CHAPTER 5 - THE KISS

27 2 0
                                    

LIV

It's been a while nang maging part ako ng 1Z, like before sobrang dami nilang ganap.
And in all their engagements as a group, lagi din akong nandun.

Kakauwi lang din namin galing Davao last 2 days ago, while si Paulo dumiretso ng flight to Dubai para sa meeting for their concert with Ms. Lei and Kuya Yani.

"Ok kana sa edits mo?" Tanung ni Justin

"Yeah, for approval nyo na lang to."

"May I see?" Inikot ko yung laptop para makita ni Justin, tingin mukhang satisfied naman sya.
Like me, sobrang galing din ng imagination ni Justin and hands on sya pagdating sa cinematography ng mga nilalabas nila.

"Very nice. Tingin ko ok na to kay Paulo, isend mo na sa kanya para maapprove nya."

"Why me?" Gulat na tanung ko kay Justin

"Why not you? E favorite ka ni Pablo, for sure approve agad yan." Nakangiting sagot ni Justin

Tiningnan ko muna sya kung seryoso ba sya na ako talaga na samantala sya ang Creative Director.

"Go na. I'll message him na may isesend ka." Kinuha nya ang phone nya at nagsimula na ngang magmessage kay Paulo.

"Sent. Sige na. I go na din. May rehearsal pa kami. If you want or tapos kana jan, punta ka sa dance studio." Yaya ni Jah.

Kagaya nga ng sinabi ni Justin, sinend ko yung drive link ng draft kay Paulo.

'Hi, Pau. For your checking. Justin already saw it. Wait na lang kami if may revision ka pa na gusto. Ingat ka jan.'

"Sent."

Inantay ko pa kung magsiseen sya.
Pero delivered lang ang nakalagay. Mukhang busy pa nga sya.

Umuwi na din ako after ng mga ginawa ko, bumaba lang ako sa studio to say hi sa kanila then uwi na.
Parang ang lungkot naman ng 2 days na wala si Paulo sa office.
Wala akong binibigyan ng brewed coffee.
Walang maya maya upo sa tabi ko kahit walang sasabihin.
Pati yung pagsusungit nya lagi sa office.
Nakakamiss.

I'm ready to sleep na, pero di pa ko dinadalaw ng antok kaya nagbukas na lang ako ng social media. And di ko na pansin na I'm stalking him.
I also joined The Pack and his subscriber hub nya.
Di ko tuloy mapigil mangiti,
Pano kahit pala sa private accounts nya di nawawala pagiging chona nya. Nakakatuwa din yung mga selfies and song covers nya, himlay ang mga fans nya neto.

"Ang pogi naman neto-- ay palaka!" Nagulat ako nang mag pop up ang name nya sa screen ko, he's calling me through video call.

'wait sasagutin ko ba?'

Tinitigan ko na lang talaga yung screen, nalaman ba nya na inistalk ko sya? Talaga ba?

Call ended, then nagmessage naman sya.

'answer my call, I have something important to say.
- Paulo


Maya maya ay tumawag sya ulit.
Hays, napakagat labi na lang ako at sinagot ang tawag nya without opening my camera.
I see naman na nasa kwarto sya kasi kita yung bed, pero mukhang nakaupo sya,

He is in his black hood and specs with messy hair.
Bat naman ganito ka gwapo tong taong to.

"Where are you? Open your cam, I want to see you."
Sabi nya sa kabilang linya kahit di nya ako nakikita, e kita ko naman yung titig nya. Kainis.

"Ahm.. I'm.. I'm on my sleepwear na kasi."
Palusot ko pero totoo naman. Naka pantulog na ko.

"What is your sleepwear ba? Skin? Unless you are naked don't mind opening the cam."

Finding You My Symphony || SB19 PABLOOnde as histórias ganham vida. Descobre agora