KABANATA 16

64 29 1
                                    

ANG SAKIT PUTIK!

Nagising ako namasakit ang ulo, wala akong masyadong maalala dahil mukha malakas ang tama ko kanina sa inuman. Napatingin ako sa cellphone sa may bedside table. Alam kong kay kashiro ito.


Binuksan ko ang cellphone nito at tinignan ang oras. Nanlaki ang aking mga mata. Pucha 3:20pm na! Mapapagalitan ako nito ni mother dear.


Dali-dali akong bumangon at umalis sa kwarto na pinangalingan ko.


Paglabas ko. Ang kaninay nagmamadali kong mga paa ay nahinto ng makita ang isang babaeng maykaedaran na nakaupo sa sala. Napabaling din ang tingin ko kay Renz at sa kapatid nitong si Kashiro na hinihilot ang babae. Mukang mama ata nila ito.



Nakanguso si Renz at Kashiro habang minamasahe ang paa at balikat ng ina.


"Ayusin mo naman pagmasahe soysoy!!" Sinipa nito si Renz na nagmamasahe sa paa nang ina.


Napanguso ito. "Reklamo mo naman ma!! Wala naman itong bayad!" Pagmamaktol nito. Nakatangap naman ito ng batok sa ina.


Tumikhin ako upang makuha ang atensyon nila.


Napalingon sa akin ang mag-ina. Kinabahan ako ng tumaas ang kilay ng ginang. Akala ko ay galit ito pero kinalaunan ay ngumiti ito ng malawak sa'kin.


"Oh! Hiya gising kanapala
Aalis kana? " binalinga nito si Kashiro na nagmamasahe sa kanyang balikat
Mahina nitong tinampal ang kamay ng lalaki.

Tumango ako.


"Uuwi na babae mo oh!! Hatid mo" itinuro ako ng ginang. Pinamulahan ako ng mukha dahil sa sinabi nito.


"Ehh ma!"


"Gora na bago pa kita ma sabunotan"


Wala ng nagawa si Kashiro kaya padabog itong lumapit sa'kin.


Binalingan ko ang ginang. "Okay lang naman po ako. Salamat lanang po"


Mastinaasan pa ako nito ng kilay. Lahat ata ng balhibo ko sa katawan ay nagsitayuan.


Bago pa makapagsalita ang ginang ay hinila na ako ni kashiro.


"Ma!!  Dala ako ulam mamaya. Wag ka ng magluto! Bye lab u" sigaw nito sa ina. Napangiti ako sa huli nitong sinabi.


"Lab u too!" Narinig kong sagot ng ginang.


Hinatid n'ya ako malapit sa bahay. Ayaw ko siyang makita ni mommy, baka ano pa isipin nun.


Nagpasalamat na ako rito, nang paalis na ako ay hinawakan nito ang aking pulsuan. Taka ko naman itong tinignan.


Napansin ko ang pamumula na mukha nito. "I-iyong sinabi mo kagabi"

Nagtaka ako sa sinabi nito. Anong sinabi ko?

"Huh?" Kumunot ang noo ko.

Umiwas ito ng tingin. "Yung sabi mo!!" Sigaw nito.  Maslalong pumula ang kanyang mukha hangang leeg.

Nabigla ako dahil sa sigaw nito, nakita ata nito ang reaksyon ko kaya ngumuso ito na parang pata at inirapan ako.

Napatanga ako sa sinabi nito. Itinuro ko ang saliri "Ano ba kasi ang sinabi ko?!"

Napabaling ang tingin ko sa kamao nito na mahigpit ang pagkatiklop.

"Sabi mo liligawan mo ko!" Sigaw nito na halos ikasira ng ear drums ko.

Secret On You (Under Edit)Where stories live. Discover now