::CoaTHR:: Chapter 22: Almost there...

112 1 2
                                    

This is dedicated to aril_daine dahil kahit sobrang busy ko at stressed sa work, nagagawa ko pa din mabasa yung story nya. stress reliever itey. =)

 A/N: sorry guys sa sobrang tagal na update. i will really try my best to update sooner. schedule's pretty hectic. pero na-miss ko to ng sobra.

________________________________________________________________________

Chapter 22: Almost there…

Nakita kong papalapit si Caleb. As much as possible I want to evade the drama. Ayoko syang makitang lumalapit o kausapin pa ako. Kalimutan ko na lang ang lahat ng nangyari basta wag nya na lang ako pakielaman pa. Di ko na kailangan ang apologies nya.

Bago sya nakalapit, hinila na ako papalayo ni Jayden. Napasunod na lang ako at napatingin sa kanya.

“Dito na lang tayo.” Sabi ni Jayden.

“O-okay” sagot ko.

Ilang minute din kaming hindi nag-uusap ni Jayden kaya di ko na napigilang magtanong.

“Bakit mo ko dinala dito?”

“Bakit? Gusto mo ba don?”

“H-hindi syempre. Gusto ko lang malaman”

“Kasi di ko na kaya makitang nasasaktan ka pa nang dahil sa gagong yun.”

Natameme na lang ako sa sinagot ni Jayden.

SILENCE…Nakakabingi, Anubayan!

Di ko na kaya to… “Jay--”

“Mia”

Nagkasabay pa kami magsalita.

“Sige ikaw na mauna.” Sabi ni Jayden.

“Hindi. Ikaw na lang.” Bigla naman akong nahiya sa itatanong ko. Gusto ko sana itanong kung ano na ba talaga ang meron samin. Hay ewan.

“Sige. Kasi gus-”

*ring-monster-ring*

Napapikit na lang ako. Wrong timing tong tumatawag na to. “Sorry Jayden, wait lang. Si Nate.”

“Sige.”

(Mia, san na kayo? Tinatawag na tayo.)

“Sige wait lang, pabalik na kami.”

(Ok. Bye.)

*click*

“Hinahanap na daw tayo dun Jayden.”

“Ah ganon ba? Tara balik na tayo.”

“Ano pala muna yung sasabihin mo?”

“Ah, mamaya na lang. Di naman masyado importante yun. Tara na baka mag-a-announce na ng winner kaya hinahanap na tayo.” Napansin kong habang sinasabi nya yun eh parang hesitant pa din sya bumalik at parang may gusto pa din sabihin. Eh kadalasan naka poker face lang tong si Jayden.

“Ok. Tara.”

Nung pabalik na kami, napapaisip tuloy ako kung ano yung sasaihin nya. Nakaka-bother kasi.

Sinalubong kami ni Eli. “Ano pre? Sinabi mo na?”

Napataas ako ng kilay tapos tumingin kay Eli tapos kay Jayden? “Huh?”

Inakbayan ako ni Jayden at dinala papasok. “Wala yun. Wag mo intindihin yan si Eli. Imbento yan.”

Nadadala nya ako papasok pero nakatingin pa rin ako kay Eli na ngayon naman eh tawa ng tawa. “Anong problema nun ni Eli?”

::CoaTHR:: Confessions of a (Trying Hard) RockstarKde žijí příběhy. Začni objevovat