CHAPTER 1 - THE GIRL

39 2 0
                                    

Pablo


Nandito kami sa office ng 1Z dahil magpipresent si Justin ng mga applicants for audio - visual editor. We're not big in terms of numbers kasi kakasimula pa lang naman namin itayo ang 1Z. But it was a big decision that we made as a group kaya naman hands on kami sa lahat even in simple details. As the CEO, I prefer working with few people but are talented and passionate when it comes to work.

"I like this one, and that one too.. and this one!" turo ni Stell, alam ko namang iniinis lang nya si Justin.

"Isa nga lang pipiliin e!" Inis na usal ni Justin. Kahit ilang taon na to, feel pa din nya pagiging bunso ng group. Sabagay sya naman talaga ang bunso saming lahat.

Inakbayan naman ni Josh si Jah, habang si Ken tawang tawa habang nakahiga sa sofa.

"Iniinis mo na naman si bebe Jah e" asar ni Josh kaya siniko sya ni Justin. Kahit kelan talaga walanng matino sa pamilyang to.

"Ikaw na nga lang pumili, Pablo" pagsusungit ni Justin, nadamay pa tuloy ako.

"Bat ako e ikaw Creative Director?" Angal ko,

"Dali na! Ikaw naman CEO e!" Sigaw neto, inis na nga. Tumatapag e

"Ginagalit nyo naman Pablo si Jah e" tawa ni Ken na may pahampas pa

"Ikaw din, Ken Suson, isa ka pa!" utos ni bunso

"O bat ako, malay ko jan, si Pablo na. Sya naman CEO e" angal ni Ken, sabay lipat sa tabi ni Stell

"Oo nga! Ikaw pumili Pins, para may ambag ka" dagdag ni Stell habang inaayos yung laptop para iharap sakin yung screen, ayos talaga tong mga kagrupo ko, tinawag pa kong pinuno kung uutusan lang din pala ako.

"Wow hah?. Tinawag nyo pa kong leader ako din pala uutusan nyo, mga hayp!" Hinawakan ko na ang mouse at nagsimula magtingin ng mga sample images and edits ng mga applicants. Habang yung apat patuloy pa din sa asaran, one of the images capture my attention, a picture of used paintbrushes na naka monochrome effect yung background ng isang babaeng nakatingin sa white canvas, empty, shattered things, and yung paintbrushes lang ang colored.

"This one.." I said kaya tumingin sila sa akin,

Lumapit ng konti sakin si Justin para makita nya at tumango.
"Nice, yan din gusto ko e."ngiti ni Justin "look at this one, may explanation yan from the applicant." turo nya

Lumapit din yung iba para mabasa nila, then we start to read it silently.

"Life is like an empty canvas; it depends on us how we draw and color our lives. Sometimes, we're excited to make strokes from different areas but then we regret how we've done it. Wishing it was better, wishing we had done better. Then comes regret and longing. But through all of this, we tend to capture what looks beautiful to us, then we hide those things that are broken in us, shattered, and painful. We focus on the colors that the paintbrushes can add, but forget that those pains, struggles, brokenness, and shattered dreams are what make our life meaningful. Don't hide it, but instead, carry it with you because that's what has strengthened you. - Color Me, Love."

"Wow.. ang lalim naman." Saad ni Stell

"Nice.."dagdag ni Josh

"It hits me, bro" sabi ni Ken

"Di ba ang ganda?" Ngiti ni Justin "Ano, Pau?"

Tumango ako, "indeed, it.. it is beautiful."

"Nice! So this is final, sya na ang kukunin natin as our editor, I think tulad natin sya mag isip ng concepts e. Excited na tuloy ako!"
Ngiting ngiting saad ni Justin, as the Creative Director, yun na yung magiging partner nya bukod kay Xi-Anne.


Mabilis natapos ang araw, I stay on the recording studio to make beats para sa mga next songs namin. Sa sobrang aliw na aliw ako dito e di ko na napapansin ang oras.

"Pau, di ka pa uwi? uwi na kami ni Justin. Dun daw sya mag stay sa unit ko e" katok ni Stell, napatingin naman ako sa relo ko, it's almost 7pm na din pala kaya pauwi na tong mga kasama ko.

"Ah, sige. Tapusin ko lang tong bridge. Sila Ken at Josh ba?"

"Kanina pa umalis, di ka na tinawag kasi busyng busy ka kanina pa." Sagot ni Stell "So pano, iwan ka na namin, ikaw na magpatay ng ilaw at maglock ng pinto." Bilin nya.

