18

4.3K 121 4
                                    

Chapter 18
"Fabian!"

Lakad-takbo lumapit si Jomari sa direksyon ni Fabian na nakaupo sa harap ng isang table at inaayusan ng ilang make up artist.

May dala itong dalawang cup ng coffee at may yakap na paper bag natutuwa ito lumapit kay Fabian at inilapag iyon sa table.

"Ayoko kumain, Manager," bored na sambit ni Fabian na nanatili ang tingin sa script.

"So? Pamigay ko na lang itong meryenda na pinadala ng wifey mo?"

Napatigil si Fabian at inangat ang tingin. Kukuhanin ni Jomari iyong paper bag nang mabilis iyon hablutin ni Fabian at pokerface na sinabing nagugutom din siya.

"Akala ko ba ayaw mo kumain."

Hindi siya sinagot ni Fabian at tiningnan ang laman ng paper bag.

"Hey! Hindi lang 'yan sa iyo. Sabi ni madam bigyan mo daw ako," ani ng manager ngunit imbis ibigay ang paper bag inabot ni Fabian ang card niya sinabihan ang manager na bumili si Jomari ng sa kaniya at bigyan ang ilang staff na nasa tent niya.

Napanguso ang manager sinabi na ang sama ng ugali ni Fabian. Nabasa ni Fabian ang note na favorite iyon na food ni Sonia at gusto niya i-share iyon kay Fabian. Napangiti na lang ang lalaki at sinimulang kumain.

Sa isip ni Fabian siguro dapat na niya i-consistent ang schedule niya sa, trainings at gymn sa gayon ay ma-maintain figure niya. Sigurado kasi tataba siya sa pag-aalaga ni Sonia.

Napatitig na lang si Victor sa paper bag na nasa table ni Fabian na may logo ng shop na super familiar sa kaniya. Favorite shop iyon ni Sonia na tuwing tapos ng klase dati ay dinadaanan nila.

Naiyukom ng lalaki ang kamao dahil doon at bigla pinalayas ang mga staff sa tent niya. Sakto pumasok si Themarie na may pagtataka sa mukha dahil sa mood ni Victor.

"Anong problema France? Parang tahimik ka ngayon. Wala ka ikukwento kay mommy?" tanong ko habang hawak ang kamay ni France at naglakad-lakad kami sa loob ng subdivision. Before kumagat ang dilim ay nakagawian na na namin maglakad-lakad sa ganoon na oras. Exercise para France at ma-subdue kahit kaunti ang pagi-sleepwalk nito.

"Malungkot lang ako, mommy. Nasira kasi iyong ginawa ko sa school na robot gawa sa paper gawa ng mga classmate ko. Gusto ko ipakita iyon sa iyo pero nasira," ani ni France na kinatingin ko sa kaniya. Bigla niya naalala na may dala itong plastic at tinatago ito sa akin.

"Bakit hindi mo ulit gawin tapos tulungan kita. Lagay natin iyon sa room mo?"

Napatigil si France tapos lumingon sa akin. Nanlalaki ang mata nito tinanong ulit ako kung tutulungan ko talaga siya.

"Oo naman. Huwag ka na sad. Tutulungan kita ulit buuin iyon. Gusto ko din makita."

Dinutdot ko ang pisngi ni France. Napangiti si France ng malapad at niyakap ang hita ko.

Nagpatuloy kami sa paglalakad at 'nong makauwi kami ay pinataas ko na si France para mag-shower at magluluto na  ako ng dinner.

Nagsi-search ako sa internet  ng pwede lutuin nang maagaw ang pansin ko ng isang ads.

Nakita ko mukha ni Victor at Fabian. Agad ko na binuksan iyon at may nakita ako na video. Away iyon ng dalawa sa set.

Nanlamig ako after makita ang mga comment at sunod na issue. Na-hold ang drama dahil sa issue ng dalawang actor.

Walang sinasabi si Fabian about doon. Ilang araw na ang issue na iyon. Napatakip ako ng bibig.

After ko magluto ng dinner ay pinagpatuloy ko ang panonood ng mga kumakalat na issue about kay Fabian. Hindi ko maiwasan mag-aalala. Paano kung dahil sa akin tuluyang masira career ni Fabian.

The Billionaire's Ugly WifeWhere stories live. Discover now