::CoaTHR:: Confessions of a (Trying Hard) Rockstar Chapter 3: What the--???

160 3 0
                                    

Chapter 3: What the--???

Back to reality...

♫♪ I was driving down on the 101

It was late at night and I was thinking ‘bout the things I’d done

All of my regrets and, baby, all of my fears

I was slipping the car from gear to gear to gear

Hey hey hey♫♪

Napatingin ako kay Caleb. He was watching me intently. Nawala ako bigla. Ang dami kong naramdaman. Kinilig ako. Naasar ako. Nawala ako sa sarili ko. Gusto kong tumalon. Gusto kong umiyak. Lahat yun sabay sabay. After all, I still have feelings for him.

“Sorry. Can we do that again.” Di na ko tumingin ulit sa kanya hanggang di natatapos yung kinakanta ko. Bad trip kasi. Ano ba tong nararamdaman ko?

“Pahinga muna tayo.” Sabi ni Jayden after 30 minutes.

Pumasok si Nate para kumuha ng chips at iced tea. Si Jayden kausap si Eli, guitar stuff dun sa mga kanta. Si Ava, busy sa cellphone. Kausap yata si boyfriend. Ako nakatunganga pero di nagpapahalata na kinakabahan.

“Hi Mia.” Yun nga nga ba ikinakakaba ko. Lumapit na nga si Caleb.

“O baket?” Sinungitan ko na lang para di ako mahalata.

“Bakit ang sungit mo naman? Anong bang ginawa ko sa’yo?”

Napataas na lang kilay ko sa tinanong nya. Anong ginawa nya? Di ba nya alam? You broke my heart, you friggin’ asshole. Di mo alam yun? Ang engot mo naman pala. Like 2 years was not a long time. OO BITTER PA RIN AKO. Bad trip ka kasi.

“Huy, Mia. Magsalita ka naman.”

I composed myself and answered him. “Wala. Hi din.”

“Mia, I really missed you. I’m so sorry.” He hugged me after he said that.

Sobrang nagulat ako ginawa nya. Napatulala na lang ako. Biglang naging blangko utak ko. WHAT THE-- ano na namang kalokohan to Caleb?

He let go of me. “I was meaning to do that a long time ago but I was scared. Di ko alam kung paano magso-sorry.”

Di pa rin ako makapagsalita. -------------- Parang puro dash lang ang nasa utak ko. Ang weird.

“Aren’t you gonna say something?”

Nakatitig lang ako sa kanya. Nakabuka ang bibig. Pag may lumipad na langaw panigurado shoot yun. Bwiset naman o. Pangalawang beses na kong natutulala sa kanya. Para lang akong tanga.

“Mia naman eh.”

Biglang may yumugyog sakin. Si Ava. “Hoy Mia! Na-stroke ka na ba dyan?”

Dun naman ako natauhan. “Gagi!” Sabay hampas. (Ang pisikal ko yata...XD) “Dun ka nga muna!”

“Sigurado ka? Mamaya maging estatwa ka na naman dyan.”

Nilakihan ko na lang sya ng mata. Effective. Umalis nga sya. Ngayon naman, kailangan ko na naman harapin si Caleb. Lord, help me. Wala na din ako magagawa.

“Ano bang kailangan mo Caleb?” Alam kong naka move-on ka na dati pa. Alam kong may girlfriend ka. Bakit ginugulo mo na naman isip ko?

“I’m really sorry about what happened. Di ba pwedeng maging okay tayo?”

“Fine. I accept your apology but it will take more than this for us to be okay. This changes nothing.” Ginawa mo nang bato ang puso ko. Kahit gusto kong maging okay tayo para mahirap yata yun.

“I know. I will do whatever it takes. Can we at least be friends?”

“Okay but don’t expect me to be there every time you need me. I don’t trust you enough yet.” Well, kahit ginawa mong bato puso ko, may konting soft spot pa rin sayo. Nakakainis ka.

“I understand.”

Dun natapos ang moment namin ni Caleb.

 _____________________________________________________________________________

*Please like/comment/vote/tweet or whatever. Just let me know that someone reads/appreciates what I'm writing. Thanks guys! <3

**I would really appreciate kung magcocomment kayo. Para alam ko yung feedback and what you think about what I'm writing. Salamat. =)

::CoaTHR:: Confessions of a (Trying Hard) RockstarWhere stories live. Discover now