::CoaTHR:: Confessions of a (Trying Hard) Rockstar Chapter 6: Song in the Making

114 2 0
                                    

*original song in the next chapter. pakinggan nyo po and let me know what you think. thanks!!!!

_______________________________________________________________________

Chapter 6: Song in the Making

May 1 week pa bago ilabas yung result nung screening. Marami pa kaming time para sa composition. Actually madami dami na rin akong naisulat pero wala pang mga tono at chords. Kadalasan ako na mismo yung nag-s-scrap sa sariling gawa ko. Feeling ko, it’s not good enough. So para dito, gagawa ako ng bago. Yung madaming makaka-relate. Yung pwede maging anthem. Yung nakaka-LSS. Yung maganda. Yung sisikat. Yung...WOW! Hahaha! Ang tindi ng pangarap ko sa kanta.

Nakatitig lang ako sa papel. Di ko malaman kung pano ko sisimulan. Ano bang inspirasyon ko? Parang ang hirap. Parang nakakaloko yung mga linya sa papel. Pumikit ako. Di ko namalayang nakatulog ako. Ay bwiset! Kantang WOW pala gusto mo ha? Papel na may laway ang nakuha mo. Bad trip.

Bigla ko naisip si Caleb. Si Caleb...hmmm... Pag iniisip ko si Caleb, di ako makatulog. Naiisip ko yung dati tsaka yung ngayon. Nakakainis. Naiinis ako pero di ko maexplain. Gusto ko sya pero minsan hindi. Magulo. Magulo ang utak ko. Di ko naman masabi kung ano nang kinalalagyan nya sa puso ko. Ang weird. Nagsimula nako magsulat sa papel. Isang linya, dalawang linya. Ay hind yata maganda. Bura. Palit ng linya. Hanggang sa marami rami nakong naisulat.

Pag naba-blangko ako, nagdo-drawing ako dun sa papel. Puro bilog. May kung anu-anong shapes. Hanggang sa nakapagdrawing nako ng bulaklak, ng mata, at kung anu-ano pang guri-guri. Hanggang sa huli, nag daydream na ko.

Pano kaya kung kami ulit? Ganon pa rin kaya kami? Parang nahuhulog na naman talaga ako sa kanya. Ang gulo ng utak ko. Pag wala sya, hinahanap ko sya. Pero pag andyan minsan nakakainis. Namimiss ko kung pano nya hawakan yung kamay ko at kung pano nya ko kinukulit. Waaaaahhhh! Ayoko na isipin yun. Para kong tangi. Tapos na yun eh. Baka mamaya ako na naman tong iiyak iyak.

The next day I texted Jayden. “Jayden, are you free? May ipapakita ako sayo.”

“Yep. Ano yan?” He replied.

“Basta. Andyan ka sa inyo?”

“Yup.”

Anong oras na ba? It’s 5 pm. “Wait mo ko. =)”

“Oryt.”

Maya-maya nasa kanila na ko. Dere-derecho na ko sa garage, bukas naman. Sakto nasa garage sya. Naglalaro ng Guitar Hero.

“Si Nate?” Tinanong ko sya sabay upo sa couch.

“May date.” Pinause nya yung nilalaro nya at tumabi sakin.

“Wow, magkatunog.”

“Kailangan na bang tumugtog?”

“Hahaha! Ang korni.”

“Haha! Oo nga.”

Natatawa pa rin ako. Ang ligalig din nitong si jayden eh. Kinuha ko yung papel na sinusulatan ko kahapon. “Top secret stuff!”

Inabot nya at binasa. “Nice!”

“Whatchathink?”

“Okay ah. May naisip ka na bang tono dito?”

“Medyo. Ganito.” Edi nag-arrange na nga kami nung kanta... After 30 minutes, okay na sya acoustically.

“Ano sa tingin mo?” tanong ni Jayden.

“Ayos na. =D”

“Hmmm. Ayos na nga pero pwede pa natin pagandahin. Padinig natin sa kanila para makapagbigay din sila ng input. Tapos iisipan ko ng lead parts to. Pag-uusapan na lang namin ni Eli bukas kung pano gagawin natin. Tapos yung bass lines ni Ava.”

::CoaTHR:: Confessions of a (Trying Hard) RockstarWhere stories live. Discover now