11

4.7K 130 3
                                    

Chapter 11
"Sir Fa—Fabian," mas lalo ako naiyak after makita si Fabian na agad binitawan ang hawak na payong.

Walang pagdadalawang isip nito na ibinalot ako sa malaki niya na coat at  binuhat na lang ako.

Pareho kami basa na ngayon ay naglalakad palayo sa mansion. Hindi ko na nagawa pa maka-react. Hindi ko nga alam kung paano nakauwi ako dahil nakita ko na lang sarili ko na nasa ibabaw ng kama at nakaupo.

Inaabutan ako ni Fabian ng maiinom. Dahan-dahan ko iyon kinuha at ikinulong ko iyon sa mga palad ko.

Ang lakas ng loob ko na pumunta doon at mataas ang confidence ko na hindi nila ako makikita na umiyak ngunit— lahat yata ng tapang ko parang bula na nawala after ko makita ang anak ko.

Bilang ina nakakadurog ng puso makita ang anak mo na umiiyak at tinawag ka. Muli ko naramdaman ang mga luha galing sa mata at pumatak iyon sa likod ng palad ko.

"Hindi ko maintindihan sir Fabian. Ano ba nagawa ko mali sa kanila para gawin ito sa akin?"

"Iyong bestfriend ko na since highschool na para ko na din kapatid, fiancee ko na minahal ko at sinuportahan ko ng sobra hanggang sa mga in laws ko na para i-please sila pumasok ako sa company nila kahit pa mas maraming opportunity ang naghihintay sa akin sa gayon ay makatulong— lahat ng ginawa ko para sa kanila. Bakit ganito ang ibinalik nila sa akin. Saan ako nagkamali?"

Hindi ko na maiwasan na mapahagulhol. Naramdaman ko na lang na hinawakan ni Fabian ang likod ng ulo ko at isinubsob sa dibdib niya.

"Kapag nasa itaas ka hindi mo makikita ang mga tao na nasa ibaba mo, Sonia. Wala ka kasalanan— wala kang ginawang mali. Choice nila 'yon hindi sa iyo."

Hindi ko alam ngunit noong hamplusin ni Fabian ang buhok ay napaangat ako ng tingin. Nagtama ang mata namin na dalawa.

Magkalapit ngayon ang mukha namin na dalawa hanggang sa ilapit ni Fabian ang labi niya sa mga labi ko.

Hindi ko alam kung anong naisipan ko ngunit 'nong magkadikit ang labi namin kusa ko na binuka ang mga labi ko.

Magaan ang halik ni Fabian naramdaman ko ang mga dila niya sa loob ng bibig ko at ngayon hinahabol ang dila ko.

Napahiga ako sa kama at naramdaman ko na lang na kinuha niya ang mug na nasa kamay ko at nakita ko na pinatong niya iyon sa table.

Napunta doon ang atensyon ko at 'nong humiwalay ang labi ni Fabian sa akin. Napatingin ako sa kaniya.

"Hindi ako makapaniwala na habang hinahalikan kita nasa mug ang atensyon mo. Ganoon ba ako kasama humalik?" tanong ni Fabian. Agad na uminit ang pisngi ko dahil doon. Tatakpan ko ang mukha ko gamit ang nga palad ko nang mabilis na sinalo 'yon ni Fabian at itinaas.

Nakakahiya, hindi ako makapaniwala ngayon na sa kabila ng mukha ko na ito nagagawa ako titigan ni Fabian na parang ako ang pinakamagandang babae sa mundo.

"Why?"

Tanong ko. Hindi lang ako sigurado kung para saan ang word na why sa maraming tanong sa isipan ko. Bakit ako ganoon ako tingnan ni Fabian, bakit ako nito hinalikan at bakit iyon ginagawa ni Fabian sa akin.

"Because i like you— no, i love you Sonia," bulong ni Fabian. Parang tumigil ang pag-function ng utak at isip ko after halikan ako ulit ni Fabian. This time— dumikit lang ang labi nito then iyong pangalawa ay malalim ngunit sandali lang.

"I-stop," ani ko. Parang mababaliw ako sa ginagawa ni Fabian. Tumawa lang si Fabian then hinalikan ang gilid ng labi ko at niyakap ako.

"Sorry, hindi ko mapigilan. Unfair dahil hindi mo ngayon makita ang expression mo at ako ang nato-torture."

The Billionaire's Ugly WifeWhere stories live. Discover now