12

4.6K 131 3
                                    

Chapter 12
"How about i-start mo na tawagin ako na Fabian? Sir ka ng sir," ani ni Fabian. Magkaharap kami ngayon sa dining table. Nahihiya na umiling ako.

"Hindi pa ako komportable," ani ko na ngayon ay nakayuko. In some reason bigla tumawa si Fabian.

"Nahihiya ka pa din? After the we share a kiss and—"

Nagulat ako at mabilis na tinakpan ang bibig ni Fabian. Namumula ang mukha na sinabihan ko ito na huwag maingay.

Tiningnan ko si France na katabi ang manager. Sinusubukan ng manager si France at mukhang mga wala naman narinig.

Hinawakan ni Fabian ang wrist ko at bahagya binaba iyon.

"Muntikan mo na matabig ang mug."

Napatigil ako then napatingin sa lamesa. Hawak ni Fabian ang mug na nasa harapan ko. Sakto kasi na pag-uklo ko mukhang matatabig ko 'yong mug.

"Nagbibiro lang ako. Umupo ka na," ani ni Fabian. Nahihiya na umupo ako— tiningnan ko si Fabian na bigla na lang sumeryoso ang mukha. Gusto ko magtanong kung may split personality ba ito.

Pinanood ko lang si Fabian na kumuha ng isa pang kutsara. Pinunasan iyon gamit ang tissue then— nilagay iyon sa plato ko.

"Kumain ka na. After nito mag-shopping tayo," ani ni Fabian. Hindi ko alam kung anong expression nagawa ko 'non dahil magkahalong gulat, takot at kaba ang naramdaman ko. Lalabas kami ng public— kasama ko si Fabian?

"A— Ano kaya ko mag-shopping mag-isa," ani ko. Hindi ko alam kung tama ang hinala ko ngunit mukhang may a-attend-an na masquerade party si Fabian at balak ako nito gawin date base na din sa narinig ko na usapan nila ni Jomar.

"Pipili din ako ng susuutin ko so? Mas maganda na sabay na tayo. Hindi mo kailangan mag-alala dahil magdi-disguise naman ako."

Hindi naman iyon inaalala ko. Hindi maiwasan maging agaw pansin ako kahit pa takpan ko ng benda ang buong mukha ko.

Naramdaman ko ang tingin ni Fabian. Nagtama ang mata namin na dalawa. Sigurado alam ni Fabian na nag-aalala ako kaya naman hinawakan niya ang kamay ko.

"Sorry, gusto lang kita i-date. Wala naman masama kung i-date kita hindi ba?" tanong ni Fabian. Agad na sinabi ni France na sasama siya. Nilingon ni Fabian ang anak at naka-pokerface na sumagot.

"Date para sa dalawang tao lang. Hindi kailangan ng third wheel," sagot ni Fabian. Nawala yata lahat ng pag-aalala ko after magbangayan na naman ng mag-ama. Natawa na lang ako. Imposible ko matanggihan si Fabian kung ganoon.

"Noo! Sosolohin mo mommy ko. Sasama ako!"

Sa pagdidiskusyon ng dalawa siyempre nanalo si France. Kasama namin si France mag-shopping at kumain sa labas.

Buhat ni Fabian si France 'nong lumabas kami nang sasakyan at pumasok sa isang kilalang shop. Isa lang sa dress na binigay sa akin ni Fabian ang suot ko at pinatungan ko ng longsleeve.

Gusto ko na lang itago ang mukha ko after  ko makita ang klase ng mga tingin na pinukol sa akin ng mga tao doon.

"Fabian, sa sasakyan na lang ako," bulong ko at hinawakan ang dulo ng sleeve ni Fabian.

Napatigil ako 'nong hawakan ni Fabian ang kamay ko na kinatingin ko sa kaniya. Nasa entrance kami ngayon ng shop.

Bahagya yumuko si Fabian at nilapit ang mukha sa akin.

"Gusto mo ipa-reserved ko buong shop na ito at paalisin lahat ng tao dito?" bulong ni Fabian. Napatigil ako at agad na sumagot ng no. What the heck seryoso ba siya doon.

The Billionaire's Ugly WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon