57

2.4K 70 7
                                    

Chapter 57
"Ayos lang ba outfit ko?"

Nag-aalala ako lumingon kina Sophia at Amara na nakaupo sa sofa then umikot sa harap nila.

"How is it?" tanong ko. Nag-thumbs up si Amara at sumigaw ng slay.

"Ang ganda! Bagay na bagay sa iyo Sonia!"

Napangiti ako then tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Itim iyon na dress na may mga disenyo ng bulaklak at nababalutan ng pulang mga burda.

Wort it iyong apat na oras na pamimili namin ng mga dress at pag-aayos.

"You're so pretty mommy," komento ni France. Napangiti ako at nag-thank you sa mga baby ko na super gwapo din ng gabi na iyon. Naka-suot ang mga ito ng tuxedo na halos pareho lang ng design sa akin.

"Ayos na ba kayo?  2 hours na lang before mag-start ang screening," ani ni Fabian na bigla na lang tinulak ang pintuan at napako ang tingin sa akin.

Nagtaka ako dahil hindi na ito gumalaw at parang natulala sa akin. Natawa ako at nako-curious ano naman sunod na drama nito.

"Miss, single ka ba? Can i get your number?" tanong ni Fabian after lumapit sa akin tapos parang bata na inukutan ako. Natawa na lang ako at sinabihan si Fabian na may asawa na ako.

"Hindi ako namimigay ng number sa stranger," ani ko. Na-amaze si Fabian na tiningnan ako.

"Sino naman swerte na lalaki na iyon? Kilala ko ba siya," tanong ni Fabian at tinakpan ang bibig niya.

"Hindi ko pwede sabihin. Masyado siya famous at baka mag-passed out ka kapag nakilala mo siya," pagmamalaki ko habang pinipigilan na matawa dahil sa ginagawa namin na dalawa.

"Mas gwapo sa akin? Mas mayaman at mas sikat?" tanong ni Fabian at may pagtaas pa ng kilay ang loko.

"Mayaman siya tapos sikat. Hindi ko lang sure sa gwapo dahil— what the! Fabian!"

Nahapit ni Fabian ang bewang ko 'nong bigla niya ako kilitiin. Natatawa ko siya hinampas.

"Ah! Ganoon hindi ka pala sure sa gwapo ako ah?" ani ni Fabian. Tawa ako ng taqa at pilit kumakawala sa kaniya. Masisira dress ko.

"Dress ko, Fabian! Magugusot!"

Napatigil lang kami na dalawa 'nong may tumikhim. Pareho kami napatingin sa sofa tapos nakita namin sila lahat doon. Tinatakpan ni Amara at ni manager Tania ang mata ng mga anak namin.

"Ngayon niyo pa talaga naisipan magharutan. Akala ko ba late na tayo?" tanong ni Lance na natatawa. Tiningnan ko si Fabian at bahagya ito tinulak. Napanguso ako. Masyado kasi maharot si Fabian nakakahiya tuloy kina Lance.

So? Ayon bumaba na kami. Tatlong sasakyan ang dala namin. Sa isang sasakyan ako, ang mga bata tapos si Fabian.

Magkakasama naman sina Lance sa isang sasakyan tapos mga bodyguard namin iyong nasa isang sasakyan. Pinagbuksan ako ni Fabian ng pinto at agad naman ako pumasok. Noong maisara ni Fabian ang pinto ng passenger seat binuksan naman ni Fabian ang pinto ng backseat.

"Hop in boys," ani ni Fabian na natatawa after pagbuksan ng pinto ang mga anak namin. Una pumasok si Vladimir sunod si France.

"Mag-seatbelt kayo," bilin ko sa mga anak ko na agad naman ginawa ng dalawang bata.

Noong makasakay si Fabian sa sasakyan. Inayos ko na din ang seatbelt ko. Nahirapan naman ako ikabit iyon dahil sa outfit ko.

"Wait, ako na," ani ni Fabian at siya na nga ang nagkabit sa seatbelt ko.

"Thank you," ani ko at ngumiti. Hinalikan ako ni Fabian sa noo before siya umayos ng upo at ikinabit na din ang seatbelt niya.

Pinaandar na ni Fabian ang sasakyan palabas ng gate. Habang nasa biyahe bigla na lang ako nakaramdam ng kaba. Hindi ko alam dahil sa idea na pupunta kami sa madaming tao at haharap sa camera or dahil may mangyayari na masama.

The Billionaire's Ugly WifeWhere stories live. Discover now