kasama ako.

Samakalawa na ang valentine kaya todo plano kami ngayon kung ano ang gagawin. It's been an hours, nasa loob parin ako ng SSG office at nagagawa ng mga decoration for the upcoming heart day.

Chinat ko ma si Kashiro na hindi ko ito matuturuan ngayon dahil medyo abala pa ako sa mga duties at preparation.

Dumako ang ala-singko nang hapon, abala parin ako, mukhang magagabihan kami ng uwi ngayon.

Nagulat ako ng biglang may kumurot sa'kin tyan, nang tignan ko kung sino. Si Zilma ang may kagagawan 'nun, nasa tabi ko ito at naggugubit ng color paper.

"There's someone waiting for you outside, Ashley." Wika ni nito.

Kumunot ang noo ko sa sinabi nito, "Sino raw?" Takang tanong ko.

Nagkibit-balikat ito, wala akong nagawa kundi itigil muna ang paggugupit, tumayo ako at naglakad palabas.

Nagulat ako ng makita si Kashiro, nakatayo lamang ito sa labas ng ssg room at bagot na bagot ang pagmumukha nito.

"Bakit ka nandito?"

Lumingon ito sa gawi ko, ang kanina'y lukot na mukha ay napalitan ng saya nang makita ako.

Para itong bata na kumikinang ang mga mata, dali-dali itong lumapit sa'kin. Laking gulat ko nang yakapin ako nito.

"Na miss kita, miss Ashley." Malambing ang boses na wika nito.

"Miss me? Eh.. kagabi lang ang huling kita natin." Natatawang sabi ko.

Kumawala ito sapagyakap at tinignan ako sa mukha na maykunot sa noo. Doon ko lang napagtanto na lasing pala ito kagabi at siguradong wala itong maalala ngayon.

"Anong kagabi? Sapagkaalala ko, nag-iinuman kami nina Paxier kagabi. Hindi naman kita nakita sa poblasyon 6." Wika nito.

Payak akong tumawa, "A..ah sa panaginip! Oo, nagkita tayo sa panaginip ko."

Bigla nagbago ang expression nito, ngmusi ito at pinisil ang aking bewang. Tumaas, baba ang kilay nito. Natutuwa dahil sa aking sinabi.

"Napagginipan mo kagwapuhan ko?" Natutuwang tanong nito, tumango naman ako bilang sagot.

"Inano ba kita sa panaginip mo? Siguro ginapang kita sa panaginip mo. Sigaw ng sigaw ka siguro sa pangalan ko, ano?!" Pang-aasar nito.

Ramdam ko naman ang init ng magkabila kong pisngi, nalalaki ang mga mata dahil sa gulat ng marinig ang sinabi nito.

Kusang gumalaw ang kamay ko at mahinang pinalo ang bibig nito, "Iyang bibig mo, Kashiro!" Singhal ko rito.

Ngumuso naman ito at hinimas-himas ang bibig. "Aray ko! Ang sakit 'nun ah!" Angit nito.

Inirapan ko ito, ang oa naman ng lalaking ito! Hindi naman malakas ang pagkapalo ko sa bibig nito tapos kung maka react, wagas!

"Kiss mo'ko, miss Ashley. Tignan mo! Namamaga labi ko." Parang batang wika nito.

Hindi ko ito kinibo, tumalikod na ako upang bumalik sa room nang hilahin ako nito. Dahil sa lakas ng hila nito sa'king palapulsuhan, na hulog ako sa mga bisig nito.

Halos lumuwa ang aking mga mata nang maramdaman ang malambot na labi ni Kashiro sa'kin labi.

Mabilis ko itong itinulak. Agad naman itong lumayo, pinunasan nito ang nabasang labi gamit ang likod ng palad.

"Why did you do that!?" Sigaw ko rito. Nanlalaki ang mga mata. Pinunasan ko ang labi kong basang-basa dahil sa halik nito.

"Bakit ko 'yun ginawa?" sarkastiko ang pagkasabi nito at halatang nang-aasar.

Nagpapadyak ako dahil sa inis, sarap sabunutan ang lalaking 'to!

"Seryoso ako, Kash."

"Seryoso rin naman ako." May-ibang kahulugang sabi nito. "Sayo.."  Bulong nito sa hangin na hindi ko narinig.

Matalim ko s'yang tinitigan, na niningkit ang mga mata. "May sinabi ka ba?"

"Ako?.. may sinabi?" Tinuro nito ang saliri at tumawa kahit wala namang nakakatawa. "Dahil sa subrang kagwapuhan ko, nag-iimagine kana ng kung ano-ano."

Pinanliliksihan ko ito ng tingin. Talagang mahangin ang lalaking toh. Kahit saang aspeto ng mundo hindi mawawala sa salita n'ya na "gwapo ako".

"Tumahimik ka nga! Umalis ka sa harapan ko bago pa kita masapak."

"Kung sapak mo lang naman, gu-gustuhin ko ng masapak ng baby ko."

Natigilan ako sa banat nito, his baby? Nadulas ata ang dila nito kaya kung ano-ano nalang ang nasasabi.

I rolled my eyes, ramdam ko ang pag-init ng magkabila kong pisngi. When I look at him, nakangisi ito animo'y natutuwa sa'king reaksyon.



JANIJESTORIES

Secret On You (Under Edit)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα