24

3.9K 98 6
                                    

Chapter 24
Tinanggap ko ang offer. Nag-offer naman si Hirayu na ire-recommend ako pero agad ko tinanggihan iyon.

"Gusto ko makuha ang role ng walang recommendation."

Naniniwala ako na magagawa ko makapasa sa audition at makuha ang female lead. Nakita ko napangiti si Fabian.

"Yes! My mommy is the best. Mas magaling siya mag-act kay daddy!"

Tinakpan ni Fabian ang bibig ng anak at tiningnan ito ng masama.

"Mas proud ka sa mommy mo kaysa sa akin? Pinagkukumpara mo na kami?" naniningkit ang mata na tanong ni Fabian. Inalis ni France ang kamay ng ama sa bibig niya.

"Mas love ko si mommy at mas proud ako sa kaniya. Hindi ko nga alam paano ka naging actor. Hindi ka magaling mag-acting," ani ni France. Humagalpak ng tawa si Lance.

"Kung si Fabian panget umarte paano pa kami na hindi 'man lang nakahawak sa trophy ng best actor?"

Nag-agree sina Hirayu. Natawa na lang ako. Halata naman hindi mahilig manood ng mga drama si France. Mga clip lang ng mga movies ng ama pinanonood nito at si Fabian lang kilala nitong actor.

"Sonia."

Napatingin ako kay Fabian. Nag-act ito na masama ang loob. Natawa na lang ako at tinapik-tapik ang ulo ni Fabian.

"Nasasabi iyon ni France kasi tayo lang napapanood niya at katulad ng sinabi niya mas love niya ako," ani ni Fabian. Sinabi ni Fabian na nagtatampo na siya.

Natatawa lang ako na tumusok ng meat at iniuwang iyon malapit sa bibig ni Fabian. Nakasimangot na isinubo niya iyon at umismid.

"Mas love kita kaysa kay France."

Narinig ko napaubo sina Mavis. Napalingon ako. Nakayuko naman sina Lance at Sophia na ngayon ay mga nagpipigil ng tawa.

"Gusto ko na lumipat ng table," ani ni Lance na kasalukuyang tinatakpan ang bibig.

Napangiti na lang ako ng makitang nagkakatuwaan sila at inaasar ng mga ito si Fabian. Para naman bata si Fabian na nagsusumbong sa akin at sinegundahan iyon ni France na mukhang nagseselos na din.

Maya-maya lang napunta na sa work ang usapan ng mga lalaki at kami ni Sophia ay nag-uusap about sa mga new designs niya.

"Marami ako ilalabas this year— tanggapin mo 'yong mga designs na ipapadala ko sa mansion niyo," ani ni Sophia at tinaas ang isang daliri. Nagulat ako.

Sa pagkakaalam ko umaabot ng million ang isang dress na ginagawa ni Sophia at kapag bagong labas mas mahal iyon sigurado.

"Wait— wala ako pambayad," ani ko. Gosh, ginto mga designing dress na ginagawa ni Sophia.

"Sino may sabi magbabayad ka? For free iyon isa pa ang laki kaya ng investment ni Fabian sa company ko ang guess what mas dumami din ang costumers ko dahil pumayag si Fabian maging model ko."

Natutuwa na sambit ni Sophia. Sinabi din nito na simula iyon 'nong nagustuhan ko ang mga gawa niya na dress at mag-design ng mga dress para sa akin.

"Wag mo isipin ang pera. Libre iyon," ani ni Sophia na natatawa. Napanguso ako sinabi na ang dami ko ng dress sa dressing room.

"If hindi na sila magkasya sayo ako pa mismo maga-adjust ng mga dress mo so dont worry and again free iyon."

Agad na nagreklamo si Lance sinabi na unfair. Itinanong ni Lance kung mag-asawa ba siya magiging free din ng mga dress ng magiging asawa niya.

"Panget mo pumili ng babae. Imposible magkasundo kami. Kung kasing bait siya ni Sonia at adorable pwede ko pa i-consider."

Natawa ako at niyakap ni Sophia ang braso ko. Nagtalo na naman ang magkapatid sinabi na ang sama ni Sophia.

The Billionaire's Ugly WifeWhere stories live. Discover now