CHAPTER 3 - NEW NEIGHBOR

35 2 0
                                    

PABLO


Maayos naman akong nakauwi ng unit ko saka dumiretso sa basement for parking.

'wait? Is it real?'

Di ako pwede magkamali, eto yung motor nung naka initan ko last time.

'so, dito rin sya sa building ko? Sa same condo ko? King minamalas ka nga naman..'

Nakarating na ko sa unit ko pero di mawala sa isip ko na nandito sa building na to yung babaeng arogante na yun.

'teka? Isa lang naman bago dito e,
yung kapitbahay ko..

'I knew it! Kaya ganun ang ugali nya kaninang umaga. Kasi masama talaga attitude nya.

Di ko tuloy mapigilan mainis ulit.



"How are you sure na sya yung bago mong kapitbahay?"

Kausap ko si Stell, kahit na papunta na ko sa 1Z tinawagan ko pa din si Stell para lang magkwento. Bago ako tuluyang umalis sa unit e nilingon ko pa yung pinto ng kapitbahay ko. Mukhang nakaalis na din e.

"Oo basta. Sure ako. Malakas pakiramdam ko e."

"At kelan ka pa naging detective Mr. Nase?"

"I believe my instinct, Stell. May araw din sya sakin."

"Loko, tulad ng sinabi mo, babae yun Paulo."

"Babaeng masamang ugali."

"Hays, bahala kana nga. O sya, byahe na ko pa office, ingat ka din." Paalam ni Stell sakin.

Di ko alam pero mainit talaga dugo ko sa kanya, lalo na pag tama ako na iisa lang sila.



"Ang aga nga nya kanina e. Saka magaling talaga sya.." rinig kong usapan ni Justin at Josh.

"Nice nga ng initial concept board nyo e." Puri din ni Josh

"Sinong pinag uusapan nyo?" Tanung ko habang papaupo din sa swivel chair,

"Si Liv, pre. Magaling talaga. Nalaman ko nga na sa US pala sya nag aral, tapos nakapag trabaho din sya sa Dubai for almost a year, then balik dito sa pinas."
balita sakin ni Jah

"Dami naman nyang nakwento sayo." Saad ko

"Actually, oo. Makwento naman sya ng very light.."

"Or.. dinaldal mo lang talaga." Tawa ni Josh

"Hoy hindi no!"

"Chismoso ka talaga Jah." Dagdag ni Josh

Nagpatuloy pa sila sa pagkukulitan habang ako sinimulan ko na gawin yung ibang pending works ko para sa mga susunod na araw e tuloy tuloy na yung rehearsal and recording namin.


2 weeks na simula nang mahired si Liv.
Ewan ko ba, nakikita ko naman na nakakausap nya sila Justin at Stell madalas. Naririnig ko din syang tumatawa ng bahagya. One time naabutan ko din syang kausap si Josh at Ken sa pantry. Pero pag ako naman ang lalapit, bigla syang na nanahimik.
Ewan, parang may something na naiilang sya sakin.

Samantala yung kapitbahay ko na ilang beses ko na gusto makita e di ko natitiempohan, parang tinataguan ako na ewan. Feeling ko talaga.


Saturday kaya walang pasok sa office pero papunta akong studio para sumali sa dance practice ng Skoutz. Last time sumama si Stell at Josh, ngayon naman naisipan ko na sumama din to learn new steps lalo na malapit na yung concert. Naka white tshirt and jogging pants lang ako, just casual para naman makagalaw ako ng maayos, knowing Kuya Jay na parang acrobats sa move na for sure pagpapawisan ako.

Finding You My Symphony || SB19 PABLOWhere stories live. Discover now