CHAPTER 10 - JEALOUS

21 2 0
                                    

LIV

Nasa L.A ngayon si Paulo para sa promotion nya ng solo album under Sony Music. Naging sobrang busy din this past months para sa launching nya ng new album.
May mga time na saglit lang kami magkasama, pero knowing Paulo walang araw na di yun tatawag or magmemessage sakin kahit gano kabusy.

"Pack up na tayo." Sabi ni Direk

Nasa shoot kami ng pictorial ni Ken for his new release, start kasi ng sa Palawan nilagay na ko ni Paulo as personal photographer ng 1Z. Nung una ayaw pa nya ako ilagay kasi talagang matrabaho yun. Pero I really want to.

"Patingin ako." Patakbong lumapit sakin si Ken. Normal na kay Ken na todo bigay sa mga pictorial and MV kaya di din ako nahirapan.

"Nice nice! Ang pogi ko jan hahaha!" Sobrang proud din nya talaga sa looks nya.

"Oo, sobrang pogi mo, muntik na bumigay ang camera!" Asar ko sa kanya.

Ayan na naman sya sa bombastic side eye nya na brand na sa kanya.

"Smile..." Nagulat kami pareho ng may kumuhang picture samin isa sa staff.

"Ang cute nyo o.." kinikilig pang sabi ng staff sa amin.

Lumapit naman si Ken at tiningnan, "oo nga no. Send mo sakin hahahah"


After this, dumiretso na din kami sa wish live performance nya. Pinasama na din ako ni Ate Bea para sa mga bts ng performance ni Ken.

"Di ka pa pagod?" Tanung ni Ken sakin.

Inaayus na yung pwesto nya dito sa loob ng wish bus habang ako kinukunan ko naman sya. Napapapunas na din ako ng pawis at uhaw na din ako sa daming ganap ngayong araw.

"Medyo... Pero kaya pa." Kinuha ni Ken yun tumbler nya at inabot sakin, at dahil sa uhaw ko uminom na din talaga ako.

"Thanks." Abot ko sa kanya pabalik. Next naman nyang inabot is yung tissue kaya kumuha na din ako para ipunas sa pawis ko.

"Standby na, we will start in 3mins."

Dali dali naman akong umatras para makapwesto na si Ken, kinuha naman nya yung tissue sakin kasi wala akong mapaglagyan.


Tumagal din nang halos 2 hour yung sa wishbus kaya talagang pagod na pagod ako pag uwi ng unit.
I check my phone kung may message si Paulo, pero wala. Nakakapagtaka.

'busy? Don't forget to eat and rest.
Love you.

Baka nga sobrang naging busy kaya di na nakapag update.


Kinabukasan, wala pa din syang reply. Ni di nga din nya sineen yung message ko. Ano bang nangyari dun.
Gusto ko sana imessage si Ate Lei pero nakakailang naman. Kaya binilisan ko na lang papuntang office for sure dun makakabalita ako.


"Di pa pala makakauwi si Pablo no, naextend sila pa New York ni ate Lei." Sabi ni Justin habang busy sa laptop nya.

"Hah? Really.." sagot ko. Di ko alam. Pano ko malalaman e di nga sya nagmessage.

"Ay di mo alam? Nagmessage sya sa group chat namin kagabi. Akala ko alam mo.. well, now alam mo na." Nakangiting sabi ni Justin.

"Hindi sya nagsabi.."

Nangiti na lang din ako, pero di mawala sa isip ko na sa kanila nakakapag update sya pero sa akin hindi.

"Trending si Ken at Liv sa social media ah. Nakita nyo na?" Palapit ni Josh. Wala naman akong idea sa sinasabi nya.

Finding You My Symphony || SB19 PABLOWo Geschichten leben. Entdecke jetzt