::CoaTHR:: Confessions of a (Trying Hard) Rockstar Chapter 9: Truth or Kiss?

128 2 2
                                    

Chapter 9: Truth or Kiss?

Pagdating sa bahay, ng-setup na kami sa studio. Hinihintay na lang namin sila kaya tinawagan ko na si Caleb.

“Hey Caleb, are you busy? Congrats, nakapasok tayo sa screening.”

(Hi! Oo nga. Congrats din sa inyo. Eto nga at nakina Juls kami, inuman. Punta ka dito.)

“Ay ganon ba? I can’t. Yayayain din sana kita dito sami. Inuman din. Hehe.”

(Ah okay. Sorry Mia, I can’t come. Anyway, congrats ulit sa inyo.)

“Oryt. Bye.”

(Bye.)

Pagkatapos nung call, sinabi ni Ava na papunta na daw si Led. After a while, dumating na nga si Led.

Habang naghihintay, kumuha ng gitara si Led at tumugtog, maya-maya, kumanta na din sya. Ang cute nya!!! Tapos ang kinakanta pa nya ay One and Only You/Your Song ng Parokya ni Edgar. Feeling ko nagba-blush ko. Waaaah! Di nya dapat mahalata...So, nagpunta ako sa bathroom para maghilamos. Paglabas ko ng bathroom, paakyat na sina Nate at Eli. At kasama din nila si Liam. At may isa pang girl. Sino kaya yun? Pumasok na kami sa studio.

“Oi, andito na kayo. Ang tagal nyo naman.” Sabi ni Ava.

“Hinintay na namin tong sina Liam at Ashley.” Sagot ni Nate.

“Ashley?” tanong ni Ava.

“Yup. Sya si Ashley, girlfriend ko.” Pakilala ni Eli.

AYYYYIIIIIEEEEEEEEEEE!!!!!!!!!!!!!!!!!! Wow! Déjà vu? Pero last time ako yung inaasar nila, tanda nyo pa ba? Anyway, Si Ashley siguro ang girlfriend nya for the week, or isa sa mga girlfriend nya for the week.

“Tara, game na.” sabi ni Nate.

So inuman, ilang rounds pa lang tumba na yung girlfriend ni Eli. Kantahan, inuman, kantyawan. Truth or Dare, nakakaloka. Buti na lang one of the boys kami ni Ava. At buti na lang, di kami maarte. Nakakabwisit kasi na yung ang kainuman mo, andaming arte. Makikipag-inuman tapos aayaw-ayaw pa kunwari, iinumin din naman. Hehe.

Edi yun nga, nag-Truth or Dare kami. Pero Truth muna, pag ayaw sagutin, kikissan mo yung taong nagtanong sa’yo. Babae man o lalaki. Panalo diba? So, dalawang beses papaikutin yung bote. Yung unang tatamaan. Sya yung magtatanong, yung pangalawa, sya yung tatanungin.

Sa unang round, umikot na nang umikot yung bote. Ikot. Ikot pa. Tumigil sakin. Hahaha! Sino kaya ang mabibiktima ko? Pinaikot na ulit ang bote, tumigil kay Nate. Wahahaha! Sakto naman! Hahaha

“Hehe. Nate! Balita ko may dine-date ka. Sino sya? At kelan mo papakilala samin?”

Kantyawan na naman. Kami pa lang pala ni Jayden ang may alam. Hehe. Busted!

“Ah, yun ba? Si Kaylee. Nutri, Sophomore. Classmate ko sa GE.”

Next round, si Eli ang magtatanong at ako ang tatanungin. Errrr...

“Anong status ni Caleb sa puso mo?” Ay! May ganong tanong?

Nahihiya ako kunwari. Blushing. “We’re okay.”

“Wow! Ang vague ng sagot. Si Nate nga o detalyado. Elaborate.”

“We’re dating-ish again. Di ko alam. Hehe. Next na.” Inikot ko na yung bote.

Next round, si Ava yung magtatanong at si Led ang tatanungin.

