37

3.1K 78 5
                                    

Chapter 37
Noong marinig ko ang ugong ng sasakyan sa labas ay mabilis ko inalis ang suot ko ng apron at lumapit sa pinto. Natutuwa ko na binuksan iyon at nakita ko si Fabian na palabas ng sasakyan.

Kita ko naman na pagod ito ngunit agad lumiwanag ang mukha nito as usual after ako makita.

"Wife!"

Nakangiti ito lumapit at agad ako sinalubong ng yakap. Natawa lang ako at mas niyakap siya ng mahigpit.

"Handa na bathtub sa taas at naghanda na din ako ng mga susuutin mo. Alam ko pagod ka. Mag-shower ka na," nakangiti na sambit ko. Bahagya lumayo si Fabian at mabilis ako hinalikan sa labi. Agad ako na nahiya sinabi na nasa sasakyan si Jomari.

"Eh ano? Namis kita," ani ni Fabian at parang bata na kiniskis ang pisngi sa pisngi ko. Hinayaan ko lang siya Fabian at hindi na nag-abala na magsalita pa.

"Stop giving her a hard time, Fabian. Mag-shower ka na."

Napatigil si Fabian then lumingon sa likuran ko. Nandoon for sure si mom since narinig ko boses niya.

"Mom? Ano ginagawa mo dito?" tanong ni Fabian. Narinig ko tinanong ni mom kung bawal na ba dalawin niya ngayon ang anak at daughter in law niya.

Hinaplos ko ang braso ni Fabian. Nakasimangot na tiningnan ako ni Fabian sinabi na nagseselos na siya. Lagi ko kasama mommy niya.

Buti na lang tapos na ako magluto before pa dumating si Fabian. Nakangiting naglalagay ako ng mga baso sa lamesa nang hindi sinasadya nabitawan ko ang isa sa mga baso.

"Sweety? Are you okay?"

Napapasok sa kusina si mom. Nahawakan ko ang dibdib ko. Bigla na lang kasi ako kinabahan tapos nanlamig ang mga kamay ko.

"A-Ayos lang ako mommy," ani ko at tiningnan si mom na sinabi na huwag ko na hawakan iyon. Tinawag niya ang mga katulong para linisin iyon.

Kalaunan sa mansion ng mga Valencia.

"Ano ibig sabihin nito Victor! Wala sa usapan ito. Sabi mo bibigyan mo ako ng magandang buhay! Nangako ka!" sigaw ni Themarie. Napahilot bg sentido si Victor sinabi na sundin na lang ang gusto ng ina niya na para walang gulo. Masyado nago-overthink si Themarie.

"Nago-overthink? Hindi ba ganito din ang ginawa niyo kay Sonia? Hindi ako si Sonia! Pera ko ito. Pinaghirapan ko ito!" sigaw ni Themarie. Para nagpantig ang tenga ni Victor after marinig ang pangalan ni Sonia.

Hinablot ni Victor ang panga ni Themarie na agad namutla after makita ang sobrang galit sa mukha ni Victor at paghawak ng mahigpit sa panga niya.

"Oo hindi ikaw si Sonia dahil kung ikaw si Sonia hindi siya magdadalawang isip na ibigay ang card niya at hindi gagamitin ang pangalan ng mga Valencia para makaangat. Nakalimutan mo na ba na malaki na din ang nailabas ng mga Valencia para makapasok ka sa industry? Sino sa tingin mo ang nasa likod ng mga sponsorship na natatanggap mo this past few years?"

Ngumisi si Victor sinabi na huwag magmalaki si Themarie. Pinaalala ni Victor na si Sonia din ang naglagay kay Themarie sa kinaroroonan nito. Naging model si Themarie dahil na din kay Sonia.

Binalya ni Victor si Themarie at napaupo ito sa sahig. Naiinis na lumapit si Victor sa pinto at binuksan iyon.  Bahagya niya nilingon si Themarie na may galit sa expression at sunod-sunod tumulo ang mga luha.

"Ayusin mo sarili mo Themarie. Wala sa mansion na ito magdadalawang isip na katulad ni Sonia ay palayasin ka."

Pagkasara na pagkasara ng pinto ay nagwala si Themarie. Pinagbabato niya lahat ng bagay na madampot niya.

The Billionaire's Ugly WifeWhere stories live. Discover now