26

4.1K 110 5
                                    

Chapter 26
Kinaumagahan,
Hindi ko na alam kung paano ako nakauwi. Pagkagising ko nasa room ko na ako.

Bumangon ako at agad napa-aww dahil sa biglaang pagkirot ng ulo ko. Naparami yata talaga ako ng inom. Nakakahiya.

Napatingin ako sa kabilang side ng kama kung nasaan ang full size ng mirror. Wala na ang make up sa mukha ko at mga suot na accessories.

"Arggh, ang sakit."

Sakto bumukas ang pinto. Napatigil ako at napatingin sa pinto. Nakita ko si Fabian na may hawak na tray. May soup doon at baso ng tubig.

"Fabian."

Ibinaba ni Fabian ang tray sa ibabaw ng kama at  umupo sa gilid ng kama.

"Nagluto ako ng soup. Kumain ka na muna then uminom ka ng gamot," ani ni Fabian. Medyo nahihiya ako dahil naaamoy ko ang sarili ko ngayon amoy alak.

"Pasensya ka na. Naabala pa kita," nahihiya na sambit ko. Tumawa si Fabian at sinabi na wife niya ako.

"Minsan lang naman iyon at mukhang nag-enjoy naman kayo ng girls," ani ni Fabian na natatawa. Napatakip ako ng mukha at sunod-sunod na nag-sorry. Tinakpan ko ang mukha ko matapos maalala lahat ng nangyari kagabi at pangha-harass ko kay Fabian.

Flashback
"Hey! Let go! Ayoko sumama sa iyo!"

Nagpapasag si Sonia 'nong makalabas sila ng venue. Kasalukuyan siyang buhat ni Fabian na agad  naman naibaba ang babae dahil baka masaktan ito.

"What do you mean ayaw mo sumama? Uuwi na tayo," ani ni Fabian at hinawakan ang kamay ni Sonia na hindi na magawang makatayo ng ayos dahil sa hilo.

"Anong uuwi? Nasa loob husband ko— uuwi niya ako."

Babalik si Sonia sa venue nang harangin siya ni Fabian at tinanong sino asawa tinutukoy nito.

"Wait— hindi ko pa siya husband."

Confused na sambit ni Sonia at nilingon si Fabian. Natatawa na tinuro ni Sonia si Fabian.

"Future husband pala. Nasa loob siya— sa kanila ako uuwi," ani ni Sonia at umikot. Tinuro ang venue. Bahagya natawa si Fabian dahil sa idea na sa sobrang kalasingan ni Sonia ay hindi na siya nito kilala.

"Lasing ka na. Tara na iuuwi na kita," ani ni Fabian at hinawakan sa braso si Sonia ngunit nagpapasag si Sonia sinabi na ayaw niya.

"Isusumbong talaga kita kay Fabian. Bitawan mo ako."

Binitawan ni Fabian si Sonia then sinapo ang dalawang pisngi ng babae. Nailapit ng lalaki ang mukha niya kay Sonia.

"Ako si Fabian Martinez. Future husband mo kaya Ms Salazar sumama ka na sa akin kasi uuwi na tayo," ani ni Fabian. Naningkit ang mata ni Sonia at inilapit pa ang mukha kay Fabian na bahagya napatigil.

"Heh! Ikaw nga. Blue eyes! Ganda-ganda."

Napaatras si Sonia at maa-out balance ang babae nang agad na sinalo ni Fabian ang bewang ni Sonia. Napabuga na lang ng hangin si Fabian sa idea na si Sonia lang talaga kayang pabilisin at patigilin tibok ng puso niya.

Tuluyan na nag-passed out si Sonia at maingat siya binuhat ni Fabian. Sa kalayuan nakita niya si Victor na nanlilisik ang mga mata na nakatingin sa kanila.

Nginisian lang siya ni Fabian at naglakad patungo sa sasakyan. Narinig ni Fabian sumigaw ng daddy si France.

End of the flashback.

Itinago ko ang sarili ko sa ilalim ng kumot habang paisa-isa sumusubo ng soup. Wala na ako mukha maihaharap kay Fabian.

Last ko na iyon. Hindi na ako iinom ng alak. Narinig ko tumawa si Fabian sinabi na lumabas ako dito.

The Billionaire's Ugly WifeWhere stories live. Discover now