Kumaway na lang ako, "yeah, ako ka bahala jan. Ingat kayo."

9pm nang umalis ako ng 1Z, I haven't had my dinner too kaya dumaan muna ako sa drive thru. But on my way para sana umikot na ng daan nang biglang may nagcut din sakin ng motor, sa sobrang kaba ko mabuti at nakapreno pa din ako, loko talaga. Maaksidente pa ko dahil sa baralbal na motorista.
Mainitin ang ulo ko pagdating sa daan, pero mabuti na nga lang at nagsignal ang stoplight kaya nagpang abot kami ng taong to.

"Excuse me?" Pasintabi ko dito, nagtaas ako ng proshield, pero etong kinakausap ko e di man lang lumilingon.

"Alam mo bang muntik na ko masemplang sa pag cut mo sakin? next time wag kang ganun, makakaaksidente ka sa ginagawa mo" pero di pa rin eto umimik sakin, napaka arrogante. Ang liit naman.

"Naririnig mo ba ako?--"

"Don't care, dude. You should be on the bike lane if takot ka ma-cut."
di ko napansin na nag go signal na kaya pagkasabi nya nang ganun dali dali na naman etong umabante ng takbo. Teka, babae ba yun?ibang klase.. di nya alam na matandain ako. I memorize her plate number para next time pagnagkita kami, lagot sya sakin.
Kahit babae pa sya.

Halos di ako nakatulog sa inis ko sa nangyari,
di ako nakaganti.

Humanda talaga sakin yun pag nagkita kami ulit.

"O bat parang ang init ng ulo mo?" Tanung ni Justin, nandito kami sa recording studio pero halos di mapinta yung mukha ko sa inis nung gabing yun.

"Pano, may nagcut daw sa kanya kagabi sa daan, ayun muntik syang masemplang." Kwento ni Josh,

"Ang malupet pa, e mukhang babae yung motorist. Hahahah nagchona mode sya, pero mas chona pala yung isa! Hahahaha" tawa pa neto ni Stell, sana pala di ko na lang kinwento sa mga to.

"Wag syang mag alala, tanda ko plate number nya. Magkita lang kami sa daan, papatulan ko talaga sya." Banta ko. Totoo, naiinis pa din talaga ako.

Di ko lang nakita yung mukha nya, pero yung boses nya, tanda ko. Lalo na yung motor nya, may araw din sya sakin.

"Puso mo Pablo. Anyways, bukas na magrereport yung bagong eployee sa Creative Dep. Be good to her ah." Nakangiting saad ni Justin

"Her? Babae, Jah?" Paglilinaw ni Stell. Wala namang problema kung babae, kaso baka malamya yun ah.

"Oo, babae, di ko ba nasabi kahapon?"

"Hindi. Pero goods yun. Para may chicks naman dito." Kahit kelan talaga ang tinik neto ni Josh

"Oy, pag yun nagresign, umayos ka Ssob!" Saway ni Stell sa kanya. Kilala naman sa pagiging matinik tong si Josh e, kaya naku.. ingat na lang.

"Yun e kung papatol, mukhang boyish e.." napaisip naman ako sa sinabi ni Justin,

"How do you know?" Tanung ko, nacurious na tuloy ako, medyo nawala din inis ko.

"Hahahaha! I stalked her IG account.. look.." abot sakin ni Justin. And yeah, maybe he's right. Di man clear yung mukha, bukod sa malalayo yung kuha, medyo asthetic din.

"Patingin?" Inabot ko na kala Josh at Stell, like me, napa wow din sila.

"So she's from the States? E bat sya dito magwowork? Di na lang sya bumalik sa US?" Tanung ko din yan Josh

"Ahmm. Baka gusto nya maiba naman. So in short, mapapasabak tayo sa english!" Hirit ni Stell, loko talaga

"Pero alam nyo, may medyo similarities sila ni Pablo, bukod sa hilig sa black.. e nagmomotor din." Justin being so confident on his stalking. Loko

"Grabe ka Jah! Stalked kung stalked ah!" Palakpak ni Stell

"Mga sizmars talaga kayo.." bulong ko. Hays.

Kung nagmomotor sya, e di possibleng magkasundo kami.
Sana di sya maarte no.


Sana, di sya arogante tulad nung babae kagabi.



Finding You My Symphony || SB19 PABLOWhere stories live. Discover now