CHAPTER 20 - SLEEPLESS

15 2 0
                                    

LIV

The least that I expect na si Joy at Christine is the same person.
Ayos din talaga maglaro ang tadhana.
Nagpunta ako ngayon sa cemetery to visit her, ang tagal na din ng huli kong pagbisita dito.
But it took me a few days bago nakabangon sa mga nalaman ko. Kung may isang bagay man akong pinakakinakabahan, ay ang pagbalik ni Paulo.

Inilapag ko ang bulaklak na binili ko, saka inalis ang mga tuloy dahon na tumatakip sa pangalan ni Christine.

"Hi, andito ako ulit. How are you? Siguro, you're laughing all throughout sa nangyayari sakin.. ang daya naman, you pulled tricks on me. Di kana nagbago.." Pilit kong ngumingiti.

Niyakap ko ang dalawa kong tuhod para pigilan ang nginig ko. Dahil sa totoo lang, di ko alam kung san pa ako magsisimula at kukuha ng lakas.

"I'm sorry, wala na sana akong balak tuparin yung promise ko to find him, kasi gusto ko na makalimot.. pero ang daya mo, hinatid mo pa sya sakin and you let me fall for him.. so anong gagawin ko ngayon? Sumagot ka... Kasi di ko alam.." pag iyak ko.

Alam ko na maraming mauungkat pag lumabas ang connection ko kay Christine, kaya natatakot ako.. sobra. Kasi ayoko ka balikan lahat ng yun. Ayoko na.




Liv, I'm here. Where are you?

Message ni Paulo sa akin.

Pagkaalis ko ng cemetery, di ko na alam san ako sunod na pupunta. I went to Havre pero di na ako pumasok, kasi di ko alam kung anong sasabihin ko.

Ilang oras din ang nakalipas at bumalik na ko sa unit ko. Iniexpect ko na baka andito si Pau kaya ayoko umuwi, pero wala sya. Na mas mabuti para sa akin.

Dumiretso ako ng higa sa kama, I really want to sleep and never wake up again. Then I hear my doorknob click.

"Nakauwi kana?" Tawag nya sa akin, nakita ko na lang sya papalapit na sa pinto ng kwarto ko na di ko pala naisara.

"Finally. You're here." Ngiti nya sa akin,

Di ko alam, pero buong lakas akong tumayo at yumakap sa kanya. Isipin ko pa lang mga pwedeng mangyari baka di ko na to magawa pa.

"I miss you too. Sobra" yakap nya sakin pabalik sabay halik sa ulo ko.

Di ko magawa magsalita, wala akong magawa sa pag patak ng luha ko, ayoko man. Pero di ko kaya pigilin, pati panginginig ng katawan ko.

"Hey, why are you crying? May nangyari ba nung wala ako? Tell me.. you're making me worried." Pag aalala ni Paulo.

Umiling ako na di umaalis sa pagyakap sa kanya,
"wala, namiss talaga kita ng sobra.."

I hear him giggling, "sabi sayo mamimiss mo ko eh, pero sobra naman para umiyak ka ng ganyan. Just tell me if there's something bothering you, I will listen.. when you are ready.."

"I love you, Pau. Sobra.."

"I love you too.."


Simula nang mga nangyari, pinilit ko na maging ok.
Maging normal lahat, pero hindi.
Hindi ganun kadali.
Every night the same nightmare keeps haunting me again.
Kahit sa simpleng kaluskos natatakot ako.

Para kumalma, napilitan akong magpaconsult ulit sa psychiatrist. I need to overcome this,
I already did in the past.
Makakaya ko ulit.

"Pinakamahirap na stage ng depression and anxiety are when they occur. I give you meds but I double the dosage for you to take.. just remain calm, whatever happen, you need to calm yourself.."

Finding You My Symphony || SB19 PABLOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon