43

3.1K 72 3
                                    

Chapter 43
NALAMAN ni Sonia nag nangyari kaya agad ito pumunta sa University kasama si Fabian. Lakad takbo ang babae habang patungo sa building kung nasaan ang officer ng adviser nina Vladimir.

Noong nakarating sila sa office agad na binuksan ni Fabian ang pinto. Nakita nila doon sina France, Themarie at si Victor.

"What the heck are you thinking Themarie! Bakit ka pumunta dito at guamwa ka pa ng gulo!"

Naiiyak sinabi ni Themarie na namimiss niya lang si Vladimir kaya siya pumunta doon.

"Gusto— gusto ko lang makausap ang bata," ani ni Themarie na umiiyak kaharap ng school director at teacher. Agad lumapit sa kanila ang adviser 'nong makita sila na pumasok. Dumiretso si Sonia kay France na nakaupo sa sofa. May bakas ng dugo sa kwelyo at patch sa pisngi.

"Honey, I'm sorry. Hindi ko lang talaga matiis na hindi makita si Vladi—"

Tumawa si Sonia habang nakaluhod sa harapan ni France katabi si Vladimir na impit na umiiyak sa sulok. Napatigil si Themarie sa pagdadrama at tumingin kay Sonia na tumayo.

Lumapit si Sonia kay Themarie at napasinghap ang teacher at school director 'nong bumagsak sa sahig si Themarie after ito sampalin ni Sonia.

"Themarie? Gusto mo ng atensyon hindi ba?" tanong ni Sonia. Walang emosyon ang mga mata nito at bago pa makapagsalita si Themarie hinila ni Sonia ahg buhok ni Themarie na kinahiyaw ni Themarie.

Kinaladkad siya ni Sonia palabas ng office. Noong nakabawi sa gulat si Fabian at Victor lumabas ang dalawang lalaki sa office at nakita nila sa gitna ng hallway si Themarie at Sonia.

"Sonia!" sigaw ni Fabian. Pinagkakaguluhan sila ngayon ng mga school staff, mga highschool students at parent. Kinukuhanan sila ngayon ng mga pictures habang hinuhubaran ni Sonia si Themarie.

"Ang kapal ng mukha mo para gamitin ang mga anak ko para maka-gain ng attention! Pagbibigyan kita ngayon hayop ka!"

Galit na galit si Sonia habang nakapatong kay Themarie at hinuhubaran ito. Puro kalmot si Sonia sa braso ngunit wala pakialam ang babae.

"Inagaw mo ang ex husband ko! Sinasaktan at inaabuso mo ang anak ko! Ngayon sasabihin mo na umiiyak ka gabi-gabi sa pag-aalala kay Vladimir! Malandi ka ng hayop ka, plastic ka pa at manggagamit!"

Hindi tumigil si Sonia hanggang sa naka-bra na lang at pantu si Themarie. Agad na hinablot ni Fabian si Sonia na pilit kumakawa kay Fabian sinabi bitawan siya.

"Sonia! Ano ba ginagawa mo? Kumalma ka. Puro sugat ka na!" sugat ka na. Ani ni Fabian habang nakatingin sa mga braso ni Sonia.

"Wala ako pakialam sa katawan ko!" sigaw ni Sonia. Napatigil si Fabian. Nakatingin si Sonia kay Fabian. Bakas sa mukha ng babae ang galit. Unti-unti tumulo ang luha ni Sonia at humagulhol.

"Hindi mo alam ang ginawa nila sa akin! Hindi mo alam kung paano nila dinurog ang pagkatao ko! Sinira ang buhay ko!" sigaw ni Sonia at hinampas si Fabian sa dibdib.

Iyak ng iyak si Sonia at parang bata na sinabi ni Sonia na 'nong nagkaroon ng car accident iniwana sila ng hayop na Fabian sa car accident kasama ang anak nila.

"Nag-drive siya ng lasing Fabian! 'Noong nasusunog ang sasakyan nakita ko siya na tumakbo at naiwan ang anak namin sa backseat!" iyak ni Sonia. Sinabi din nito na after 'non kinulong siya ni Victor sa room nila at hindi pinalabas ng ilang taon para itago sa public dahil sa mukha niya.

"Sinisisi sa akin ng buong pamilya niya ang nangyari sa akin! Wala ako ginawang masama! Iniligtas ko lang ang anak ko! Tama ba iyon Fabian!" sigaw ni Sonia.

The Billionaire's Ugly WifeWhere stories live. Discover now