::CoaTHR:: Confessions of a (Trying Hard) Rockstar Chapter 11: Doubts...

84 2 0
                                    

Chapter 11: Doubts...

Pagdating ko sa bahay, dumerecho ako sa studio. Dun ako mag-iisip ng evil plan. Makikita nya. I need some people to help me with this plan.

I called Ava and Nate. I need to tell them what I heard. Nung makarating na sila sa bahay, kinwento ko sa kanila yung nadinig ko kanina. I also told them my plan. Mukang galit na galit si Nate. Tumayo sya bigla at tipong lalabas na ng studio. Pinigilan ko sya.

“Where are you going?”

“To teach those assholes a lesson.”

“No Nate. Remember the plan.”

“Fine.” Nagpipigil na sabi nya. “Pero kailangan natin makausap si Eli.”

“Oo nga. Baka may alam sya tungkol sa bet na yan.”

“Sabi ko na nga ba. There really is something fishy. Hmmm...may naalala lang ako. Diba si Juls yung nagsabi sakin na pupunta si Caleb sa jamming natin nung una syang nagparamdam sayo?” sabi ni Ava.

“Hmmm...oo nga. Tapos kasama sya ni Eli that night.” Sabi ko naman.

Dahil may practice kami that afternoon, dumating na sina Jayden at Eli. Before kami nagsimula sa practice, tinanong namin ni Nate si Eli. Si Ava naman sinabi kay Jayden ang nangyari.

“Dude, may itatanong ako sayo. Don’t even bother lying.” Sabi ni Nate kay Eli.

“Pre. Anong problema?”

“Bakit sumama sa si Caleb nung first time na pumunta sya sa practice? May sinabi ba sya sayo?” tanong ko.

“Hmmm...wala naman. Nagulat din ako nun eh. Basta nagpumilit lang sya sumama.”

“Are you sure?” tanong ko.

“Oo naman.”

“Do you know anything about a bet?” tanong ni Nate na obvious na nagtitimpi.

“What bet?”

“Juls’ and Caleb’s bet.” Sagot ni Nate.

“Nope. Never heard of it. Ano daw yang bet na yan?” tanong ni Eli. Muka syang clueless.

Naniniwala ako sa kanya. Pero hindi ko inaasahan ang ginawa ni Nate. Hinawakan nya sa kwelyo si Eli. Napatingin sina Jayden at Ava kay Nate at Eli.

“Wag mo kaming pinaglololoko. Siguraduhin mong totoo yang sinasabi mo.” Sigaw ni Nate kay Eli.

“Nate. Tama na.” pigil ko kay Nate.

“Pre, ano ba? Wala nga akong alam dyan.”

“Tol tama na. Bitawan mo na si Eli.” Pumigil na din si Jayden.

Binitiwan na ni Nate si Eli. “Pre, pasensya na. Gago kasi yang kaibigan mo eh.”

Dahil sa nangyari, di na kami nakapagpractice. Sa totoo lang nakakatakot si Nate. Ngayon ko lang sya nakita na ganon ka-galit. I have to talk to him.

Umuwi na sina Eli at Ava. This is the time to talk to him.

“Nate, please calm down. ”

"How can I calm down? Ginagago ka nung lalaking yun."

"Nate, okay lang ako. Akong bahala dun. Just ignore him."

"Fine. Pero pag may ginawa pa sila di mo na talaga ako mapipigilan."

"Sure Nate. Tulungan pa kita. For now, trust me."

The following day...

Today is the day that I will start making Caleb Tan regret what he did. Magsisisi ka. Bwahaha! *evil laugh*. Grabe, parang ang sama ko lang ah. Hehehe.

::CoaTHR:: Confessions of a (Trying Hard) RockstarWhere stories live. Discover now