CHAPTER 19 - JOY

21 2 0
                                    

LIV

"Ilang days din akong mawawala, baka mamiss mo ko ng sobra." Hirit ni Paulo habang nakaupo sa swivel chair nya.

Nandito naman kami ni Justin para sa finalization ng MV. Habang si Ken nakahiga sa sofa, si Josh sa floor carpet at si Stell busy magtiktok.
Kanina pa to humihirit si Paulo na mag lunch out pero dahil sa di pa kami tapos ni Justin walang choice kundi magstay dito sa office.

"I'm busy, Pau." Pang aasar ko sa kanya without looking kung anong reaction nya.

"Jah, di ba ang mga babae dapat sweet? Clingy? Bakit yung girlfriend ko hindi?" Para talagang bata to si Pablo, nangingiti naman ako sa mga hirit nya pero tinutuloy ko pa din yung trabaho ko sa laptop.

Natawa naman si Justin sabay siko sakin.
"Baka nagpapapilit lang Pau.."

"Tss. Hindi rin. Saming dalawa ako lang naman ang sweet.." pagsusungit ni Paulo

"Away na ba yan?" Tanung ni Josh habang nagphophone.

"Baka kasi di ka marunong manuyo, Pau hahaha!" Tawa ni Stell na mukhang nakapag update na sa tiktok

"Pano ba dapat, Stell?" Hamon ni Ken na natatawa din

Dali dali namang tumabi sakin si Stell na parang nagpapapogi kaya natatawa na ako agad.

"Wala pa nga tumatawa ka na?!" Saad ni Stell kaya lalo akong natawa kahit si Justin na nagcicringe din

"Ehem.. ganito kasi dapat.." sabay kagat labi at tingin sa mata ko "Liv, ilang days akong mawawala.. baka mamiss mo ko.." malanding sabi ni Stell na nagpatawa lalo sakin

"Hahaha! Ewan ko sayo Stell!" Tawang tawa ko pano di pa tumitigil sa pagpapacute. Nagtawanan na lang din kaming lahat sa hirit ni Stell

"Yarn!.. ganun dapat Pau! O ikaw naman gayahin mo" utos ni Stell sa kanya na nagpataas ng kilay ni Paulo.

"Tss. Kung ayaw e di wag. Simple as that." Pagtataray ni Paulo, minsan din talaga lumalabas pag ka chona nya e.

"Ang sungit mo kasi, Pau.." pang iinis ni Josh

"Tss.." simangot naman nya.

Nangingiti na lang din talaga pag ganyan ang inaasal nya para syang batang inagawan ng laruan. Tumabi ako sa kanya saka inangat ang mukha nya na sa una ay iniiwas pa nya.

"Bumalik kana sa trabaho mo.." bulong nya na halatang nainis talaga.

Out of nowhere, I give him a quick kiss sa lips nya na kinabigla nya at hiyaw ng apat.

"Ay iba.. hahahahah!" Tawa ni Justin

Nakita ko naman na na caught on guard ko si Paulo dahil nakatingin lang sya sakin, kaya I kiss him again.

"Eeeii.." kilig ni Stell.

"Missing you is an understatement, Pau.."

Ngumiti sya sa akin and this time sya naman ang nagbigay ng quick kiss.

"I love you." Sabi nya

"I love you more." Sagot ko.

That night tinulungan ko si Paulo sa mga dadalhin nyang personal belongings para sa trip nya to US under Sony. Naimpake naman na yung wardrobe nya sa office kaya yung mga personal na need nyang dalhin na lang ang inaayos ko.

"Bukas din yung byahe nyo pa Vigan di ba, para sa shoot ni Ken?" Tanung nya sakin habang ako eto naglalagay ng gamit nya sa maleta.

"Oo, kaya di kita masasamahan pa airport.."

Finding You My Symphony || SB19 PABLOWhere stories live. Discover now