::CoaTHR:: Chapter 23: Eto na Yun Oh!

108 2 2
                                    

This is dedicated to Alesana_Marie another story na binabasa ko kahit busy sa work, stress reliever din itey. =)

______________________________________________________________

Chapter 23: Eto na Yun Oh!

        Nang makaalis na kami, dumerecho kami sa bahay para magparty. Syempre kailangan magcelebrate. Nanalo yata kami! Woohoo!

        Nag-inuman kami at kagaya ng dati, nalasing na naman silang lahat including Led na hindi naman nalalasing kapag nag-iinuman kami.

        Bumaba ako sa kitchen at nakita ko dun si Jayden.

        “Jayden. Akala ko nasa taas ka.” Ay ang tangang tanong. Andito nga sya oh. Di bale tipsy naman ako kaya may rason sa tangang tanong. Hahaha!

        “Kumuha lang ako ng coffee.” At pinakita nya sakin yung mug ng kape.

        “Lasing ka?”

        “Hindi naman. Okay lang. Ikaw?”

        “Medyo lang. Hahaha! Talo natin sila. Sila lasing. Hahaha!” Hala! Bakit ako tawa nang tawa? Wala namang nakakatawa.

        “Lasing ka.”

“Hindi ako lasing. Natatawa lang ako. Hahaha!”

Nilapitan nya ako at pinaupo sabay inabot sakin ang kape.

“Inumin mo na to nang mahulasan ka.”

“Hindi naman ako lasing.” Pero kinuha ko pa rin yung kape at ininom ‘to.

“Gusto ko kasi pag sinabi ko sayo tong sasabihin ko sayo eh yung maaalala mo. At yung hindi ka ganyan.”

“Eh bakit ikaw ganyan?” Ha? Ano daw sabi ko?

“Pampalakas loob lang. Pero okay ako. Ikaw ang inaalala ko.”

“Eh bakit ang seryoso mo naman. Hahaha! Lalo kang guma-gwapo eh. Hahaha!” Ano bang sinasabi ko?

“Inumin mo na yang kape Mia nang mahulasan ka.”

Kahit medyo lasing na ako at kung anu-anong pinagsasasabi ko, naintindihan ko naman sya. Ininom ko na yung kape at tumigil sa kakatawa.

Hinintay nya lang ako na mahulasan at nagsalita na sya.

“Okay ka na ba? Nahihilo ka ba?”

“Hindi na masyado. Okay na ko. Sorry ha.”

“Saan naman?”

“Kasi para akong sira ulo kanina.”

“Okay lang yun. Basta siguraduhin mo na kapag ganon ka, ako ang kasama mo, hindi kung sinu-sino lang. Mahirap na.”

“Yes, boss!” tapos sumaludo pa ako sa kanya.

“Akala ko ba okay ka na? Bakit parang lasing ka pa rin.”

“Di na po. Okay na ko. Promise!”

“Ang kulit mo talaga. Haha.” Uy tumawa sya.

“Ikaw kasi eh, pinapakaba mo ako eh.” Ako? Pinapakaba sya? Ano naman yun?

“Pinapakaba? Nagpapatawa ka naman eh. Sabi mo di ka lasing pero kung anu-anong sinasabi mo.”

“Totoo naman” sabay kinuha nya yung kamay ko at inilagay sa dibdib nya. Hala!

LUB-DUB-LUB-DUB… wait lang, puso nya ba yun o puso ko? Parang lumakas din ang tibok ng puso ko ah.

“Mia, mahal kita.” Sinabi nya yun habang hawak nya ang kamay ko sa dibdib nya. “Etong puso ko, ikaw ang dahilan bakit sya tumitibok ng ganyan. Kapag nakikita kita, para akong di makahinga dahil sa lakas ng kaba ko.”

Natameme ako sa sinabi nya. Natahimik din sya pagkatapos nyang sabihin yung mga yun. Ilang segundo lang ang lumipas pero parang ilang oras yung dumaan. Nagkatitigan lang kami, parehong di alam ang sasabihin sa isa’t-isa.

“Jayden… mahal din ki--”

Di ko na natapos yung sinasabi ko, hinalikan nya na ako. Tapos kinuha nya ang cellphone nya ta nagtext. How weird.

“Anong ginagawa mo?”

“Just wait.” Sabi nya sakin ng nakangiti.

Tapos tumunog yung phone ko. Text message.

------------------------------

From: +639123456789

Now you know who I am.

I love you.

Options                 Close

------------------------------

“It’s you.” Sabi ko sa kanya. He’s my sweet stalker.

He just smiled and held my hand. At hindi ko din mapigilan na hindi ngumiti sa revelation na ito.

Kamu telah mencapai bab terakhir yang dipublikasikan.

⏰ Terakhir diperbarui: Feb 25, 2012 ⏰

Tambahkan cerita ini ke Perpustakaan untuk mendapatkan notifikasi saat ada bab baru!

::CoaTHR:: Confessions of a (Trying Hard) RockstarTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang