Epilogue

2.4K 50 0
                                    

Epilogue
Lumipas ang mga buwan at taon. Pagkatapos ng aksidente at makalabas ng hospital si Fabian bumalik na kami sa work.

Agad namin inasikaso ang drama na magkasama kami na dalawa and as expected super naging smooth iyon to the point na abo't abot ang natatanggap namin mga compliment sa mga director bukod kasi sa smooth parehong napaka-flawless ng acting namin na dalawa ni Fabian.

Hindi ako naga-assume pero mas nakita namin iyong 100% acting skills ni Fabian 'nong maka-partner niya ako.

Hindi din ni Fabian masyado need mag-effort sa character niya kasi natural na lumalabas pagiging sweet, caring at childish ni Fabian kapag nasa harapan ko.

Halos maglupasay si Hirayu sa harapan namin na dalawa after makita ang whole series ng buong drama at biniro pa nito na kami na pwede na siya mamatay. Perfect na perfect daw talaga kami sa drama.

Ngayon nasa isa kaming conference at maraming nakapaligid sa amin na camera nagsimula na magtanong ang mga reporter siyempre about iyon lahat sa drama.

Karamihan sa mga tanong at sagot naman namin may script so? Easy easy lang din hanggang sa isa sa mga reporter ang nagtanong kung may bago daw ako na movie or drama na dapat nila abangan.

"Maganda daw chemistry niyo ni Mr Martinez at madami nagtatanong kung may balak pa kayo ulit magsama sa iisang drama."

Marami ang kinilig after 'non. Tiningnan ko si Fabian at ngumiti. Tiningnan ko din ang camera tapos nilapit ko ang mic sa labi ko.

"Kung meron mai-offer why not pero this year hindi muna ako tumanggap ng kahit na anong drama kahit namomroblema ngayon ang manager ko sa dami ng call," ani ko. Nanlaki ang mata ng mga reporter at madami nagtanong ng bakit.

"Ano?" ani ni Fabian na ngayon ay nasa akin na ang atensyon. Ngumiti ako at nilingon si Fabian.

"Ayos lang naman siguro sa iyo na mag-stay ako sa mansion ng mga 9 months hindi ba?"

Slow lang hindi makakagets 'non may ilang staff ang napatili after marinig iyon. Natawa ako sa idea na slow nga pala minsan si Fabian.

"I'm 2 weeks pregnant and so no project muna for me katulad ng napag-usapan namin after— oh my god!"

Napatayo kasi si Fabian then bigla ako binuhat. Sumigaw pa ito na magiging daddy na siya. Nilingon ko si direct na nasa kabilang bahagi ng conference room habang yakap ko sa leeg si Fabian.

"Direct, wala iyon sa script!" inform ko at tumawa. Nailing na lang si director dahil sanay na ito sa aming dalawa ni Fabian tapos kung paano kami magbigay ng madaming surprise sa drama 'man iyon, sa harap ng camera or sa personal.

"Magpakasal tayo ulit."

Napatigil ako at napatingin kay Fabian. Nakatingala ito at nakatingin sa mga mata ko.

"A— ano?"

Lumambot ang expression ni Fabian sinabi na magkaroon sila ulit ng second wedding. Gusto niya i-revised iyong ilan sa mga vows niya at idagdag ang name ng magiging babies nila sa list.

"What are you thinking? Don't  tell me tuwing magkakaroon tayo ng ng new baby pakakasalan mo ako," ani ko. Actually nagbibiro lang ako but—

"Hindi ba pwede?"

Shoot! Pinaniningkitan ko siya ng mata at tinanong kung seryoso ba siya sa tanong nito.

Ngumiti si Fabian then sinabi na seryoso siya.

"Gusto ulit kita pakasalan. Please, Sonia. Marry me again."

Ibinaba ako ni Fabian sinabi na this time he make it public para malaman ng lahat na sa kaniya lang ako.

The Billionaire's Ugly WifeWhere stories live. Discover now