14

4.7K 120 4
                                    

Chapter 14
"Mommy!"

Bumaba sa upuan si France at tumakbo palapit sa akin. Agad ko naman Binuhat si France na yumakap sa leeg ko.

"Uwi na tayo?" tanong ni Fabian na hawak ang slim bag ko at nakatingin sa amin ni France. Tumango lang ako bilang sagot at hinawakan si Fabian sa braso.

Bigla yata nawala lahat ng energy ko after ko makita ang dalawa. Nawala na din ako sa mood.

Noong makalabas kami sa restaurant dumiretso na kami sa parking lot. Hawak ko si France— una ni Fabian binuksan ang backseat para isakay si France na agad naman pumasok sa loob.

Noong sinara ni Fabian ang pinto ay binuksan naman nito ang passenger seat. Sasakay ako nang may humawak sa braso ko na kinalingon ko.

"Ano ibig sabihin nito, Sonia? Fiancee mo ang lalaki na 'yan? Hindi pa tayo divorce!"

Agad ko nahila ang kamay ko at pinigilan si Fabian 'nong mukha napikon na ito at aatakihin si Victor na bahagya napaatras. Coward.

"Nakakatawa ka, Victor. Nagrereklamo ka ba dahil nagkaroon na ako ng fiancee after ko mag-decide na pumayag sa divorce?" tanong ko at nag-cross arm. Diretso ko tiningnan si Victor.

"Stop wasting your energy Victor. You don't have a right to defend yourself either justify my actions since ikaw ang unang nag-ooffer ng divorce paper sa akin, nagpalayas sa sarili kong mansion at pinalandakan ang relationship niyo ni Themarie before ko 'man lang mapirmaham divorce paper natin."

Naitikom ni Victor ang mga labi. Hindi ko alam kung ano naisipan na lang ni Victor at sumugod dito. Ine-expect ba nito na magso-sorry ako or what?

"Hindi mo 'man lang ba naisip si Vladimir?" tanong ni Victor. Agad ko siya sinampal dahil doon. Nanlaki ang mata ni Victor at nilingon ako na ngayon ay hawak ang pisngi niya.

Ngumiti ako ng mapait at iniyukom ko ang kamao ko.

"Nandidiri ako," puno ng galit na sambit ko. Parang sasabog ang dibdib ko dahil doon.

"Iyong idea na nanalaytay ang dugo mo at ng mga Valencia sa katawan ng anak ko. Nandidiri ako Victor," may diin na sambit ko. Hindi ako makapaniwala na muntikan ko na sayangan ang kalahati ng buhay ko sa ganitong tao.

Play victim? After nang mga panloloko nila ni Themarie? Ako pa ang hindi nakaisip sa anak ko?

"Tandaan mo na ikaw ang sumira sa pamilya natin Victor hindi ako. Nandidiri ako sa iyo," ani ko at tumalikod. Sumakay na ako ng sasakyan at agad naman sinara ni Fabian ang pinto. Isinandal ko ang katawan ko sa sandalan ng upuan.

Pilit ako hindi nagpaapekto at pinakita kina Fabian na ayos lang ako. Pinaghanda ko pa si France ng cupcake 'non at noong gabi ay naglakad-lakad pa kami sa loob ng subdivision.

After ng dinner at malinisan ko si France pinatulog ko na ito. Nakaupo ako sa gilid ng kama habang tinatapik ahg likod ni France na ngayon yakap ang favorite stuff toy niya.

Noong makatulog si France ay tumayo na ako dumiretso sa room ko at napapagod na umupo sa ibaba ng kama. Niyakap ko ang mga tuhod ko at doon bumuhos lahat ng luha ko.

"Bakit kahit anong gawin ko? Ang sakit pa din?" bulong ko. Parang naninikip ang dibdib ko tuwing nakikita ko si Victor. Pagkadismaya, sakit, galit, pagkamuhi at the same time expectation.

Gusto ko siya layuan at the same time sumbatan. Paano niya nagawa sa akin iyon? Anong nagawa ko mali? Kailan pa nagsimula iyon.

Iyak lang ako ng iyak hanggang sa may nagpatong ng medyo mabigat na bagay sa ulo ko.

Napaangat ako ng tingin at lumingon. Nakita ko si Fabian na umupo sa tabi ko at iyong jacket niya ay nakapatong sa ulo ko.

"Alam mo ba bakit tayo nagagawa saktan ng mga taong mahal natin or mahalaga sa atin? Mas masakit ang impact ng actions nila sa atin."

The Billionaire's Ugly WifeWhere stories live. Discover now