CHAPTER 17 HAVEN

21 2 0
                                    

PABLO

Ilang araw ang nakalipas from that night,
Nakikita ko naman na pilit ni Liv kinakaya.
Pero minsan I see her lost in time, how I wish I can share the burden she has.

"Sumama kana sa dinner night.. wala akong ka-date." Hirit ko kay Liv.

Busy sya sa mga pinapagawa ni Justin, minsan iniisip ko, inaabuso na sya ni Justin e. Humanda sakin yun.

"Passed nga. You know that I am not a party person.." tanggi nya,

"Di naman yun party e. Partners Hurdle Night yun." Taray ko sa kanya.

"Even though.."

"Ang hina ko naman sayo.." pagbusangot ko sa kanya, nahiga ko na halos yung ulo ko sa table nya para magpapansin pero ayaw pa din nya ako tingnan.

"Babe.." tawag ko na nagpaubo sa kanya. Wala kasi kaming endearment as a couple, bakit nga ba wala?

"What?? Babe??" Halos masamid nyang sabi,

Nangiti naman ako kasi nakuha ko na attention nya, halos kanina pa ako dito kinukulit sya para lang sumama sa Dinner night.

"Ayaw mo ba ng babe?" Natatawa kong tanung habang sya naman e namumula na.

"Ayoko, nagcicringe ako. Stop calling me that." Utos nya, natawa ako sa reaction nya, wala talagang kasweet sweet to sa katawan. I mean, hindi clingy, hindi rin mahilig sa sweet words. Hays. Bat parang baliktad yung character namin, mas clingy ako sa totoo lang.

"Ayoko nga! Babe. Babe. Babe-----" tinakpan naman nya ang bibig ko para pigilan ako sa pagtawag sa kanya ng babe.

"Stop it!.. kainis!"

"Pag di ka pumayag, I'll call you babe---" piglas ko sa kanya

"Oo na! Sige na!" Pilit nyang sagot.

Natuwa naman ako na pumayag sya kahit ayaw nya talaga.

"Wala nang bawian ah." Ngiti ko

"Oo na nga, ang kulit..."

Hahahah nakakatawa talaga sya inisin lalo syang gumaganda pag nakaseryoso.

"Good morning, Pau, Liv!" Bati ni Justin, bitbit na naman yung laptop nya, pinausog pa ko para makaupo sya sa gitna namin ni Liv, pang inis talaga.

"Liv, look at this, grabe yung views ng thriller video natin for MV! 1M views na agad kahit wala pang 24hrs pano pa pag yung full MV na yung irelease natin." Todo ngiting pakita ni Justin kay Liv.

These two really works well, ang totoo tumaas yung views namin sa lahat ng socmed simula nang naging partners sila, and seeing Justin doing his passion really makes me proud Kuya to him. And also for Liv, proud boyfriend syempre.

"Nice! Ang galing mo Jah! Ganda kasi ng story board mo eh" ngiting ngiting sabi ni Liv, halata namang sobrang saya nya.

"Nope, it's you. Ang galing mong editor e! Ikaw talaga ang master." Bawi naman ni Justin. E di nagbolahan na sila.

"Hindi ah, idea mo lahat yan eh" bawi ni Liv

"Pero ikaw nag execute.. so iyo to!" Hirit ni Justin

Teka, ano ako dito props?

"Bolahan pa kayo..." Pagtataray ko, totoo naman e

"Sus! Wala kang ambag kaya wag sasabat.."pagsusungit ni Justin sakin, nakita ko naman na nangiti si Liv sa hirit ni Jah.

"Oy. Teka, ako kaya nag approve! So may ambag ako" totoo naman ah.

"Tss, kahit pa." Hirit na naman ni Jah.

Finding You My Symphony || SB19 PABLOWhere stories live. Discover now