::CoaTHR:: Confessions of a (Trying Hard) Rockstar Chapter 12: Eavesdrop

96 2 0
                                    

Chapter 12: Eavesdrop

“Huy!”

“Ay putragis ka!” Napahawak ako sa dibdib ko. Sino ba yun?

“Bakit antagal mong pumasok?” Pagtingin ko, si Nate pala.

“Eto naman, nag-i-inner monologue pa ako eh. Eh bakit andito ka?” Nakakapagtaka naman tong taong to, kanina lang kami magkasama tapos umalis lang ako ng ilang oras, andito na naman.

“Wala lang, bawal ko bang puntahan ang best friend ko?”

“Weh? Yun ba talaga dahilan?”

“Syempre hindi. Di naman kita mamimiss eh.”

“Ah ganon? Upakan kaya kita?”

“Eto naman di ako pinapatapos. Di kita mamimiss kasi andito ka lang lagi sa tabi ko. Lalo na sa mga panahong ganito ako.”

“Bakit nga? Anong nangyari sayo?”

“Tignan mo ang mga bituin? Ang ganda diba?” tinuro pa nya yung langit.

“Hoy! Ano ba? Anong problema mo? Para kang timang dyan!”

“Bakit? Hindi mo ba naaappreciate ang mga bagay bagay sa paligid mo?”

“Ay putcha! Best, nagda-drugs ka ba?”

“Tapos yung buwan, ang liwa-liwanag. Ang ganda!”

“Ayun! Bilog ang buwan kaya ka nagkakaganyan.”

“At ang ulap! Parang ang lambot-lambot! Pwede nang yakapin sa pagtulog.”

“ANUBANEYT! Ang ligalig mo! Bakit ka nga nandito?” Nasisiraan na ng bait ang best friend ko. Hay.

“Eh kasi...” bigla naman syang nalungkot. Hay naku! Panalo sa mood swings.

“ANONGA?” nababadtrip na ko. Ayaw pa kasi sabihin.

“Hahahahaha! Ang pikon mo talaga. Hahahaha!”

“Hay naku, bahala ka nga dyan!” makapasok na nga ng bahay baka mahawa pa ko sa kabaliwan nitong taong to.

“Eh, Mia. San ka pupunta? Wag mo ko iwan dito. Niloloko lang naman kita eh. Ano kasi. Basted ako.”

“Ayun! Edi sinabi mo din. Ganyan ka pala pag nababasted. Nasisiraan ng bait.”

“Di no. Ngayon lang. Ngayon lang ako nabasted. Dahil ngayon lang ako nagkalakas ng loob na manligaw. Eto parang hindi alam. Parang hindi best friend eh.”

“Excuse me Nate, hindi ka naman nagsasabi dyan. Kung di ko pa nalaman kay Jayden, edi wala pa rin akong alam hanggang ngayon.”

“Tara sa Java Ave.” yaya ni Nate.

“Eto naman, kakadating ko lang, aalis na naman ako. Tsaka uminom na ko kanina.”

Nag-pout sya. Okaaaayyyy!!!! Si Nate nag-pout.

“Best, may Multiple Personality Disorder ka ba? Last time, ang warfreak mo. Kanina parang naka-drugs. Ngayon naman di ko  maintindihan kung nagpapacute ka na nagpapaawa o nag-iisp bata.”

“Sige na, best. Tara na.”

“Fine!”

Pagdating namin sa Java Ave, derecho kami sa bar at umorder ako ng Strawberry Daquiri, si Nate naman, tequila shots, tatlo agad. Nung dumating yung order namin, sinunod-sunod nya yung tatlong tequila shots at umorder ng tatlo pa ulit. Hala! Magpapakalasing pa to.

“Bakit ganon sya? May iba pa palang nanliligaw sa kanya. Tapos malalaman ko na lang na yung isa pang yun ang sinagot nya. Ano ba naman yun best? Nagmuka akong gago eh.” Pasuray-suray nyang sinabi. Wait tama ba pasuray-suray? Basta yung salita ng lasheng.

“Dapat nung simula sinabi na nya nang hindi ko na lang sya niligawan. Ngayon nga lang nagkalakas ng loob.” Derecho lang sya sa pagkukwento.

“Ganon ba talaga mga babae? Wait, hindi ka naman ganon. Bakit sya ganon? Tapos ikaw ganyan? Hindi pareho nya...” salita pa sya ng salita pero wala na ko maintindihan sa sinasabi nya.

Kinuha ko na yung cellphone ko at tinawagan si Jayden.

(Hello? Mia? Bakit?)

“Si Nate. Lasing.”

(Sino kasama nyo?)

“Kami lang. Baka pwede mo kaming puntahan? Di ko to kayang buhatin eh. =( Di ko pa naman dala yung kotse.”

(Nasan ba kayo?)

“Dito sa Java Ave. Baka pwede mong daanan yung kotse sa bahay para hindi tay mahirapan dito.”

(Sige. San susi?)

“Nasa table sa kwarto.”

(Okay. Alis nako.)

“Okay. Thanks Jayden.”

Maya-maya dumating na si Jayden. Nauna na sila lumabas. Inalalayan pa ni Jayden si Nate. Binayaran ko na yung mga nainom namin. Nung palabas na ko...

“Pre, ayoko na.”

Huh? Boses ni Caleb yun ah.

“Anong ayaw mo na? May pustahan tayo.”

Boses naman ni Juls yun. Alam kong mali making pero nakinig pa din ako. There’s something fishy and parang alam ko kung anong pinagtatalunan nila.

“Wala naman yang bet na yan eh. Napagtripan mo lang ako nun at bored ako kaya pumayag ako dun sa walang kwentang bet na yan eh.” Sabi ni Caleb.

“A bet’s a bet. Kung ayaw mong malaman ni Mia tong kalokohang to. You have to finish what you started.”

“Wala naman akong mapapala dyan sa bet na yan eh.”

“Walang mapapala? Ikaw din naman masisiyahan sa napag-usapan natin eh.” Nangingisi nyang sinabi.

“If you think I’ll disrespect her like that, nagkakamali ka.” Pabulong nyang sinabi kay Juls.

“You just have to get laid.”

“Basta ayoko na.”

“Fine. Tomorrow Mia will know everything.”

“Subukan mo lang. Then you’re out of the band.”

“You wouldn’t dare. Tayo bumuo ng band na to tapos patatalsikin mo ko? Tapos ilang araw na lang ang battle of the bands na. Itatapon mo lang pinaghirapan natin dahil sa isang babae?”

“Di sya basta-basta. Ngayon ko lang na-realize na mali yung ginawa ko dati. At di ko na gagawin pa ulit yon. Kaya you will not tell her.”

Umalis na ko. Baka mamaya makita pa nila ako.

::CoaTHR:: Confessions of a (Trying Hard) RockstarWhere stories live. Discover now