CHAPTER 9 - VACATION

17 2 0
                                    

LIV

"Buti nakasama ka dito sa Palawan, at least makakapag bakasyon ka din for a while." Sabi ni Justin

Nandito na kami sa lobby ng Hotel, pero inaantay pa namin yung service car na maghahatid samin sa Villa.

"Yeah, first time ko dito. Kaya nakakaexcite." Masayang sagot ko sa kanya.

"Hi, can I sit here?" Boses ni Ken.

"Yeah, sure. Walang nakaupo jan." Sagot ni Justin

"Hi, Liv. Buti sumama ka. Di boring tong ganap ngayon." Ayan na naman yang ngiti nyang parang bata. He's wearing a casual white tshirt and black pants then his usual bucket hat.

"Grabe ka Ken, so kami yung boring?!" Hampas sa kanya ni Justin

"Oy! Wala akong sinabing kayo hahahaha!" Nagsama pa tong dalawa

Natawa na din ako sa mga hirit nilang asaran, buti di nagkakapikunan tong dalawa e.

Nasa kabilang table naman si Stell at Josh na nakikipag kulitan kala Xi Anne.

Si Paulo naman, ayun kausap sila Kuya Yani at Ate Bea. Mukhang seryoso e.
He's wearing his usual outfit - Black
Black tshirt, Pants, Cap and Shade. Buti nga naka beach slipper e, hindi nag rubber.

Pag ganyan sya ka seryoso, lalo syang---

"Gwapo ni Pablo no.." bulong ni Justin,

Napabalik ako sa reality ng nagsalita si Justin. Hinanap ko naman si Ken pero nandun na sa counter para kumuha ng drinks.

Nginitian ko na lang si Justin kesa sumagot.

"Oks lang yan, Liv. Paulo is a nice guy. Walking green flag nga yan e para sa a'tin." Ngiti ni Justin

"Drinks for everyone!" Natigil si Justin ng dumating si Ken na bitbit na yung mga binili nyang drinks para sa amin.

Muli kong binalikan ng tingin si Paulo na ngayon ay nakatingin na rin sa direksyon ko. I see him smile s bit, kaya ngumiti na din ako.



May problem ngayon as I hear Kuya Yani and Ate Bea kaya pala kanina pa sila aligaga e.
Nandito na kami ni Xi Ann at Ate Lei sa Villa ng girls, kaya nalaman ko kung anong meron.

"E yun nga, pag nagkataon baka pack up tayo neto." Malungkot na saad ni Ate Lei

"Eh, bat daw walang nahanap na kapalit sa photographer nila Direk?" Tanung ni Xi Ann

Nakikinig lang ako sa usapan nila, di pa kasi malinaw sakin yung context e.

"Yun nga e, alam ko magpapadala daw yung Acer ang kaso madedelay tayo then matatamaan ibang sched natin."

"Ano ba yan.. sayang oras."

Gusto ko sana imessage si Paulo, pero di pa din nya nasiseen last chat ko kanina for snack di ko kasi sya nakitang kumain pagkarating namin.

Iniwan ko muna si Xi Ann at Ate Lei, ang task ko kasi ngayon, kunan ng bts yung shoot ngayon for vlog and concept video nila sa concert.

Nakita ko naman agad si Paulo na may kausap sa phone si Kuya Yani naman sa harap ng laptop, andito sila sa lobby ngayon kasama yung ibang team ng Acer with Direk.

"I understand po. But, hopefully makarating na bukas yung photographer.." tumigil ako sa harapan nya nakita na din kasi nya ako papunta.

"Hi, may need ka ba?" Tanung nya sakin pagkababa nya ng phone.

Finding You My Symphony || SB19 PABLOWhere stories live. Discover now