“Cuz, aside from the exchange student program, may iba ka pang reason kung bakit nandito?”

“Yup. Mia.” Yun lang ang sinagot nya tapos uminom sya ng isang shot.

Ay muntik na kong tapatan ng spotlight. Blush!!!!

“Si Mia?” tanong ni Eli.

“Yup. I like her.” Sagot ni Led. Eh mukang may sasabihin pa sya kaya pinutol ko na yung sasabihin nya. Sumabat nako.

“Oy akala ko ba isang tanong lang? Next na!”

Next round, si Jayden ang magtatanong at si Ava ang tatanungin.

“Naka move on ka na kay Ju--”

“Hep! Don’t say bad words.”

“I guess that answers the question...” sabi ni Jayden.

“Hehehe! Bitter!!!!” pang-aasar ni Nate.

“Balita ko nag-iinuman sila Caleb kina Juuuuu----” lalo pang ginatungan ni Eli.

Nagtakip ng tenga si Ava. “barabarabarabarabarabarabarabarabarabarabarabarabarabara”

“Next na!” sabi ni Ava. Sabay pinaikot na nya ang bote. Si Eli ang magtatanong at si Jayden ang tatanungin.

“Hahaha! Aminan na to! Pre, inlove ka ba? Kanino? Ayiiieeee!!!!”

Tinignan lang sya ni Jayden. Natatawa sya pero mukang hindi bibigay. Sabay titig kay Mia.

“Wooooh! Ayaw sabihin palibhasa tyope. Obvious naman kung sino. Wooooh!” Lapo pang asar ni Eli.

“Pare naman eh.” Kunwari nahihiya pero mukang may masamang binabalak. “Ano nga yung consequence?”

“Hahalikan mo yung nagtanong sayo.” Sagot ni Liam na natatawa na rin.

Patayo na si Jayden. “Halika dito Eli.” Nilapitan nya ito at hinalikan sa pisngi. “Hahahahahaha!”

Punas naman agad si Eli ng pisngi nya. “Sabi ko na nga ba pare pinagnanasaan mo ang katawan ko. Di tayo talo! Hehehehe!”

“Ulul!” sabi ni Jayden.

Maya-maya isa-isa na silang nakatulog. Ang gising na lang ay sina Mia at Led. Tumabi si Led kay Mia.

“Ang hihina naman pala nitong mga to eh. Natalo pa natin sila.” Sabi ni Led.

“Haha! Oo nga. Parang mga hindi sanay. Samantalang di lumilipas ang isang lingo dyan sa mga yan ng hindi gumigimik at umiinom.” Sagot naman ni Mia.

Tumahimik. Akala ni Mia nakatulog na din si Led.

Ang labo, lumapit para makipag-usap sabay tutulugan ako.

Nilingon ni Mia si Led para tignan kung nakatulog na nga. Pagtingin nya, nakatitig lang si Led sa kanya. Nagulat tuloy sya. O.O

“Anong tinititigan mo dyan? Akala ko nakatulog ka na kasi di ka sumagot.”

“Ang haba talaga ng pilikamata mo no? Ang ganda.”

“Anukaba? Para namang ewan to eh.” Pero deep inside kinikilig.

“Totoo yung sinabi ko kanina. I like you.”

“Led naman. You know that I have a boyfriend.”

“Alam ko, but still, I like you.”

“Sa totoo lang, I like you too pero---” wait, ha? Anong sinasabi ko?

“Wag ka nang mag-pero. You like me too right?”

“Yes, but--” di ko na natapos yung sinasabi ko. I felt his lips on mine. Di ko maintindihan, I feel like it has a mind of its own. Kusa syang gumagalaw.

I regained my strength and pulled my lips off his. Napatitig lang ako sa kanya. I’m speechless.

On the other side of the room, si Jayden narinig at nakita ang lahat ng nangyari. Nagtutulug-tulugan lang pala sya. Tapos napabulong na lang sya “Mia...”

::CoaTHR:: Confessions of a (Trying Hard) RockstarDonde viven las historias. Descúbrelo ahora