39

3.5K 96 6
                                    

Chapter 39
Sabay-sabay nga sila nag-breakfast 'nong umaga na iyon. Habang kumakain  patingin-tingin si Vladimir sa ina niya na tumatawa.

"Sabi ko sa iyo kanina huwag mo na ulit lagyan ng asin iyong omelette. Ano maalat?" tanong ni Sonia after bigyan ng tubig si Fabian na agad sinabihan ang dalawang bata na huwag kainin iyong omelette.

"Hindi mo naman kasi sinabi na nilagyan ng asin," ani ni Fabian. Napanguso si Sonia at tinanong si Fabian kung siya ba sinisisi nito.

Napataas ng kamay si Fabian at sumagot ng no.

"Hindi mo sinabi pero dapat tinikman ko muna ulit before ko lagyan ng asin."

Siniko ni France ng mahina si Vladimir na kinatingin ng batang lalaki.

"Masanay ka na. Ganiyan sila palagi kapag magkasama. May sariling mundo," bulong ni France. Sinabi ni Vladimir na mas lalo gumaganda mom niya kapag ngumingiti.

Napangiti si France then nag-agree. Napatigil si Sonia then nilingon ang dalawang bata na magkaharapan at magkalapit ang mukha. Mukhang nagkakatuwaan ang dalawa habang nagbubulungan.

"Anyway, baby, mamayang gabi pa ang dinner nagkasundo kami ni Fabian na dito na lang sa mansion ang celebration tapos magluluto kami. So? Anong plano niyo this morning?" tanong ni Sonia. Pinaliwanag ni Sonia na medyo magiging busy sila ni Fabian dahil maggo-grocery sila tapos magluluto.

"Igagala ko mom si Vladimir sa subdivision then dadalhin ko siya kina grandma mamaya," ani ni France. Agad komontra si Fabian.

"Pumayag ba grandma mo? Baka wala siya sa mansion kung pupunta kayo naman kayo sa company hindi pwede," ani ni Fabian. Ipinaliwanag ni Fabian na madami tao sa company at walang adult na kasama sina France.

"Tinawagan ko si auntie Sophia kahapon and pumayag siya samahan kami ni Vladimir and sabi ni grandma off naman siya work mamaya dahil inaatake ng rayuma si grandpa," ani ni France. Tiningnan ni Fabian si Vladimir at tinanong ito kung payag ito sa gusto ni France.

"If you don't want. Just stay here," ani ni Fabian. Lumingon si Vladimir at inosente tiningnan si Fabian.

"It's okay. Kasama ko si France," ani ni Vladimir. Bahagya napangiti si Sonia then sinabihan ito na after kumain maglinis ng katawan at magbihis na.

Napatigil si Vladimir. Wala siya damit doon.

"Hindi mo ba nakita room mo pagbaba mo dito?" tanong ni France. Napatingin si Vladimir.

Sinabi ni France na sasamahan niya mamaya si Vladimir sa room nito. Halata sa dalawa na super close ang mga ito at iyon ang unang pagkakataon na nakita ni Fabian na masyado active ang anak.

Nakikita niya lang kasi ang side na iyon ni France tuwing kaharap nito si Sonia. Hindi niya ine-expect na ganoon din ito pagdating kay Vladimir.

Bumaba sa upuan si France maya-maya since tapos na ito kumain. Bumaba din si Vladimir then nagpaalam sa mom niya tapos kay Fabian.

Sinundan ni Fabian ng tingin ang dalawang bata. Maya-maya sinapo ni Sonia ang noo habang nakatungkod ang mga siko sa lamesa.

"Tuwing nakikita ko si Vladimir sumisikip ang dibdib ko. Ang bigat ng puso ko. Gusto ko umiyak at mag-sorry kay Vladimir dahil iniwan ko siya pero—"

"Alam mong hindi sapat iyon para gumaling lahat ng sugat ni Vladimir physically and emotionally. Mas panghihinaan siya ng loob at magbe-breakdown kapag nakita ka niya na umiiyak," ani ni Fabian. Napatingin si Sonia. Niyakap ni Fabian ang ulo ni Sonia.

Ayaw ni Vladimir makita ni Sonia ang mga sugat ni Vladimir hindi dahil na-ashamed siya sa mga sugat nito kung hindi dahil alam ni Vladimir sisihin ni Sonia ang sarili.

The Billionaire's Ugly WifeWhere stories live. Discover now