::CoaTHR:: Chapter 13: My Knight in Shining Armor

135 2 4
                                    

Chapter 13: My Knight in Shining Armor

Palabas na ko nang makasalubong ko si Jayden.

"Saan punta mo?" Sabi ko sa kanya.

"Hahanapin ka." sagot nya.

"Tara na." baka makita nila ako.

Napalingon si Jayden sa may gilid at napatitig lang sya don. Tinignan ko kung san sya nakatingin at nakita ko si Caleb. Hindi nya pa kami napapansin.

Kasunod nya si Juls. Napalingon sya sa kinatatayuan namin ni Jayden at ngumisi sya. Bigla syang nagsalita ng malakas. "Caleb! Walang bawian sa pustahan. Si Mia lang naman ang mawawalan, hindi ikaw." Nakangisi pa din sya at nakatitig sa kinatatayuan ko. Alam nyang nadinig ko.

Napalingon kay Juls si Caleb. Feeling ko tinapos na nila yung usapan kanina pero nung nakita ako ni Juls, ginawa nya yung threat nya kay Caleb, ang malaman ko yung bet.

Nang mapansin ni Caleb na hindi naman sa kanya nakatingin si Juls, sinundan nya yun tinitignan nito, at syempre nakita nya ako. Nanlaki yung mga mata nya. Para lang syang matigas na bato, di na sya nakagalaw.

Nakatingin lang ako sa kanila, walang reaksyon. Yung akala kong nararamdaman ko kay Caleb ay tuluyan nang naglaho. Napalitan ng manhid. Aalis na sana ako pero nung hanapin ko si Jayden, wala na sya.

*boogsh*

Tumingin ako sa pinanggalingan nung tunog. Mukang may sinuntok. Pagkakita ko, nasa sahig na si Juls at nakatayo na don si Jayden.

Palapit na ko nang biglang

*boogsh*

Si Caleb naman ang humandusay sa sahig. Napatakbo na ko papunta kay Jayden. Hindi nakatayo yung dalawang sinuntok nya. Mga gagong yun, yan napapala nila.

Nagsimula na maglakad palabas ng Java Ave si Jayden. Hinawakan nya ang kamay ko at umalis na kami. Hanggang makarating kami sa sasakyan, hindi na umimik si Jayden.

Pagdating sa sasakyan, nakahiga na sa may likuran si Nate. Mukang nakatulog na sya.

“Okay na yan. Di na magliligalig yang si Nate. Tara na” kalmado lang syang nagsalita pero halatang mainit pa rin ulo nya.

“S-sige.”

Sumakay na kami sa sasakyan at pinaandar na nya.

“Thank you nga pala.”

Tinignan nya ako saglit sabay nagsalita sya ng nakatingin sa daan. “Wala yun. Basta kahit anong mangyari po-protektahan kita.”

Nakatingin lang ako sa kanya. “Salamat ulit.”

Ngumiti lang sya.

Pagdating namin sa kanila, ginsing ko na si Nate. “Nate, gising ka muna nang makahiga ka na sa kama mo.”

“Hmmm...” sagot nya.

Inalalayan na namin sya ni Jayden pero bago kami nakapasok ng bahay nagsuka sya. Kaya nagpunta sya dun sa may gilid, sa may mga halaman at dun pinagpatuloy ang pagsuka.

*insert SFX ng nagsusuka hehehe*

Maya-maya pa, natapos na sya. Hinubad namin ni Jayden yung shirt ni Nate kasi nasukahan nya yun at ambaho! Nung mukang kaya na ni Nate ulit gumalaw, dinala na namin sya sa kwarto nya. Binihisan sya ni Jayden habang ako naman ay nagtimpla ng kape at kumuha ng pamunas para sa mukha nya.

Ininom ni Nate yung kape at nakapahinga na din sya.

“Ano bang nangyari at naglasing yan?” tanong ni Jayden sakin.

“Nabasted nung nililigawan nya. Para pa ngang ewan yan kanina. Kung anu-ano pang pinagsasabi bago ko nalaman kung bakit nagpunta sa bahay tapos nung nakainom na, tsaka na nagkwento. Tsk. Kawawang nilalang.”

“Tsk. Basted.” Napailing na lang si Jayden. “Ikaw? Okay ka lang?”

“O-Oo naman.”

“Nag-hesitate kang um-oo.”

“Eh wala. Namamanhid na lang ako. Tsaka alam mo naman na alam ko na yung tunkol sa pustahan diba?”

“Pero?”

“Pero? Anong pero?” Uh-oh...

“May iba kang nararamdaman.” Eh? Pano nya nalaman yun?

“Eh?”

“I can see it in your eyes. Iba yung sinasabi ng mata mo sa sinasabi ng bibig mo.”

“Fine. Akala ko kasi kanina may iba pa rin akong feelings sa kanya. Yun yung nung bago ko nakita si Nate at niyayang lumabas. Kadarating ko lang din kasi nun at kasama ko si Caleb. Pero nagkamali pala ako. Nung narinig ko yung kanina, bigla na lang naglaho.”

“Sinasabi mo lang yan dahil nasaktan ka. Kahit pinipigil mo at isinasawalang bahala mo pag may ibang tao, nararamdaman mo pa rin kapag mag-isa ka na. Hindi mo naman kailangan pigilin eh. Ilabas mo lang. Kasi kapag pinigil mo nang pinigil yan, darating ang point na mapupuno ka na at bigla ka na lang sasabog. Mas mahirap yun. Pwede ka naman umiyak eh. At kung kailangan mong umiyak. Nandito lang ako palagi. Libreng libre ang balikat ko. Kung kailangan mo ng taong ko-comfort sayo. Andito lang ako. Isipin mo na lang ako yung palaging dumadating na knight in shining armor mo. Para sa’yo gagampanan ko yung role na yun. Importante ka sakin eh.”

At dahil sa si sinabi ni Jayden, di ko na napigilan ang pag-iyak.

::CoaTHR:: Confessions of a (Trying Hard) RockstarWhere stories live. Discover now