50

3.8K 61 5
                                    

Chapter 50
Nasa harapan ng salamin si Sonia habang nagsusuklay at tinitingnan ang reflection sinabi ni Sonia ang about sa paghingi ni Victor ng tulong sa kaniya.

"Don't you dare, Sonia. Hindi ako papayag," ani ni Fabian. Napatigil si Sonia sa pagsusuklay then nilingon si Fabian na nakaupo sa kama kaharap ang laptop nito.

"Fabian, hindi ako napapakali. Gusto ko malaman ang nangyari kay Themarie," ani ni Sonia. Inalis ng lalaki ang salamin na suot niya at sinalubong ng tingin si Sonia.

"Sonia, ang babae na iyon ang sumira sa buhay mo at ilang taon niya din tinortyur ang anak mo. Ang lalaking humihingi sa iyo ng tulong, niloko, ginamit ka at inagaw lahat ng meron ka," pagpapaalala ni Fabian. Naitikom ni Sonia ang mga labi dahil totoo iyon pero— pumasok sa isip niya si Themarie  at kahit naging masama itong kaibigan sa kaniya ito pa din ang unang tao na nag-abot sa kaniya ng kamay.

"Bakit hindi mo maintindihan, Fabian na gusto ko lang bigyan ng hustisya si Themarie?" ani ni Sonia at tumayo. Nangingilid ang luha ni Sonia habang nakatingin kay Fabian na napamura na lang sa isipan.

"Sonia, wag mo ako iyakan. Kahit ano gawin mo hindi ako papayag sa gusto mo mangyari," iritable na sambit ni Fabian bago tumayo at kinuha ang laptop niya. Naiinis ito na lumabas ng room nila.

Sumisinghot si Sonia na pinunasan ang pisngi niya. Hindi siya kasi naiintindihan ni Fabian. Hindi niya matanggap ang nangyari kay Themarie.

Almost 30 minutes na si Fabian sa harap ng laptop at hindi siya maka-focus sa ginagawa niya. Naiinis na sumandal si Fabian sa sofa at hinilot ang bridge ng ilong niya. Hindi mawala sa isip niya si Sonia.

Hanggang sa maisipan niya tawagan ang dad niya at kinuha niya ang phone niya. Agad na nag-ring iyon. Nakatatlong ring at 'nong papatayin niya na iyon bigla sumagot ang dad niya.

"Siguraduhin mo na importante iyang sasabihin mo, kiddo. Alastres na ng madaling araw for god's sake," ani  ng ama niya sa kabilang linya na mukhang naalimpungatan sa pagtawag niya.

"Dad, ano gagawin ko?" iyon ang unang salita na lumabas sa bibig ni Fabian at almost 30 minutes na tumatakbo sa isip niya.

"What happened?"

Narinig ni Fabian ang mga yabag ng ama at pagbukas-sara ng pinto. Sinabi ni Fabian na may hindi sila napagkasunduan ni Sonia.

"She want to do something at hindi ako totally maka-agree," ani ni Fabian na nakatingala at nakatingin sa kisame.

"Natatakot ako and super dami ng what ifs na pumapasok sa utak ko," ani ni Fabian at pumikit ng madiin.

"Malakas na babae si Sonia. Wala ka ba tiwala sa kaniya?" tanong ng ama ni Fabian. Agad na sumagot si Fabian sinabi na no. Malaki tiwala niya kay Sonia.

"Hindi niya magagawa na i-dissapoint ako," ani ni Fabian. Then tinanong siya ng matanda kung anong problema ni Fabian.

"Mag-asawa kayo ni Sonia, sa lahat ng bagay dapat magkasangga kayo at magkasama hinaharap ang problema. If may something siya na gusto gawin as his husband support her. Hindi porket mag-asawa kayo naka-set na  iisa lang kapalaran tatahakin niyo na dalawa at wala kayong haharapin na problema as individual being."

Napatigil si Fabian after marinig iyon at naimulat ang mata.

"Fabian, wag na wag mo isasantabi ang nararamdaman at gusto mangyari ng asawa mo dahil gusto mo ng peace at sa tingin mo makakabuti iyon sa kaniya. Tandaan mo na dalawa kayong tao sa relasyon at hindi palagi nagba-bound ang sa side mo ang problema," ani ng ama ni Fabian. Then sinabi nito na kung totoo may tiwala si Fabian sa asawa hayaan ang babae at pakinggan ang sasabihin nito.

The Billionaire's Ugly WifeWhere stories live. Discover now