::CoaTHR:: Chapter 18: Naman!

114 2 0
                                    

 dedicated ito sayo bunso! XD

A/N: sorry ang tagal ng update...super busy talaga...i'll try to post an update again tomorrow. =) ahihi...thanks sa mga nagbabasa at nagsusuport. ♥♥♥

<-----------------vote/like ha? thanks. ♥♥ at tsaka comment na din sa baba...thank you! XD

Chapter 18: Naman!

Nakatulog ako ng mahimbing that night. At sa sobrang kahimbingan, pagtingin ko sa orasan 9:20 na ng umaga. Late na ako ng 20 minutes sa klase ko at meron akong 3 messages from Ava.

Message 1:

------------------------------

From: Ava

Gudmorning Best! Wat

tym ka papasok?

Options                 Close

------------------------------

Message 2:

------------------------------

From: Ava

Best, san ka? Pasok k b?

Options                 Close

------------------------------

Message 3:

------------------------------

From: Ava

Best, you're late na.

Options                 Close

------------------------------

Pagkabasa ko nung last message, tumunog ulit yung cellphone ko.

------------------------------

From: Ava

Best, nagquiz. D ka na

umabot.

Options                 Close

------------------------------

Kaya nagreply ako agad sa kanya.

------------------------------

To: Ava

Sori Best ngaun q lng nbsa.

Kakagcng q lng. =|

Muntik na ko masobrahan..

Options                 Close

------------------------------

Maya-maya, tumawag sya.

"Ava! Bakit tumawag ka pa?"

(Kasi wala nang klase. Nagquiz lang. Hehe)

"Ayos. Buti na lang.”

(Yung article daw ilalagay na lang sa pigeon hole ni Sir.)

"Okidoki."

(Okay. Papunta na ko dyan.)

"See you.  Bye."

(Bye.) *click*

Mga after 10 minutes dumating na si Ava.

"Mia, dito na ko. Tara kumain!" sigaw nya pagkapasok ng kwarto.

So, nagpunta kami sa LB Square para kumain.

Habang kumakain, may napansin sya sakin.

"Bakit pangiti ngiti ka dyan?"

"Wala lang. Good Vibes lang ako."

"At sino naman ang dahilan? Yihee."

"I really don't know who he is."

"Huh? Inlove ka?"

"Parang..."

"So, inlove ka sa taong di mo kilala?"

"Not exactly. Sabi niya kilala ko na daw sya."

"Eh sino daw sya?"

"Ayaw pa nyang sabihin kung sino sya."

"Hala! May stalker ka best."

"Oo ata. Pero feel ko din na kilala ko sya. Kasi nung kinantahan nya ako kagabi parang familiar yung boses nya."

"Si Led?"

"No, it's not Led. And yung hindi pagsasabi kung sino sya, hindi si Led yun. Alam mo naman yung pinsan mo, pag may gusto pinapaalam nya agad."

"Then who might that be?"

"I dunno. An angel-voiced-sweet-stalker."

Okay, so time for our last practice tapos nagpunta na kami sa Java Ave dahil dun yung venue ng battle of the bands.

Tinignan namin yung line-up and kami yung last performer.

After kong tignan yung line-up, tumalikod na ko para umalis. Pag talikod ko, naka face-to-face ko si Caleb.

Nagkatitigan kami.

*awkward silence*

Tinanggal ko na tingin ko sa kanya kasi baka mawala yung pagka good mood ko. Nafi-feel ko na pati na parating na si BV.

Palakad na ko nang marinig ko sya magsalita.

"Good luck." sabi ni Caleb.

Ngumiti ako ng maliit. "Thanks. Good luck din." di ko na hinintay kung sasagot pa sya. Umalis na ako.

Bumalik na ako dun sa lugar ng band namin. Actually, nasa isang medyo malaking room lang kami dito. Kasama namin yung ibang bands at kasama namin yung band ni Caleb. Syempre nandon din si Juls.

Medyo nakakailang lang kasi magkakasama kami sa isang roon. Well, kahit madaming tao, I can still feel a different aura. Parang may invisible barrier. At parang may entity na gustong makalagpas dun sa invisible barrier na yun.

“Kaya mo yan Mia. Don’t let bad vibes get to you.” Bulong ko sa sarili ko.

“Oo nga, Best. Lalo pa ngayon na parang tinutunaw ka sa tingin ng ex mo.” Bulong sakin ni Nate na apparently, nadinig pala ang pagkausap ko sa sarili ko.

“Wag mo nga ako guluhin Best. Kinakalimutan ko na nga na may mga masamang elemento tayong kasama dito eh.”

“Hahaha! Sabi ko nga Best. Pero I know you can do it.”

“Magandang gabi! Wow! Sobrang dami ng tao dito ngayon ah...” may nadinig kaming nagsasalita sa mic sa labas ng room.

“Uy, mukang magsisimula na ah.” Sabi ni Eli.

“Oo nga.” Sagot naman ni Ava.

Si Jayden, tahimik lang dun sa isang tabi at nakapikit na parang walang inaalala. Wala lang para lang sya nasa bahay na nagrerelax.

“Kinakabahan ako.” Sabi ko.

“Normal lang yan. Pero kaya natin to.” Salita ni Jayden dun sa isang tabi pero nakapikit pa rin sya.

“Overconfident tol?” sabi ni Nate sa kanya.

Tumayo si Jayden at dumaan sa tabi ni Nate tapos tumigil sa tabi ko at hinawakan yung dalawang balikat ko. “Syempre. Secret weapon to o.”

Ay grabe, lalo ako kinabahan nung lumapit sya sakin. Pero hindi dahil sa battle of the band kundi dahil sa kanya. Napatingin ako sa kanya na sya namang sabay na napatingin sya sakin.

“Ang lagkit magtinginan, ayaw naman mag-aminan.” Biglang hirit ni Eli. Napa-iba tuloy kami ng tingin. Di namin namalayan na di lang pala saglit yung tinginan namin. Grabe kabog ng puso ko don.

Binatukan ni Ava si Eli tapos nadinig ko sya bumulong kay Eli. “Panggulo ka din eh.”

Natatawa na lang si Nate dun sa pwesto nya.

Dinaan ko na lang din sa tawa kahit super kabog pa din tong puso ko. Bakit ba ayaw mong tumigil? Ano bang problema mo? Tama na kakakabog mo dyan.

Habang inaawat ko yung puso ko sa kanyang hyper activity, naramdaman ko na lang na parang may nakatitig sakin...

::CoaTHR:: Confessions of a (Trying Hard) RockstarWhere stories live. Discover now