CHAPTER 18 - INFINITY

37 1 0
                                    

LIV

"Grabeng gandang babae naman neto! Kaya naman di pinakawalan ni Pau e." Bati ni Stell sakin,

Nahihiya ako kasi kanina pa ko nakakarinig ng compliment sa kanila. I'm wearing a Designer Liberan silver dress for tonight's event, ayoko sana pero mapilit si Paulo. Nakikita ko naman sya ngayon sa mirror habang inaayusan na nangingiti sakin.

"Titig na titig nga si Pau oh!" Pang aasar ni Josh na katabi din ni Paulo.

"Now lang kasi nagdress si Liv, yan tuloy tulo laway si Pau." Tawa ni Justin. Nahiya naman si Paulo kaya binato nya ng hawak nyang throw pillow si Justin

"Tumigil nga kayo" saway neto na halatang nahihiya, napapatingin pa sya sakin sabay babawiin.

"Liv, ang ganda mo talaga, ga." Bati ni Ken sabay hawak pa sa kamay ko na parang prince na humalik sa kamay ko.

"Hoy! Suson!" Inis na tawag ni Pablo, gusto nyang tumayo pero pinigilan sya ni Mama Mac na nag aayos sa kanya kaya di sya nakaalis. Tawa naman ng tawa ang iba pati ako at etong si Ken. Halatang nag inis din e.

"Selos na selos! Hahaha" tawa ni Stell.

"Mama Mac, sawayin mo nga si Suson!" Pakampi neto na parang bata, samantala si Ken tawa ng tawa sa tabi ko.

Alam kong magchochona mode na naman to mamaya kaya nilapitan ko na lang sya bago pa lumala ang tantrums.

"Paka seloso mo naman." Ngiti ko dito habang nakatayo sa gilid nya paharap sa kanya.

Ngumiti naman sya sakin, sabay hawak sa kamay kong hinalikan ni Ken at ini-sprayhan ng alchohol habang nakatingin kay Ken sa salamin. Parang bata talaga.

"Hahahaha! Para kang bata, Nase!" Tawang tawa ni Stell.

"Hoy, Suson, mag girlfriend kana para lumabayan mo girlfriend ko." Banta nya.

"Eh, ayoko nga." Tawa ni Ken na nagpainis kay Pablo at tawa naman sa amin.

"Wag ka nang lalapit kay Ken. Baka agawin ka sakin." Mahinang bulong nya sakin. Hinawakan ko naman ang kamay nya pabalik.

"Di ako papaagaw wag kang mag alala." Ngiti ko sa kanya.

"Pau, maya kana bumakod, di ako matapos sa likot mo!" Galit ni Mama Mac sabay kindat sakin,

Ngumisi naman si Paulo na parang bata kasi pinaka ayaw din nyang napapagalitan kaya bumalik na muna sya sa focus.

The night has been so good, nakakatuwa na ang dami na nilang endorsements and new brands na kumukuha sa kanila as ambassadors, sobrang proud talaga ako. Syempre kahit na I'm on a gorgeous dress, I still do my job to take photos and videos para sa socmed updates and album for SB19.

Nakita ko din dito si Eliz and also si Mama. Pero I do everything para maiwasan sila. Mabuti at maraming tao kaya madali para sa akin ang umiwas.

"Kumain kana?" Di ko napansin na nasa gilid ko na si Paulo, maraming media ngayon dito kaya mas kinakabahan ako na baka may makakita sa amin.

"Don't be too obvious, Liv. Maging casual ka lang.. ano, kumain kana?" Tanung nya ulit. He keeps the distance between us. Siguro na pansin nya na nailang talaga ako. Ayoko mag cause ng scene.

"Hindi pa."

"Come, let us get some food, then maupo na tayo with the team." Yaya nya sakin, nauna syang maglakad papunta sa buffet area, grabe sobrang manly nya tingnan, inabutan nya ko ng pinggan na mabilis kong kinuha, baka may makakita pa e.

"Tss" usal naman nya.

Nagsimula na syang kumuha ng pagkain at yun na din ang ginawa ko. Pero hangga't maaari lumalayo talaga ako sa kanya, kahit nagkakabungguan na kami sa pagkuha, na sya namang pag ngiti nya. Nakakaloko talaga tong isang to.

Finding You My Symphony || SB19 PABLOWo Geschichten leben. Entdecke jetzt