CHAPTER 7 - LABEL

22 2 0
                                    

LIV

It's been a while since nung magpunta kami sa Havre, and I really enjoy the company of his family.
The things which I don't experience.

"Hey, good morning. Busy?" Yakap sakin ni Paulo,

"Good morning, you want brewed coffee? Di ba may practice kayo ngayon?" Yakap ko sa kanya pabalik,

"Yes please, I really need your coffee and this hug pampaenergize, galing na kong studio binaba ko gamit ko then umakyat dito may mga need din ako pirmahan  kasi sabi ni Kuya Yani."

"Goodmorning! Everyone!" Bati ni Stell

Napatulak ako ng mabilis kay Paulo at dahil hindi sya prepare tumama yung likod nya sa table bago bumagsak.

"Aray!" Inda ni Paulo, agad ko naman syang tinulungan makatayo pero mukhang napalakas ang pagtulak ko.

"Hala! Anyare?!" Napatakbo din si Stell palapit samin at tinayo si Paulo.

"Anung meron?" Di ko naman napansin na kasunod din pala si Justin

Nagawa naman ni Paulo na tumayo habang hawak ang gilid ng likuran nya at tumingin sakin ng 'bakit mo ko tinulak?' tinaasan ko lang sya ng kilay.

"Ok lang, na out of balance lang ako." Palusot ni Paulo

Umismid naman si Stell sa kanya "Panong out of balance e patalikod ang bagsak mo? At bakit kasi andito ka sa area nila Jah?"

"Oo nga, e dun naman office mo?" Duda ni Justin na nagpapalit palit na ng tingin samin.

"Ano kasi.." di ko alam ano sasabihin ko, shocks.

"Good morning! O ano meron at nagkukumpulan kayo jan?" Dumating di si Josh at Ken

"Good morning, Hi Liv" ngiti ni Ken sakin na nginitian ko na din.

"O ano? Bat na pipe kayong dalawa? Ano bang meron sa inyo?" Di pa rin nakakaget over si Stell, di ko na talaga alam isasagot ko, e sa totoo. Oo we're sweet without..label.

"I'm planning to ask her for a brewed coffee, then nadulas ako. Yun lang yun." Sagot ni Paulo,

Ilang sandali pa pero di muna nagsalita si Stell at tinititigan lang si Paulo.

"Actually yun din inakyat namin ni Ken dito eh, kung may brewed coffee si Liv." Hirit ni Josh

"Yeah." Pagtango naman ni Ken.

Parang gusto ko tuloy yakapin tong dalawang to. Buti talaga.

"See? Pati pala sila dito din ang punta e." Pagtaas ng kilay ni Paulo kay Stell.

Pero inirapan lang sya ni Stell bago bumaling sakin, naku, its hard for me to tell a lie.

"Let me prepare brewed coffee in a minute.." paalam ko at umalis na sa gitna nila.

Hays, parang umiiksi buhay ko dito sa 1Z dahil samin ni Paulo e. Ang hirap naman.
Pero ano nga bang meron samin.

Di ko alam.





"Aray! Dahan dahan masakit.." minamassage ko ngayon dito si Paulo sa unit ko, madalas na din sya nagpupunta dito pag  dinner or to watch movies pag walang maagang call time. Pero this time para imassage sya.

"Umayos ka kasi."

"Maayos ako, lalo na kung di mo ko tinulak--- Aray!"
Napapisil ako sa balikat nya.

Di nga daw sya makagalaw kanina sa practice nila dahil sa tama nya kanina kasi masakit yung pagkakatumba nya.

"Napaisip ako, what if Stell caught us in that scenario? What will be his reaction?"  Tanung ko kay Paulo.

Finding You My Symphony || SB19 PABLOWhere stories live. Discover now